Greetings loved ones
Let's take a journey
I know a place
Where the grass is really greener
Warm, wet and wild
There must be something in the water
Sippin' gin and juice
Laying underneath the palm trees
The boys
Break their necks
Try'na to creep a little sneak peek
(at us)
(Kevin Calling)
“Sunduin na kita?"
“Parang naaalangan ako sa suot ko ee, muka talagang basahan”
“Anu kaba.San Jose lang tayo.”
“Yun na nga, sa San Jose, maraming tao.
Muka akong basura.. huhu”
“Anu ba kasi nangyare?”
“Hindi ako nakapaglaba diba. Masyado kong naging busy sa Imersion namin. Hirap magkasabay na nag-aaral saka nagtuturo.”
“Okay lang. Kahit basahan pa yang suot mo, proud pa rin akong kasama ka.”
“Weh?di nga?”
“Oo,promise!”
“hmp.sige na nga..”
Pagdating niya sa boarding house.
“Ayus naman ah. sexy nga eh”
“luls,namwisit pa”
“hehe,oh bakit karami mung dala?”
“Yung mga labahin ko sa bahay ko nalang tatrabahuhin”
“Amina.ako muna magdala”
“Oh..”
“HAay, ang bigat! kaya pala di ka lumaki eh.”
“Aba, aba! nagsalita ang matangkad!”
Naging madalas ang pagkikita namin ni kevin. Namamasyal, kumakain sa labas,at kahit san kami magpunta, sinisigurado naming may picture kaming dalawa.
Kapag nasa Cabanatuan siya, tulad ng dati, tumatawag siya at mas naging madalas pa nga.
“Ano tapos kana?”
“Di pa.bakit kasi wala akong talent pagdating sa paggawa ng visual aids.tsk”
“Pasensya kana ah. malayo ako eh.di kita matulungan.”
“Nuh kaba. Okay lang!Pasensiya kana at napupuyat kapa ng dahil lang sakin.”
“Eh para naman may karamay ka. oh habang gumagawa ka dyan nakakapag basa naman ako rito.”
“Basta. Thank you thank you ng marami.”
Kahit hindi ko pa siya boyfriend, alam ko sa sarili kong mahal ko na siya. Pero naghihintay ako ng tamang panahon para don. Masaya naman ako dahil alam kong nandyan siya para magpagaan ng loob ko at magbawas ng napakarami kong stress.
Ganoon rin siya. Kapag meron syang mga sama ng loob, ako yung sinasabihan niya at ako naman,nakikinig lang.
“Hoy easy lang..papangit ka nyan.”
“Eh nabubwisit na talaga ko sa classmate ko eh. Parang magaling. Pag nakikita ko yung pagmumuka naiinis ako.”
“Bakit,hindi ba maganda?”
