Chapter 55

931 24 7
                                    

Alden's POV

It's 3:00am na ng madaling araw, I'm still searching for my children.

Nakakapagod rin pala, kasalanan ko 'to. Tatanggapin ko na lang.

I will face the consequences.

Nagpahinga muna ako sandali sa may tindahan.

Doon ko nakita sa loob sila Lez at Chardy.

"Lezriann! Chardy!" Sigaw ko at lumabas naman sila.

"Uhh, Elison, iwan mo muna ako at ng Dad ko."

"Uhh, sure." Tinapik n'ya sa shoulders si Lezriann.

"Lezriann, sino 'yon?" Tanong ko at tiningnan yung Elison.

"Dad, please stop. I want to ask you. About everything."

She asked why things are like this. And this is how I answered her,

"Mahal ko ang Mommy mo, alam mong hinding hindi ko sadyang gagawin lahat nang 'yon," sabi ko, "Pero ito ang isipin mo ha, yung away na 'yon, wala na 'yon. Wag mo nang masyadong isipin 'yon dahil bata ka pa. Hindi mo pa naiintindihan ang mga ganitong sitwasyon. Hayaan mo kami ng Mommy mo ang mag-usap. And, bati na kami, we're okay."

"Pero Dad," Bigla s'yang nalungkot, "Dad, hindi pa namin gustong umuwi. We want to stay. Here."

"Pero, bakit anak? Iyon naman ang gusto n'yo di'ba? Yung magbati kami? Kaya please umuwi na kayo, baka atakihin pa sa puso ang Mommy n'yo." Sabi ko at umiling s'ya.

"No, Dad. I'm sorry,"

Lezriann's POV

Mahal ko ang mga magulang ko oo, pero bakit ko ba naisip na ganoon na lamang ang gawin ko?

Marahil ay dahil na trauma ako sa nangyayari sa bahay namin.

At mas nagustuhan ko ang buhay nila Elison dito sa kanila.

Nakakainggit nga 'eh. Malayong malayo sa pamilya namin.

Sa kanila, simple, masaya, mababaw lang.

Kumbaga, ang babaw ng kaligayahan at kagustuhan nila.

Napamahal na rin ako sa pamilya ni Elison. Mababait sila,

Pero mas naiinggit ako, sa magulang na meron si Elison

Parang na sa kanya na ang lahat.

Ako kayamanan lang ang napgyayabang ko, pero dito kay na Elison, marami.

Unang una sa lahat, ang magulang ni Elison.

Sweet sa isa't isa, hindi nag aaway. Kung mag aaway man, ay hindi sila nagsisigawan tulad sa bahay.

That's one of the reasons why I really hate my parents.

Tapos kahit ganito lang ang buhay nila, masaya sila.

Si Elison kasi, tropa or buddy ko yan in the past. Pero ganun pa rin naman sa present.

Kaya kilalang kilala ko s'ya.

Ang tatay n'ya, nangingisda. Ang nanay naman n'ya, wala, sa bahay lang, inaalagaan sila. Tapos may dalawa s'yang kapatid, si Essa saka si Jerome.

Si Jerome, cute 'yon! Kasing gwapo ng kuya n'ya.

Si Jessa or Essa, babae n'yang kapatid na 15 years old.

Halos magkasing edad lang kami ni Elison, matanda lang s'ya sa buwan.

Nakatira kasi sila sa may beach tapos kahoy lang bahay nila, pinayagan naman kami ni Chardy na makisiksik duon.

"Lez, lalim ng iniisip mo ah? Okay ka lang?"

"Okay lang po ako, Tita." Sabi ko.

"Nakapag-usap daw kayo ng Daddy mo?" Tanong n'ya.

"Opo, 'di ko na lang po masyadong iniisip 'yon." Nag fake smile ako, umalis na si Tita.

Pumunta ako sa shore at duon ako naupo, I watched the sun as it rises. Gumaan ang pakiramdam ko.

Nature always cure the pain inside you.

**********

A True Love Story [ON-GOING]Where stories live. Discover now