"Putang inang babae ka! Isusunod kita sa tiyuhin mo!" himala at nakaligtas pa rin silang tatlo. Hindi na ko nag alinlangan pa at pinagsusuntok ko sila sa mukha. May mga patalim silang hawak ngunit hindi ako nagpasindak dahil dito. Inisip ko si Tito. Siya na nga lang natitira kong mahal sa buhay, sinaktan pa nila. Tumakbo ako sa likod ng nagmura sa akin at umakyat ako sa likod niya. Binalibag ko siya at natumba ito. Walang habas kong inagaw ang patalim at sinaksak siya, sa puso, sa atay sa tyan at kung saan pa. gayun din ang ginawa ko sa dalawang iba pa niyang kasamahan. Hindi ko na kaya at napaiyak ako. Ramdam ko sa puso ko na mali ang ginawa ko sa kanila. Nabitawan ko ang patalim. Umalis ako doon at dumiretso sa ospital. Huli na ang lahat ng madatnan ko ang pinakamamahal kong tiyuhin. Iyak ako ng iyak. gulong gulo ang aking isipan. Paano na ko ngayon? Sino ng magmamahal sakin?


"Walang hiya ka! Kasalanan mo 'to! Ikaw ang malas sa aming pamilya!" isang malutong na sampal ang nakuha ko kay Tita. Hindi pa rin tumitigil ang bawat butil ng luha ko sa pagpatak.


"Tita, hindi ko naman po kasalanan. Pero so—"


*Pak* "Sorry?! May magagawa ba ang sorry mo?! Maibabalik ba nyan ang buhay ni Raven hah?! Nang dahil sa lintik mong ama ay nadamay ang asawa ko! Bakit ba kasi tinanggap ka pa namin gayong hindi ka naman niya tunay na anak!"


Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay tita. Kahit siya man ay nabigla sa nasabi nito. Wala na kong nagawa pa, umalis ako noon sa kanila at humanap ng trabaho ngunit sa kasamaang palad ay hindi man lang ako natanggap. Wala na kong pera. Gutom na gutom na ko, at wala na kong matitirhan. Hanggang sa isang gabi, malakas ang ulan, nandidilim ang aking mga paningin. Hindi ko na kaya, pakiramdam ko ay mamatay na talaga ako. May narinig akong kotse na huminto sa aking harapan. Bumaba ang isang babae at pinayungan ito ng kasama niyang lalaki. Hindi ko na masyadong namumukhaan sila. Nanghihina na talaga ko. At ang huling narinig ko ay ang katagang bumago sa aking pagkatao at buhay.


"Bring her in. Take good care of her Butler Jehu."


End of Flashback


"Anak, ipagpaumanhin mo kung naalala mo ang mapait mong nakaraan. Ngunit hindi kita pinabayaan anak ko. Palagi akong nandyan sa iyong tabi ngunit hindi mo nadarama ang pagtawag ko sayo Haru." Hinagkan ako ni ina. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Hindi na mapigilan pa ang sakit na gustong kumawala sa aking dibdib.


Pilit kong kumawala sa mga bisig niya. Hindi ko alam, ngunit galit ang lumalamon sa pagkatao ko. Kung hindi niya ko pinabayaan eh bakit nagkaganon ang naranasan ko? bakit hindi niya na lang iniligtas si tito diba? Siya na nga lang natitira sakin, ipinagdamot pa ng tuluyan! Nakakainis! Nakakaasar!


"Pinabayaan mo ko Khione! Nasaan ka nung kailangan kita?! Alam mo ba ang dinaranas ko noon simula ng kinupkop ako ni tito sa kanilang bahay?! Inulila at sinaktan ako ng asawa at anak niya ngunit pinilit ko pa rin na intindihin sila para kay tito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya na lang ang kakampi ko sa buhay! And the most exciting part, at the end of the day, you gods took him away from me!" napahagulhol na ko. Naging yelo ang buong paligid namin. Sobrang sakit kasi. Hindi ko na talaga alam kung anong nararapat gawin.


"Anak, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon. Nagmamakaawa ako sayo anak. Please. I'm sorry. Magsimula tayo sa umpisa."

PARIAH (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon