"Okay lang yun friends pa naman tayo, diba." sagot ko sa kanya.

"Pumili kayo ng leader." dagdag na sabi ni Mrs. Rivera.

Si Ellie ang pinili namin, dahil sa kanyang powers na dark lightning. Kakaiba ang kapangyarihan iyon tatlo lamang ang may hawak ng ganoong powers pero si Ellie at Gene pa lamang ang kilala kong may ganoon sa ngayon. Si Gene ay Lightning din pero mas pinili niyang si Ellie ang maging leader. Si Cenver naman ay isang apprentice na nagmula sa Aegreo (Eygrio), kakaiba ang kaya niyang gawin. Kaya niya ang fear amplification kaya di kami masyadong manghihinaan ng loob, kaya niya rin ang channeling kaya medyo malakas ang pwersa namin. Kakaiba ang mga apprentice ngayon dahil mahigit tatlo ang kanilang ability at powers di katulad dati na iisa lamang. Si Whint ay apprentice din na sa Aegreo  nagmula. Immunity ang ability niya kaya minsan hindi siya tinatablan ng kahit anu pero maliban sa isa, hindi ko lang alam kung anu iyon maybe pag junior na ako malalaman ko din, hawak rin niya ang Air element kahit hindi siya royals. Si Therrie naman ay cloning kaya niyang gumaya ng ibang tao kahit kapangyarihan pero limitado lamang, hawak niya ang power absorption delikado ito pero kinukontrol naman niya kaya wala masyadong napapahamak.

"Lahat ng leader  pumunta kayo sa unahan." sambit ni Mrs. Bond na kadarating lamang.

Pumunta na si Ellie sa unahan, sa group two ay si Jheilou ang leader, sa group three naman ay si Lhux then sa last group ay si Eron.

Bakit si Eron ang kanilang leader? Tanong ko sa sarili habang nakatingin kay Demi.
Bakit hindi si Demi? Nagtataka kong tanong.

Kinausap ni Mrs. Bond ang apat kaya maaari na kaming lumapit sa isa't isa. Nilapitan namin  si Demi na katabi ni Gella.

"Demi bakit si Eron ang leader niyo?" agad kong tanong.

"Alam mo naman na ayaw niyang nahihigitan ng iba. Hayaan mo na, gusto din naman niya eh." confident niyang sabi sa akin.

"Sasama ka ba?" tanong sa akin ni Gella.

"Ah hindi may gagawin pa kami ni Ellie." agad kong sabi.

"Pasabi na lamang kay Ellie na nauna na kami pati na rin sa leader namin. Babalik naman agad kami bago mag 2 o' clock." masayang sambit ni Demi sabay takbo.

"Wait Princess." pagpipigil ko sa kanilang lumabas.

"Will be back!" sigaw niya tumango tango lang ako ng sabihin iyon ng Prinsesa.

Mabilis silang lumabas ni Gella, tila naiba ang atensyon niya ng dumating si Gella. Pero siguro igagala niya lamang para maging kabisado sa bawat pasilyo ng Academy.

Maya maya pa ay lumabas na rin ang iba naming classmate. We have only 2 hours break.

"Where's Demi?" Ellie ask kaya napalingon ako.

"Lumabas sandali may pupuntahan lang daw." marahan kong sagot.

"She will be needed at 2 o'clock. Hanapin mo siya!" galit na sabi ni Eron.

Napapout na lamang ako ng marinig ko iyon, padabog akong lumabas at hinanap ang Prinsesa. I look at wall clock 12:27 na kaya may ilang oras pa ako. Una kong pinuntahan ang drom nila pero walang tao,kaya napasugod ako sa cafeteria nagbabakasakaling nandodoon sila pero bigo ako.
Nilibot ko lahat ng pepwede niyang puntahan pero wala talaga.

Time check 1:26 in the afternoon medyo gutom na ako kakahanap sa Prinsesa, halos malibot ko na ang buong Academy kakahanap sa kanya.
Kaya sinubukan kong maghanap ng pepwedeng tumulong sa akin. Then Therrie appear.

"Therrie help me naman oh." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Anu ba yun?" tanong niya kaya agad ko namang sinabi, pagkasabi ay agad niya akong tinulungang maghanap.

"Sure ka ba na nalibot mo na ang lahat!" sigaw ni Therrie na nasa itaas ng isa sa mga punong may mataas na sukat. Hindi lang siya apprentice kundi climber din.

"Basta hanapin mo na siya!" balik kong sigaw.

Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg
Ringgggg

Nagulat ako ng biglang tumunog ang alarm na medyo may kalapitan sa amin. Pinababa ko na si Therrie at nagteleport pabalik sa training room.

Kagat kagat ko ang aking labi ng lumapit kay Ellie. Medyo kinakabahan ako ng kunti dahil hindi ko siya (Demi) nahanap, pinabalik ko na si Therrie sa grupo niya na naghahanda.

Magkakasama ang apat na leader, and they are all in serious condition. Natatakot akong lumapit at ibalita na hindi ko nakita si Demi.

Biglang lumingon sa akin si Lhux at ngumiti, ganoon din si Jheilou pero sina Eron at Ellie ay tila alam na ang sasabihin ko.

Lumakad ako ng dahan dahan.

"Where is she?" agad na tanong ni Eron. Ito ang gwapo gwapo ang sama naman ng ugalu. Para laging mangangain ng tao kung makatingin.

Lumunok muna ako bago magsalita.
"She is..... Uhm...." kinakabahan kong sambit habang kaharap ang apat.

"Where is she?" muling tanong ni Eron. Mas lalo akong kinabahan kaya di ako makapagsalita ng ayos, medyo nangangatal ang labi ko at nagbabadya na ang aking mga luha. Sinubukan kong maging kampante but everytime na tumitingin si Eron feeling ko mamamatay na ako sa takot.

"I said where is she? Kailangan ko pa bang ulitin?" mas malakas na boses na ibinigay ni Eron sa akin kaya halos lahat ng estudyante ay tumitingin sa akin. Tuluyan ng pumatak ang aking luha ng maisip ko ang sinabi sa akin ni Ellie ang hinala niya kay Gella na may kakaiba.

"Prince Eron si Princess Demi!" napalingon ako sa lalaking estudyante na hinahabol ang hininga while saying those words.

PRINCESS POWER Donde viven las historias. Descúbrelo ahora