mmsd | 05 [ special chapter ]

Start from the beginning
                                    

3) Naaalala mo siya kahit sa mga maliliit, walang kwenta at iba-ibang bagay.


"Wah. Ang kapal nung libro oh. Kasing kapal ng mukha ni Seungcheol hyung." Natatawang sabi ni Jihoon habang tinitingnan ang libro.

"Baliw ka talaga, Ji." Natatawa ding sagot sa kanya ni Soonyoung at naglibot na silang muli.

"Soonyoung! Gummy bear oh! Diba parang si hyung yan? Gummy?" Pansin ulit ni Jihoon habang nakaturo sa isang sweets store.

"Hay. Oo, oo." Sagot nalang ng kasama bago bumalik sa pagtingin-tingin.

'Hayst. Ang kintab ng sahig. Parang yung gilagid ni Cheol hyung. Hahahhaha.' Sabi ni Jihoon sa sarili at napangiti nalang. Hay, Seungcheol.



4) Kaya mong gamitin ang buong araw mo habang nasa lugar niya.

"Jihoon~" napatingin ang nakababata sa kanyang hyung na nasa likod na niya ngayon.

"Bakit hyung?"

"Punta tayo sa kwarto mo." Nakangiting sagot nito sa kanya na ipinagtaka ni Jihoon.

"Bakit hyung?"

"Wala lang. Namiss ko lang yung kwarto mo." Muling sagot nito sa tanong niya.


"Bakit hyung?"


"Siyempre, kasi matagal na akong hindi nakakapunta dun, ayun." Sagot ulit ni Seungcheol.

"Bakit hyung?"


"Eh kasi diba naging bu— teka nga! Bakit 'bakit hyung' ka ng 'bakit hyung' dyan?!"

Napatawa nalang ng malakas si Jihoon, "Hahahaa sige hyung. Pero isang matibay na dahilan nga."

"Gusto ko lang." Nakangiting sagot ni Seungcheol.


5) Nararamdaman mong mas ligtas ka kapag nandyan siya.

"Cheol hyung?"

"Bakit Jihoon?"

"Natatakot ako. Bakit kasi nagbrown out pa." Mahinang sabi ni Jihoon bago magsalita muli, "Pwede bang dito ka lang?"

"Hmm? Oo naman. Pero bakit?" Tanong ni Seungcheol pero lumapit pa rin siya sa nakababata at niyakap ito.

"Natatakot kasi ako hyung."

"Bakit hindi yung iba yung tinawag mo?"

"Ayaw mo ba, Cheol?"

"Hindi ah! Pero bakit nga?" Mapilit na tanong nito.

"Basta." Nakangiting sagot naman ni Jihoon. Pakiramdam ko kasi mas ligtas ako kapag nandyan ka.

6) Hindi mo maiwasang ulit-ulitin ang pakikinig sa favorite theme song niyo. [ O sa kanta niya ]

'haengbogeun geunyang malman inneun geogo
moduga wonhaneun dreamilppunirago
maldo an doeneun yaegingeol yeah
mitgo sipjido anhaseo yeah
Yeah I just want it SIMPLE SIMPLE oh~' Kanina pa halos pinapakinggan at pinapaulit ni Seungcheol ang kanta ni Jihoon.

"nareul sumswige haneun modeun geosi
geujeo gandanhaesseumyeon hae
naegeseo meolli deo meolli
deo boiji anheul ttaekkaji
I call you baby yeah
baby’t called my happiness yeah
Yeah I just want it SIMPLE SIMPLE
I want it SIMPLE~" nagulat nalang siya nang may kumanta sa likod niya. Pagkaharap niya ay isang Lee Jihoon na nakangiti sa kanya.

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now