Chapter 1: HClub Members

58 4 0
                                    

***

R A N I E L L A B U S T O S

[before she met the club president]

Nagpatuloy ang mga klase na parang walang nangyari. Ang sikreto lang ni Dmitry ang naisaiwalat at hindi na ako nag pa tuloy pa sa deduction show ko kasi tinatamad narin naman ako.

Ang akala ko ay pagkatapos ng deduction show ko ay hindi na ulit mapaguusapan pa ang pag papahiya ko kay Dmitry (na hindi naman nahiya). Yun ang akala ko. Nang mag break time na ay dumiretso na ako sa cafeteria para umorder ng maraming pagkain. Iniiwasan ko kasi ang mga classmate ko. Ayaw ko ng may kasamang kumakain.

Nakapila ako noon nang marinig ko ang pangalan ko na pinaguusapan. Wala naman talaga akong paki pero syempre kahit takpan ko pa ang tenga ko ay maririnig at maririnig ko parin. sila.

"Sa grade 12 class B! Merong babaeng nag deduction show sa talent portion ni Sir Aguilar! Raniella daw ang name!"

"Really?! Magaling naman daw ba? Mamaya self proclaimed deduction show lang naman pala."

"I heard from my friend on class B that everything she said is accurate!"

"And guess what?! Dmitry Maisky asked her to become the newest member of History Club! The Dmitry Maisky himself!"

"Wow! She must be a head turner!"

"I heard that she's the first one to have a full scholarship in our school! Everything is for free! Every friggin thing!"

"How can she do that?!"

"Well there's this rumor that the principal is one of her pals! "

"That's so cool!"

"Girls sssshh! She's right over there!"

At tumingin sila saakin kaya naman napa iwas ako ng tingin. Well i do want to be notice when I'm doing a deduction show but I hate attention!

And no. Hindi libre ang lahat. Ano ako prinsesa? Reyna? Purkit naging kaibigan ko si pards libre na ang lahat? Libre ang uniform, tuition, books and other miscellaneous things pero hindi libre ang pagkain! Kaasar nga eh!

Bumili ako ng kanin at chicken fillet, isang slice ng black forest cake, isang slice ng mocha cake, milk na nasa karton, dalawang bote ng tubig, at limang lollipop. Hindi rin ako mahilig sa sweets, ano? Sugars are good for the brain kaya naman palagi akong kumakain ng matatamis, feeling ko kasi tumatalino ako.

Binulsa ko yung limang lollipop kasi yun ang pagkain ko mamaya kapag naglakad lakad o kung ano pa man. Simula grade 9 ako ay naging habit ko na ang kumain ng lollipop habang naglalakad o nag tetest.

Naghanap ako ng vacant table at naupo. Hindi pa naman puno ang cafeteria kasi malaki laki rin ito. Ang alam ko iba ang cafeteria ng mga collage. Yup, may collage dito sa FII.

Napuno yung table ko ng mga pagkain na inorder ko kaya naman panigurado wala ng makiki share pa sa akin ng table. Pang dalawahan lang kasi yung table na kinuha ko. Ayoko nga kasi ng may kasama ako sa pagkain. People tend to eat your food even if they are rich enough to afford one. Mahirap lang ako at gusto kong i savor ang mga binili ko. Madamot na kung madamot eh ako lang naman mahirap dito. Kadalasan mga foreigner ang nakikita kong studyante.

"Hey, do you mind?" Medyo nagulat ako nang may sumulpot sa harapan ko na lalaki habang naka taas ang hawak niyang tray na naglalaman ng mga pagkain niya. Tinatanong ata kung pwede siyang maki table. Kagaya ko may malamig din siyang mga mata at boses na nagpapatayo ng balahibo ng kung sino man ang kausapin niya. Maliban sakin. Ako mismo may ganyang klase ng boses at mga titig kaya hindi ako natatakot sa mga ganyan ganyan. Medyo unique ang pagkakaroon ng ganitong klaseng katangian kaya hula ko siya ang President ng history club. Pipilitin ata akong sumali sa kanila. Sorry but no.

His Story Club (ON-HOLD)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz