Chapter 5

6.7K 163 12
                                    

NGUMISI si Enzo nang mahina siyang kurutin ni Myeisha sa tagiliran nang makababa sila sa "motel" na binangit niya rito. He could've brought her there. Iyon naman lagi ang destinasyon niya sa tuwing lalabas siya kasama ng isang babae. But with Myeisha, she deserved all the respect.

Dinala niya ito sa ginagawang restaurant nila. Hindi pa natatapos ang buong paligid pero nakikinita na niya ang pagtatagumpay sa restaurant na iyon. He talked to his cousins the other day tungkol sa pagpapatakbo ng restaurant. He would be the chef, of course.

Noon paman ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling restaurant. He could've done that way back after he graduated. Pero masyado siyang nasanay na walang ginagawa sa buhay kundi ang magpakasasa sa yaman ng pamilya nila. But now, he was bored of being rich.

"Akala ko naman sa motel mo talaga ako dadalhin," anito.

"Disappointed? I could change my mind, you know," ngingisi-ngising wika niya.

Inirapan lang siya nito. Minasdan nito ang isang sculpture sa loob na hindi pa tapos. Isang kupido ang ipinalilok niya para ilagay na ornament sa labas ng restaurant. It was just made with narra wood but Myeisha looked at it like it was made of diamonds.

"Hey. It's a sculpture. Made with wood, you know? Wala ba niyan sa bahay niyo?" pang-aasar niya rito. Naupo siya sa isang upuan na kahoy sa may bandang counter.

Inirapan lang siya nito. Tiningnan nito ang bawat sulok ng ginagawang restaurant. She looked like a kid fascinated by paintings and sculptures. Hindi niya napigilang mapangiti. He had never felt like he wanted to laugh all his heart out. Kakaunting tingin lang dito ay parang napupuno na siya ng kaligayahan.

Napalis ang ngiti niya. He was in trouble. Those thoughts are so not Lorenzo Nicholai Legarda. Enzo never thinks of one woman. Enzo never smiles because of a woman. And Enzo never cares for a woman. Hindi kaya iyon na ang hudyat niya para iwanan ang paggiging playboy?

Muli niyang binalingan si Myeisha. Nahigit niya ang hininga nang makitang nakatingin din ito sa kanya. She gave him a very cute smile. And he can't believe he felt his heart skip a beat. Enzo Legarda never had his heartbeat doubled. Pero sa mga oras na iyon ay mukhang nabago iyon.

"Enzo. An'ong ipapangalan niyo rito sakaling natapos?" tanong nito.

Nilapitan niya ito. "Hindi ko rin alam. Hindi pa naman tapos ang resto eh. Saka ko na iisipin iyon kapag patapos na." He never left her eyes. Gusto niyang tumingin din ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang wala lang dito ang charm niya. He used those charms a million times at kahit kailan ay hindi pa siya pumalya.

Tumango-tango lang ito. When her eyes met his, agad naman itong umiwas ng tingin. "Pero an'ong plano mong ipangalan dito?"

Kumibit-balikat siya. "I don't know. Maybe something very important. Something close to my heart. Something I love or something I can't live without."

A naughty smile formed in her kissable lips. "So this will be called 'Women Restaurant'?"

Napalakas ang tawa niya. "I'll put that on my list."

She just gave him a sheepish smile before looking at some places. Pumilig ang ulo nito nang mapatingin sa counter. "'Zo, sa tingin ko, the counter needs a huge picture."

"Picture? An'ong klaseng picture ang ilalagay ko?"

Kumibit-balikat ito. "May something important? Something close to your heart? Something you can't live without?"

Nang ngumiti ito ay hayun nanaman ang puso niya, nagwawala. Namayani ang katahimikan. He just watched her roll her eyes like she was avoiding his.

Charm Me with Your Heart (published by PHR)Where stories live. Discover now