Chapter Eleven: The Past (Part Three)

Start from the beginning
                                    

"Vince, saan ba kasi tayo pupunta?" Subalit wala siyang narinig na sagot mula rito.

Nagbabasa ng libro si Valjean nang marinig ang kakaibang tunog na nanggagaling sa labas. Parang mayroong sumisipol. Bumangon siya at binuksan ang bintana. Napamulagat siya nang makita si Vince sa loob ng kanilang bakuran.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinadya niyang hinaan ang boses. Baka kasi mahuli sila ni Lola Minerva.

"Bumaba ka. May pupuntahan tayo," nakatingalang sabi nito.

"Alam mo ba kung anong oras na?" Nang sulyapan niya ang wallclock ay pasado otso na ng gabi.

"Sandali lang tayo. Promise."

Saglit na nag-isip si Valjean kung paano makakatakas sa abuela na hindi nito malalaman.

"Hintayin mo ako sa likod bahay," aniya at mabilis na sinara ang bintana.

"Falling star!" She exclaimed. Sabay turo sa madilim na kalangitan.

Napangisi si Vince. "Vayie, it's a meteor not a falling star."

"How did you know?" Nakasimangot na tanong niya nang lumingon. Hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng falling star at sigurado siya sa kanyang nakita.

Nagkibit balikat lang ito. Pero obvious naman na gusto lang siyang asarin ng binata. Buong akala ni Valjean ay dadalhin siya ni Vince sa isang espesyal na lugar. Iyon naman pala ay doon lamang sa children's playground hindi kalayuan sa bahay nila. Maganda raw kasi view doon ng mga bituin at hindi naman siya nito binigo.

"Niloloko mo lang ako. Falling star talaga iyon." Giit niya. Then she closed her eyes at tumingala sa itaas.

"What are you doing?" Kunot-noong tanong ni Vince.

"Making a wish."

"A wish?"

Tumango lang siya.

"Ano naman ang winish mo?"

Hindi sumagot si Valjean. She keeps staring at him with this smitten smile on her face. Ang totoo ay wala naman siyang hiniling. Dahil wala na siyang mahihiling pa sa pagdating ni Vince sa buhay niya. He changed her life. Nagkaroon ng kulay ang napakaboring niyang buhay. Hindi niya akalain na magiging masaya pa siya sa kabila ng mga pinandadaanan niyang kalungkutan. She is not alone anymore. Dahil sigurado si Valjean na parating nariyan sa kanya ang binata.

Ang totoo ay hindi pa siya sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para rito. Basta ang alam niya na mayroon espesyal na lugar si Vince sa kanyang puso.

"Happy birthday!"

Halos mabitawan ni Valjean ang hawak na libro sa biglang pagsulpot ni Vince mula sa likod ng malaking puno na sinasandalan nito. Sinadya niya talagang isopresa ang dalaga.

"Ginulat mo naman ako, Vince!" Anito at banayad siyang hinampas ng libro sa balikat.

Mayroon siyang dinukot sa bulsa ng suot na pantalon at inabot sa dalaga ang isang maliit na kahon.

"Hmmm.. what is this?" Nangingiti na pinagmasdan ni Valjean ang regalong ibinigay niya.

"See for yourself."

"Oh!" Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang kulay pink na crystal hairpin. "Thank you, Vince. I really love it."

He smiled sheepishly in return. Alam niyang magugustuhan talaga iyon ni Valjean. Iyon kasi ang hairpin na madalas nitong balik-balikan sa isang pambabaeng boutique malapit sa pinapasukan nilang eskuwelahan.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now