Uncertainty

78 24 0
                                    

-Haru-

"Down! Up! Defense! Curl your fist damn hard! What?! No! Are you fucking gay?! It's just 40% of my power! Are you really my sibling?!"


Grabe naman si Jaz. Ang hard niya kay baby bro. Nasa training area kami ngayon. Tinuturuan niya kasi ng physical combat at pagkontrol ng powers ang kapatid niya. Nung una, hindi kami naniwala na magkapatid sila, oh well things get to be revealed very soon.


"Ate naman! Tsk! Pwede ba mamaya na lang natin ipagpatuloy 'to? Break muna!" napaupo ito sa lupa hingal na hingal na napahiga. Aw.


"Kapag hindi ka tumayo dyan, I'm going to reap your head off to Tartarus." Ang famous line niya, still very effective dahil nakakatakot talaga ang boses ni Jaz. Hindi nga ako nagkamali at dali-dali itong bumangon. Nagpatuloy sila sa kanilang training. Mga 3 hours straight na silang nag eensayo. Kakatapos pa lang namin ni Braden mag sanay. Nakaupo kaming dalawa sa bench kasama ang mga fairagons namin na parang mas in love pa sa aming dalawa. Oh edi kayo na. Samantala yung kay Jaz naman ay naroon sa dulo. Natutulog yata at walang paki, may nakalagay pang "Do Not Disturb or Else I'll Eat Your Soul to Death". Manang mana sa may ari bes. Kaloka ng neurons at dendrites!


"Pahinga naman kayo ni Cloud, Zaj! Unang araw pa lang naman ng ensayo niyo ah! Minamadali mo agad!" kantyaw ni Braden sa kanya. Hindi niya pinansin ito at patuloy pa din sila sa pagsasanay. Nakalimutan kong sabihin na magkapatid sila sa ina ni Zaj. Animal nymph ang ama niya, meaning tagapangalaga ng mga animals at kayang mag shape shift into any kind of powerful animals. He also has the power to control any kinds of weapons like he can make a gun hit sa bull's eye. Kaya siguro pinepressure ni Jaz para sumunod sa yapak niya.


"Aray Ate! Tama na! Tap!" nakapulupot na pala si Jaz sa katawan niya, taekwando at ju jitsu kasi yung tinuturo kay Cloud (basta yun bang sa sahig sila tapos iniipit ng isa yung leeg, ganern. Hirap explain mga bes di ko din alam-Otor hahaha) napatayo si Jaz at lumapit sa bleachers. Mukhang magpapahinga muna saglit. Ika-ikang lumapit si Cloud samin at inabot ko yung tubig at towel niya.


"Ibang klase pala si Ate no, Ate Haru, kuya Marcus! Imagine? Nakaya ko naman kahit papaano. Masakit sa likod at leeg! Shit!" tapos inunat unat ni Cloud yung leeg niya.


"Sa una lang yan. Masasanay ka rin. Ganyan naman talaga si Jaz, she wants the best for you." Ngiting tugon ko sa kanya.


Napadako ang tingin namin sa kabilang side ng training area. Nandoon sil Brexyn at Eury, seryosong nag-eensayo at mukhang marunong ng ikontrol ni Eury ang kanyang kapangyarihan. Magaling silang dalawa, pero mas lamang pa rin si Brexyn. Four years of training ba naman under sa warden ni Zeus. Speaking of that name, naalala ko na naman ang aking ina. Kumusta na kaya siya? Babalikan pa kaya niya ko?


"Woah, woah! Zaj wach out!" Eury


"30 meters/hour in 5,4,3,2,1..." Jaz


Napalingon kami sa side ni Jaz. Mabilis ang mga pangyayari, kala ko talaga matatamaan na siya. I had my fists curled into a ball and felt the cool icy freezing power on it. I blinked a sec and Jaz just stared at the coming earth ball near her face. As if an energy is holding and ceasing the ball at the front of her visage. Jaz touched the ball gamit ang kanyang index finger and it faded away.

PARIAH (Completed) EditingWhere stories live. Discover now