Chapter 12: Jealous? Respect?

Mulai dari awal
                                    

Nung nakapili na kami, may pinindot si Clyde na pink button sa bandang arm rest ng couch.

"Para san yan?" Parang mangyan na tanong ko.

"Ito ba?" Tinuro nya yung button na pinindot nya kanina. I nodded. "Pangtawag sa mga waitress."

 

"Ah," I nodded slightly and maya-maya lang ay dumating na yung waitress.

Walang waiter, puro waitress lang.

Nung nakuha na nya yung mga order namin, umalis na sya at kasabay nun ang pagdating ng VPR na kalakaladkad si Zoid. Sobrang annoyed yung itsura ni Zoid habang nagpapahatak sa tatlo.

May kinikwento si Clyde pero hindi ko naman maintindihan dahil pinagmamasdan ko si Zoid until our gazes met. His gaze slid at Clyde na hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin. Nagsalubong yung mga kilay nya at tumingin ulit sa'kin. Isang nakakatakot na tingin >___<

And because of that, umayos ako ng upo at nagfocus sa story telling ni Clyde.

"Diba?" I gasped nung bigla akong tinanong ng ganyan ni Clyde.

"Ah! Oo kaya! Tama!" Exagge na sagot ko. He frowned for a moment then nagkwento ulit.

Hinanap ko sila Zoid at nakita syang nakatingin sa'min ni Clyde sa di kalayuan sa table namin.

Magkakatabi ang VPR at sya lang mag-isang nakaupo across them.

Make him jealous.

 

Make him jealous.

Ugh >.< nakakaloko na!

Parang nagkakasala na tuloy ako kay Clyde. It was like we were using him to make Zoid jealous.

Enebeyen [=___=]

Ah, tama! Iisipin ko nalang, isang friendly date ito. Isasantabi ko muna yung first step ng Plan B.

Act normal, Zai!

Friends naman kayo nyan ni Clyde eh.

"Here's your orders beautiful creatures." Waitress muttered, smiling sweetly.

Isa-isa nyang nilagay yung mga order namin sa table at habang ginagawa nya yun, sumisimple ako ng tingin kay Zoid.

How To Attract A PlayboyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang