Chapter 24

1.2K 36 3
                                    

Sehun's POV


Hindi ko natapos yung panaginip ko nang maramdamang may gumigising sa'kin. Nang tingnan ko, si Mom pala. Napalingon naman ako sa tabi kong tulog mantika na hanggang ngayon mahimbing pa rin yung tulog. 


Pinagmasdan ko si bunso saglit, tsaka ko siya ginising. Medyo nagulo yung nakalugay niyang buhok at suot niya pa rin yung jacket ko. Takte, ang HO-- psh. 


"Bunso, bilis labas na.." 


"Oo na, sandali naman yung gamit ko ambigat T_T" Napansin kong nahirapan nga siyang bitbitin lahat ng gamit niya kaya kinuha ko sa kanya yung malaking bag bago kami tuluyang lumabas sa van. Nakaalis na pala sila hyung. Nang tumingin ako sa paligid, tama nga sila. Maganda nga dito. Napatigil ako nang mapansing may sasakyang bagong dating. Tumigil din si Mom dahil palagay ko, kilala niya kung sino ang mga yun. Didiresto na sana ako sa villa kung hindi ko lang nakitang napatigil si Chase. 


Tita Seline. Fck. Andito rin pala yung Ivan. Sabi ko na nga ba, may kutob ako sa lakad na 'to eh,-


Hindi pa rin umaalis si Chase sa kinatatayuan niya kaya akmang babalikan ko siya kung hindi lang lumapit si Ivan at kinuha lahat ng bitbit ni Chase saka may sinabi na hindi ko maintindihan. Malaki na naman sila kaya hayaan ko nalang muna. 


Tumalikod na ako nang tuluyan. Naalala ko na naman yung sinabi ni Astrid. Hays.. mahal na mahal niya nga.


"Hey." Sinadya niyang banggain yung braso ko. Pfft. Ang liit pala ng lampang 'to.


"Why do I have a feeling na pinagtatawanan mo ang height ko?" dagdag pa niya. She frowned. Ngayon ko lang napansin. Nakatali yung buhok niyang may pink sa dulo. Nagmukha siyang bata Except sa part na kinapos naman ng tela yung suot --, Babae talaga. 


"Hindi mo talaga ako papansinin?" Ba't ba kasama ko 'to? Kanina pa to daldal ng daldal at nakabuntot. Eh wala ako sa mood makipag-usap ngayon,- Asa ba dito yung villa namin? Anlaki ba naman kasi ng resort, kanina pa akong paikot-ikot dito. Hindi ko pa rin makita sina hyung. Pati na rin si bunso baka ano na namang nangyari dun, kasama pa naman niya yung Ivan. Ay oo nga pala, may magandang lampa pa akong kasama.


Nagulat naman siya nang bigla akong huminto kaya nabangga siya sa magandang likod ko. Nilingon ko siya sabay lapit ng mukha ko sa kanya, "Oh? Happy?". Nanlaki naman yung mata niya dahil sa distansya ng mukha namin. She instantly blushed. Ayun tumahimik rin, yan lang pala katapat.


Matapos ang ilang minuto, sa wakas natagpuan ko na rin yung villa. Mabilis naman akong pumunta kung saan ang kwarto ko. Lingon sa likod, oh? Wala na si Astrid. Mabuti naman. Nagulat naman ako nang may ibang tao sa kwarto ko. Hala -_-


"Iisang kwarto tayo bunso?" Opo. Si Chase po andito sa kwarto ko. Seryoso? Di pwede 'to, lalaki po ako hello -_-


"Kasi naman eh :3" naka-pout na sabi niya sabay cross-arms. 


"Kala ko ba si mag-isa lang ako dito?" Oo nga, yun ang sabi ni hyung nung nasa van kami.


"Oo nga.. gusto ko lang ng kausap T_T" Ano daw? -_-

Living with my 12 Amazing KuyasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon