Park Jungsu: Cornered Love

39 0 0
                                    

Chapter 3: Park Jungsu (Leeteuk)

"Hyung"

"Wag ngayon Donghae pagod ako"

"Hyung!!!"

"Hae, sinabi nang wag ngayon, ano bang kailangan mo?"

"hyung, nagugutom na ako!!"

"Edi kumuha ka sa ref"

"Hyung!! Wala nang laman yung ref"

"ANO?? Kakagrocery lang natin last week ah?"

"Eh kasi si Hyukkie, nagsama nanaman ng mga babae dito kahapon ayun inubos yung stock natin"

"Ha? Asan ba si Hyukjae??"

"Ewan ko din eh, paggising ko wala sya sa kwarto, eehhh hyung tara na! Kumain na tayo sa labas!!"

Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng pabayaan tong baboy na Donghae na 'to kundi, di nya ako papatahimikin buong araw -,-"

Hindi na ako nagdrive dahil sobrang pagod na pagod na ako. Kakatapos lang kasi ng part-time ko sa Gasoline station. Halos kakauwi ko nga lang eh, matutulog na dapat ako kaso tumawag nanaman si..... arghh!!! Nevermind! wag na nating pag-usapan, kumukulo lang ang dugo ko!

"Hyung, bat dito tayo sa supermarket??" 

"wag ka nang magreklamo, kumuha ka nalang jan ng gusto mo nang makauwi na tayo at talagang inaantok na ako! Pag nagreklamo ka pa bahala ka na sa buhay mo uuwi na talaga ako!"

Natakot ata, ayun, nagmadaling tumakbo at kumuha ng push cart at pumulot na ng mga pagkain. Dahil sobrang pagod na pagod na ako, hinintay ko nalang sya sa cashier.

"Hyung kasi eh, sana ginamit nalang natin yung kotse mo, nakakatamad maglakad"

At nag-inarte pa talaga?? 

*beep beep* napatigil kami sa paglalakad nang may marinig kaming malakas na busina.

"oppaaa!!" malakas na sigaw nito pagkalabas sa taxi. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino yung sumisigaw dahil kabisadong kabisado ko na ang nakakairitang boses nya.

"Patay tayo jan hyung!" biglang sabi ni Donghae nang makita sya.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Oct 16, 2014 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Super Junior "Love Story"Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu