Nagising ako sa pagalog ng eroplano, pagtunog ng emergency alarm, at sa sigaw ng mga tao.
What the hell is happening?
"Miss, a-anong nangyayari?" Tanong ko sa katabi kong nanginginig at umiiyak.
"A-ang... Eroplano... B-babagsak... Mamamatay... T-tayo..." Sabi niya sakin habang nakatulala sa kawalan.
Biglang bumaksak ang mga luha ko. No... Ayoko pang mamatay... Lord, I still have many dreams to catch. I still have someone to find, love and spend my life with. I still want to take care of my 3 dozen children. No, Lord... Give me a chance to live... LORD NAMAN EH. AYOKO PA.
"Please, remain calm. Take your seats and remain calm" PAANO AKO KAKALMA? Nilabas ko yung phone ko. Buti na lang waterproof 'to.
Pinindot ko yung camera at inayos yung sarili ko.
Vinideohan ko yung sarili ko T^T
"Mommy... Daddy... I love you po... Thank you po sa pagaaruga sakin for 20 years. I love you guys. Kahit nasa heaven or hell na ako. Pero sigurado ako sa heaven ako... I love you po. Alagaan niyo po yung pusa ko saka yung aso ko. Isipin niyo na lang ako bilang yung pusa ko. Sorry po pero hindi ko na kayo mabibigyan ng son-in-law saka ng mga Apo. Saka sa lamay ko gusto ko ng pink na coffin, tapos gusto ko maganda yung picture ko at walang magsusugal saka alak. Dalhin niyo din yung mga pets ko, sa lamay ko. Lagyan niyo ako ng pink na ribbon sa ulo ko ha? Saka gusto ko maganda ako. Ako lang dapat nakawhite kundi hindi ko patatahimikin yung kaluluwa ko. I love you so much. Goodbye. Saka paki sabi sa mga ex ko na dumalaw sa lamay ko ah? I Love you and thank you" pinunasan ko yung luha ko na patuloy na dumadaloy. Ang sakit.
Naramdaman na lang namin na pabagsak na ang eroplano habang umiikot yung eroplano.
Lord, maganda ba sa Paradise niyo?
Papunta na kasi ako diyan.
Kumapit ako sa arm rest ng upuan at sumigaw. Then everything went black.
YOU ARE READING
Me, My Exes and The Island
Teen FictionPaano kung matrap ka sa island kasama ang mga ex mo? Liliana Collins, half American half Filipino. Mestiza, matangkad, sexy, mayaman, at matalino. Pinanganak sa US pero lumaki sa Pilipinas. Wayne Ramos, Pure Filipino. Varsity sa basketball, Mr. Po...
