Naging masaya naman kami ni babe. Dahil magkaiba kami ng school, sinusulit nalang namin ang mga araw na magkasama kami.
Pero gaya ng ibang relasyon, nagkaroon ng mga tampuhan dala ng selosan at kung anu-anu pa.
"Bakit si Lester ang tinext mo nung kailangan mo ng kasama?"
"Saglit lang naman ako dito eh. Parating na din nga kasi yung mga kasama ko diba?"
"Kahit na.Bf mo ako."
"Alam ko.friend ko rin si Lester,barkada mo siya .Dyan lang bahay nila sa lingap oh.. ikaw ang layo-layo mo. Ayaw na kitang abalahin."
"Kahit na. Sa susunod ako tawagin mo."
"Osige.Kelangan ko na umuwi. Baka wala akong masakyan."
Pero kahit may mga tampuhan,nairaraos naman. Hindi ko nga akalain na nakaabot kami ng monthsary.
"Tao po.. tao po.. "
Bumukas ang pinto.
Masyado pala akong maaga. Papa ni babe ang nagbukas dahil tulog pa sila.
"Good morning po."
"Ah ikaw pala. Goodmorning.
Maupo ka muna at tatawagin ko si Jovan. Tulog pa eh. "
"Ah sige po."
Lumabas siya ng kwarto at halatang kagigising lang.
Pinuntahan niya ako sa sala at humingi ng sorry.
"Sorry, napuyat ako kagabe kaya tinanghali ako ng gising. "
"Hindi ka man lang nag-alarm?nakailang missed call ako sayo hanggang sa namatay na yang phone mo."
"Sorry na talaga.. Happy monthsary babe. "
"8am daw.Nagpalate na nga ako kaw pala wala. hmp andito na ko eh. anu pa nga bang magagawa ko. Happy monthsary rin".
"Ligo muna ako ah. Nakakahiya sayo eh. "
"Bilisan mo ah.. "
Nakakainis yung umaga na yon. Nakaistorbo pa ako sa mga natutulog. Lahat sila bumangon na nang dumating ako.
"Ayan hug mo na ko."
"Bango ko na diba? "
"Hindi naman eh. de joke lang. Mabango, pero kahit kaliligu mo mas mabango pa rin ako sayo."
"Oh talaga, paamuy nga.. "
"tsk !hui!umayus ka nga! "
Nagkaladyaan lang kami dahil hindi pa kami makalabas dahil sa lakas ng ulan.
"Kumain na muna tayo, Jovan, Georgina kain na"
"..Sige lang po"
Maliban sa parents ko, si Jovan ang kauna-unahang nagsubo sa akin ng pagkain gamit ang kamay. Komportable ako sakanya kaya okay lang .
Hindi ko akalain na mangyayari ang mga bagay na to. Dahil dumating sa puntong nasabi kong si Jovanie ang taong pinaka ayaw ko.
Maulan kaya natulog silang lahat. Maliban sa amin at sa kapatid nyang babae na nanonood ng movie sa computer.
"..Wala na atang ulan, labas na tayo?"
"Oo nga.tara?.. "
Masarap sa pakiramdam na naglalakad kaming malamig ang panahon at basa ang lupa na may mga nalaglag na bulaklak mula sa puno.
