"pag iniwan ako ni rowena, you will meet san pedro soon! get lost!" 

rowena's pov

pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa kanina nung nakita ko si mike at mia na magkapatong at nag hahalikan, ganun ba ginagwa nila pag nakatalikod ako? talga bang apple of the month lang ako ni mike? alam ko nman na pwedeng ganun pero hinayaan ko, ang sakit, sobra,

at ang pinakamasakit pa hindi niya ako sinundan nung tumakbo ako at iyak ako ng iyak, ano un itutuloy nila sa kwarto ung ginagawa nila kanina sa labas ng kwarto ni mike? bat ganun? ramdam ko nman na mahal ako ni mike pero bakit ganun si mia ung pinili niya, bakit hindi niya ako sinundan,, bakit?!

pagdating ko sa bahay agad akong pumasok sa kwarto ko, swerte din nman at wala si mama at kuya sa bahay kaya hindi nila nakita ung itchura ko na mukang nagahasa, di na kasi ako nag abala na punasan ung luha ko, wala akong pakielam kung sino makakita sakin na iyak ng iyak, eh ano ngayon nasasaktan ako tao ako, normal sa tao ang nasasaktan at umiyak!

"impakto ka mangloloko!" kinuha ko ung bear na kulay brown tpos pilit kong hinahatak ung ulo para matangal pero hindi siya masira sira kaya mas lalo akong naiyak, potek! bat ba pati ung pagsira ko sa bear hindi makisama? ganito na din ba katibay ung pagmamahal ko kay mike? bat ba palagi na lang niya akong pinapaiyak??

pilit kong pinipikit ung mga mata ko dahil kada saan ako titingin parang nakikita ko pa din ung eksena ni mike at mia, pilit kong pinipigilan ung luha ko, pero kada maalala ko un naiiyak pa din ako, nasasaktan, nahihirapan...

"anak" tawag sakin ni mama sa labas ng kwarto ko, di ko alam kung sasagutin ko ba siya o mag papangap ako na natutuog, ayoko din nman kasing kumain, wala akong gana, kahit ata huminga mawawalan na din ako ng gana.

"asa baba si mike anak" dub.dub.dub bwiset na puso yan bat ganun pangalan pa lang niya naririnig naeexcite na siya? diba nasaktan ka bakit ba tumitibok ka pa din sa walang hiya na un!

"anak magusap kayo kung meron problema" di pa din ako sumasagot kay mama, ayoko din nman kasing kausapin si mike, pano pag sinabi niya na si mia ung pinili niya? kaya ko ba un marinig sa kanya? kaya nga ako tumakbo kanina kasi kala ko tatayo siya para sabihin na sorry kami na,,

tumagilid na lang ako at inakap ko ung bear na kanina na tinatangalan ko ng ulo, kawawa nman kasi siya nadamay sa  galit ko kay mike,, mag papangap na lang akong tulog, ayokong makausap si mike, ayoko, ayoko,,

"sa malayong kaharian, meron duon na prinsipe meron siyang mahal na prinsesa swerte nman minahal din siya nun" tumulo na nman ung luha ko, boses pa lang ni mike ung naririnig ko naiiyak na ako, bat ba ginawa akong iyakin ng mike na to, at ano ung pinag sasabi niya hindi ko naiintindihan, pero dahil galit ako sa kanya hinahayaan ko na lang siya na magdadadaldal diyan haggang sa maubusan siya ng laway.

my imperfect ideal manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon