Sa lahat ng card games, “in-between” ang pinaka paborito ko. Bet game na matatawag, larong hindi nakakaboring dahil mabilis ang laban at talaga namang exciting. Kapag Ace at King ang baraha mo, tataob ka ba dahil may mga A at K pang baraha na natitira at pwedeng lumabas? Napakahina naman ng loob mo kung ganon. O ibebet all mo dahil napakalaki ng chance mong manalo. Malas ka nalang talaga kapag natalo kapa. Pero teka, sa larong to meron namang bet half, okaya naman bet the amount of money that you want or the amount that you can risk.(bet piso,bet dos,bet lima ganun.haha) Para naman kapag nanalo, ayos.Kung hindi, okay lang:) hindi ganoon kasakit. Yun yung tinatawag nating play safe!
“Jomasai ko nalang itiz,baka hindi aq makauwi haha,anung gagawin kez?!”
Hindi ako mapakali! sobrang naeexcite ako. talo na ako ng P250, at P300 na ang pera sa harap.
“bet all na yan!”
“sis wag!half lang!tiran mo ko”
“wooh!bilis!antagal tagal eh!”
“show money!”
“WAIT! JAKE PAUTANG NG P350..
BET ALL!”
“tok!.. tok tok tok. ate Grace? ate Grace...”
Bumukas ang ilaw at pinagbuksan ako ng pinto.
“Kumain ka na dyan..”
Pinatay na nya ang switch ng ilaw sa labas, inilock ang pinto at
bumalik na sa kwarto nila.
Kila ate Grace ako tumutuloy habang nag-aaral. Pinsan ko sya kay mama. Malapit kasi sila sa CLSU kaya doon muna ako tumira para mas makatipid. Jeep ang sinasakyan ko kapag pumapasok at P7 lang ang pamasahe.
Gabi nanaman akong umuwi. Pagkatapos kasi ng meeting sa Org, nagbobonding pa kaming magbbrods and sis. Kung hindi sa UMAYKAN Restobar na pagmamay-ari ng adviser namin,sa Apartment nila kuya Mac na dun din sa Bantug.
“haay,isang napakasayang gabi nanaman ang nagdaan.”
Pagkatapos kong kumain, maghugas ng pinagkainan at ng katawan, nireview ko naman yung report ko para sa klase ko kinabukasan.
“beep
..beep..beep”
(hindi yun jeep. msg. alert ng phone ko yun.)
23 messages
received
Bago matulog, text text muna with friends, brods and sis, at kay suitor na malapit ko ng sagutin:)
Naisipan kong ihanda na yung isusuot ko kinabukasan. Sa pamimili ko kung anong isusuot ay nakita ko ang suot kong damit nang una ko syang makita.
“Bading,bago tayo gumawa magpicture picture muna tayo.”
“Ay gusto ko yan bakla!wala na akong maiprofile pic eh.haha”
3rd yr, 1st sem, busy kaming lahat sa pagconduct ng research under Dr. Gaboy.
Maingay kami ni Krizia papunta sa boarding house nila para mag-encode ng ilang data.
Sa di kalayuan,tanaw ang dalawang lalaking makakasalubong namin na nakatingin sa amin.
Sa tapat ng Auditorium
“Hi miss, can i get your number?”
“.,.h--ah?
ui Krizia! ikaw n nga magbigay”
