Twenty-three: Serves Him Right

3.4K 78 6
                                    


SKY LORRAINE PEREZ


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Sky?" he asked me habang prente syang naka upo sa kanyang swivel chair. 


"Hindi. Hindi ako sigurado Cloud. Nalilito pa rin ako hanggang ngayon." pag amin ko sakanya. Nalilito pa rin ako kung dapat ko ba syang pakasalanan o hindi. Oo alam kong kaya kong buhayin tong magiging anak ko pero mas lamang yung kagustuhan ko na lumabas sya na may kumpletong pamilya.


Inikot nya ang upuan nya. He's facing the glass wall na ipinapakita sakanya ang katapat na building ng kumpanya nya. Marriage is sacred. Gusto kong ikasal pero gusto ko doon ako ikakasal sa taong mahal ko at mahal ako. Pero this case I have in hand, it's different. Di lang ito para sa sarili ko dahil para rin ito sa anak ko. 


"Hindi ako nagmamadali Sky. Hindi rin kita minamadali. Take your time." usal nya pero hindi ko makita ang suot nyang ekpresyon dahil nakatalikod sya sakin. Sige dahil sakanya na lang din naman nanggaling, eh sasamantalahin ko na ang oras ko. 


"I want to know you more, Cloud." pag amin ko sakanya. Yes, knowing him better might help me decide. Gusto kong malaman ang bawat detalye niya. Gusto ko syang makilala. At sa tingin ko yun naman talaag ang dapat kong gawin. 


"Sinasabi mo ba na ligawan kita? Huh Ms. Perez?" di makapaniwalang tanong nya sa akin sabay ikot para harapin ako. Mag kasiklop na kamay at isang nakaka lokong ngiti ang sumalubong sakin. 


Nang marinig ko ang salitang ligaw ay pumitlag bigla ang puso ko. Naramdaman ko rin ang unti-unting pag init nang mga pisngi ko kaya naman yumuko ako. I don't want him to see me blushing. Hindi ko alam pero iba ang naramdam ka sa sinabi nya. I don't know what made him think that I want him to court me. Wala naman akong sinabing ganon. And honestly, sanay naman akong may mga manliligaw pero iba ang pakiramdam ko ngayon. 


"You're blushing." he stated. 


"Shut up!" mabilis na sagot ko at tinignan ko sya. But the moment I looked at him, he grinned. Fuck. Bwisit tong lalaking to! Lagi nalang akong pinagtitripan.


Bigla syang tumayo at may dinampot sa kanyang table. The he grabbed my hand at hinila ako palabas ng office nya. Nagulat yung lalaki sa labas ng opisina nya sa bigla naming paglabas. I think sya yung secretary ni Cloud. Nahihiyang ngiti ang ibinigay ko sakanya. 


"Job, cancel my meetings kung meron ma. Kung wala ka nang gagawin, you can go home." habilin nya then hinila na nya ulit ako at mabilis na pinindot ang button ng elevator. 


"Wag mo akong hilain. Alam mo naman yung condition ko tapos hihilain mo ko at papatakbuhin. You're insane!" reklamo ko sakanya pagpasok na pagpasok namin nang elevator. I pulled my hand to get it away from his pero kinuha nya din ito kaagad. 


When he grabbed my hand again, this time he placed his fingers between mine. I can help but to stare at our hands and watched it. My heart skipped a beat. This is not the first time that a guy held my hand pero pakiramdam ko eh parang ngayon lang nahwakan ang kamay ko. Oo na kinikilig ako. I was taken aback when I felt him squeeze my hand. Napaangat ang ulo ko para tignan sya pero hindi na umabot ang tingin ko dahil pag angat na pangat ng mukha ko at nakita ko ang reflection namin sa salamin. He's grinning, again.


He did not say anything pero yung ngiti nya nakaka loko kaya naman inirapan ko nalang sya. Ang lakas din mang inis nitong lalaking to eh no. Ngiti palang nakaka bwisit na. Nagkasalubong ulit ang mga mata namin sa reflection at inirapan ko ulit sya. 


"Wear your sunglasses." he commanded at kasabay ng pagsuot ko nito ay sya ring pag suot nya ng kaniya sabay tunog ng elevator. 


I just let him hold my hand at nakasunod lang ako sakanya. Bawat makaka salubong niya ay binabati sya, patunay lang na mataas ang posisyon nya sa company na ito. Oo alam kong sya ang may-ari. Pagkalabas namin ay sumalubong na samin ang isang itim na range rover. Pinag buksan nya ako ng pinto pero bago ako sumakay, tinanggal ko ang shades ko at tumingin sakanya. 


"San mo ako dadalhin?" masungit na tanong ko sakanya. Syempre kailangan kong malaman kung saan nya ako dadalhin. Mamaya ipapapatay na pala ako nang lalaki na to eh hindi ko pa alam. Mabuti ng nakaksigurado tayo. Di porke gwapo at mayaman eh di na masama. Malay ko ba kung kidnap for ransom pala modus nitong gago na to.



Tinanggal nya ang shades nya at tumingin diretso sa mga mata ko. I wanted to look away pero masyadong nakaka akit yung mga mata nya. Imbes na ilayo ko ang tingin ko ay tumitig din ako pabalik sakanya. 


"Dadalhin kita sa langit." he said seductively then he winked at gave me a makalaglag panty smile. 


"Aba't ang basto--" I was cut when he suddenly kissed me in my lips. 


"Daming satsat. Sakay na." then he pushed me a little bit para tuluyang makasakay sa sasakyan nya. Sisigaw pa sana ako kaso bigla nyang sinara ang pinto at mabilis na umikot papunta sa driver's seat. Wala akong nagawa kundi mapahawak sa labi ko. 



  CLOUD KRISTOFF LARISIMA


I can't help but to smile habang nag mamaneho. Pano ba naman itong katabi ko, naka busangot dahil sa paghalik ko. Pano ba naman kasi, ibes na sumakay nalang eh ang dami pang satsat. And damn, di nalang sya magpasalamat dahil hinalikan sya ni CLOUD LARISIMA. Eh yung ibang mga babae nga dyang nag tututuwad na sa harapan ko para lang mahalikan ko eh. 


"Tangina mo, tangina mo." she cussed habang nakatingin sa labas. Oo alam kong ako yung minumura nya pero wala akong pakialam. Hahaha!


"Kapag di ka tumigil dyan sa kaka mura mo, hahalikan ulit kita." I warned her. Pero isang nalilisik na tingin lang ang isinagot nya sakin. Napatawa ako ng wala sa oras dahil sa itsura niya. Imbes na matakot ako ay natawa lang ako. 


"If you're thinking that making that face will scare me, then you better think twice. Hahaha!" di ko napigilang kumento. She looks cute rather than scary. Parang bata na pilit pinapatapang yung mukha niya.


"Argh! Tangina mo Larisima!" she scolded sabay kurot sa hita ko! Naka slacks ako kaya ramdama na ramdam ko yung kuko nya sa hita ko. 



"Fuck!" sigaw ko sabay apak sa break. Sabay hawak ko sa hita ko at himas doon sa part na kinurot nya. 


"Serves you right!" sabay irap nya sakin. 


Damn! Kahit kailan wala pang babae na nangtangkang kurutin ako! Ang lakas talaga ng loob ng babaeng to. Fuck! Alam ko na itsura mamaya ng hita ko pag hinubad ko tong pantalon ko. Tinignan ko lang sya at nakipag titigan naman sya. 


"Gawin mo ulit yun at sinisigurado kong mamamatay tayo ng wala sa oras." pag sisigurado ko sakanya dahil nagsisimula ng mag ingay ang mga sasakyan sa likod namin. Huminto ako ng wala sa oras buti nalang at wala kaming kasunod na malapit kung hindi nako. 



Mr. & Mrs. CASANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon