Kabanata XXI: Realization

Comenzar desde el principio
                                    

"I am not leaving Zac," determinado kong sabi. Hindi na ko nag-abalang pukulan ng tingin si Honey para sa reaksyon niya.

Pumasok na ko sa kwarto. Nakita ko si Zac na marahang hinahaplos ang buhok ng bata, mas lalong bumuhos ang luha ko. He will be a great dad someday. Agad niya kong nakita, nag-aalala't nagtataka dahil sa pagluha ko. Bago pa man siya makatayo ay nalapitan ko na siya agad.

"What happened to Kellan?" nanghihina kong sambit.

"You're here when the doc–"

"No," putol ko sa kanya. "What did she do to him?" mariin kong banggit.

"Mary," napailing siya, mapaklang napangiti. "I...this is not the right time and place to discuss that."

"Then when? Where?!" mariin ngunit mahina kong sambit upang maiwasang magising ang nahihimbing na bata. "You're protecting us. Me and Kellan." Ako naman ang pagak na napangiti. "To her." Nakita ko ang paglunok ni Zac dahil sa sinabi ko. Hindi niya ko kinontra dahil alam niyang totoo naman talaga ang sinasabi ko. "What I don't understand is why protecting this child from his own mother?"

"Mary..."

"I know. Not the right time and place," sabi ko, nanghihina. Ang aga-aga pero parang pagod na ko. "Tang ina, Zac!" humakbang ako paatras sa kanya, hinalamos ang kamay sa palad ko. "Kailan mo sasabihin? Kung kalian napatay na niya ko?!" hindi ko na maiwasang taasan ang boses ko.

"Don't," banta niya. "Don't ever speak that way again." Malamig niyang sabi sa'kin, bahagyang bumigay ang tinig niya na para bang gusto ng umiyak. "I think...I think you should leave." Nakayuko niyang sambit. Napatitig lamang ako sa kanya, hindi agad nakagalaw, hinihintay na iangat ang tingin niya upang magtama ang tingin naming dalawa.

Gusto kong malaman kung ano'ng iniisip niya ngayon – dahil heto na naman siya, tinataboy ako. Isang hakbang na lang sa liwanag, tinutulak pa rin sa dilim. Isang abot na lang sa katotohanan, inilalayo pa rin niya – ipinagkakait pa rin niya. Binibigyan na ng pagkakataon na sabihin sa'kin ang lahat pero wala pa rin.

"You can't do this alone, Zac," nagmamakaawa kong sambit.

"Please, Mary. Just leave."

Bumagsak ang balikat ko, napatingin sa taas, napailing sa pagkadismaya, bumuntong-hininga nang malalim at walang salitang lumabas ng kwarto't iniwan siya.

***

Birthday celebration ni Mama ngayon. Syempre, sa kabila ng nangyari kahapon, hindi ko naman hahayaang magmukhang disaster ako sa harap ng bisita, lalong-lalo na sa harap ng mga magulang ko at magulang ni Zac – kung pupunta talaga sila.

"Ate, nandito na sila Ninang at Ninong," pagbibigay-alam ni Adan na para bang alam kung ano ang tinatakbo ng isip ko ngayon.

Lumipad ang tingin ko sa pinto kung saan naroon sila Mama't Ninang na mahigpit na magkayakap. Masiyadong madrama ang tagpuan – I had enough drama from these past few weeks...months...at ayoko ng makidagdag pa. I am happy for them though. Sa wakas ay nagkaayos na silang dalawa. Nakita kong hinampas ni Mama si Papa sa bunbunan niya, ganoon din si Ninang kay Ninong. Mukhang inaasar ng mga ginoo ang asawa nila. Hindi ko maiwasang mapabungisngis.

I sighed. I have a reason to smile genuinely at least.

Nang umalis ako sa Ospital kahapon ay dumiretso lamang ako sa bahay, tumulong sa pagde-decorate ng bahay, pagpa-plano kasama si Adan at Eva para sa okasyong 'to. Pinilit kong abalahin ang sarili para hindi maisip si Kellan, si Zac at si...Honey. Pero hindi ko kaya. Ilang beses ng pinukaw ng magkapatid ang atensyon ko dahil nahuhuli nila kong nakatitig sa kawalan. Tinatanong nila ang opinyon ko para sa naisip nilang ideya ngunit hindi agad ako nakasasagot. Masiyadong okupado ang isip ko.

Marry Me, MaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora