Chapter 8

12.5K 313 20
                                    


FARRAH was watching Ethan through the corner of her eyes. Hindi rin siya tanga para hindi mapansin ang pagsulyap-sulyap nito sa kanya. She was in the kitchen making coffee nang bigla din iyong pumasok doon.

Her head was aching big time. Parang may construction site sa loob ng ulo niya. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa kuwarto niya kagabi. The last thing she remembered was crying hard and drowning her heart with the beer she found in the fridge.

Kakaalis lang nila Manang Selda kasama ang ilang katulong para mamalengke. Ang tanging natira nalang ay ang mga katulong na naglilinis ng bahay. Sa mga oras na iyon ay nasa second floor ang mga ito.

She diverted her attention to her heating coffee nang mapansing tila wala namang interes sa kanya si Ethan. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya makalimutan ang karahasan nito kagabi. He was far more different from the heartless Ethan she imagined. He was worse.

Flashbacks of how tight his hand held her still brings a couple of creeps down her spine. Sa pag-iisip ng nangyari kagabi ay nararamdaman niya pa ang sakit sa kanyang katawan pero mas masakit sa kanyang kalooban.

"Farrah..."

Nagulat siya sa biglang pagbanggit nito ng pangalan niya dahilan para ikapitlag niya. Nagsasalin siya ng mainit na kape sa baso. Dahil sa pagpitalg niya ay natapunan siya ng kumukulong kape sa kaliwang kamay niya. Mabilis niyang ibinalik ang coffee maker sa lalagyan nito bago hinipan-hipan ang kanyang kamay.

Naramdaman niya ang paglapit ni Ethan sa kanya. "Don't," maagap na wika niya sa kabila ng hapdi. "'Wag ka munang lumapit sa akin." Nanginginig ang boses niya. Because of what Ethan showed her the other night, she developed a slight fear of him.

Stubborn as always, hindi ito nakinig sa kanya. He came close. Close enough to suffocate her with how manly he smelled. Marahan nitong kinuha ang kanyang kamay saka tinapat sa gripo ng maligamgam na tubig.

"The running water prevents the burning process to continue. Kapag pinabayaan mo 'yung mainit na tubig sa kamay mo, lalapad yung masasakupan ng paso," wika nito sa malumanay na boses habang buong pag-iingat na hinahaplos ang kanyang kamay.

There she goes again. Unti-unti nanaman siyang nahuhulog sa mapanganib nitong pagkatao. The Ethan she was seeing was far from the heartless and aggressive Ethan last night. Lalo tuloy siyang nalilito kung sino ito.

"Are you bipolar?" wala sa loob na naibulalas niya.

Binalingan siya nito. Bahagya siyang kinabahan sa tingin nito ngunit agad ding nawala nang ngumiti ito. Why, that man could really set out charms dangerously.

"I'm not," simpleng wika nito.

Kumurap-kurap lang siya saka umiwas ng tingin dito. Bigla nalang siyang lumambot. Even if she saw how worse Ethan could get, she still believes that there is this soft spot in him. Naniniwala siya na may malambot na puso si Ethan.

"Sorry about last night. Medyo nakainom kasi ako. Alcohol has a very bad effect on me. I tend to be very aggressive and careless when I'm drunk kaya napagbuntunan kita. All these stress is getting into me badly kaya pasensya ka na."

"Wow," she mouthed.

"Bakit?"

"You just apologized."

"I do owe you more than an apology, don't I?" Iginaya siya nito paupo sa may counter saka inabot ang petroleum jelly sa may medicine kit saka pinunasan ang napasong bahagi ng kanyang kamay. "This will prevent blisters."

Ngumiti siya. "Abswelto ka na," bigla niyang nawika.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya, nakataas ang isang kilay. "It shouldn't be like that," anito. Umupo ito sa tapat niya pagkatapos pahiran ang kanyang kamay. "I am making you realize that I'm not anything you've dreamed of, Farrah. I'm a very bad person and I don't know how to love. I'm not capable of giving you a fairytale. Sinasabi ko 'to ngayon sa'yo para makapag-isip ka. You still have time to escape a nightmare."

Heartless Romantic (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon