CHAPTER FOURTEEN

9.6K 112 3
                                    

Nakasakay na sila sa taxi at patungo na sa condo niya. Tahimik lang ito na ipinagtataka niya. Pinakiramdaman niya lang ito at piniling irespeto ang pananahimik nito pero nang hindi na niya matagalan ay naisipan niyang kausapin ito.

"Did you come to the fashion show with someone? Did you meet up there with your friend?"

Hindi ito sumagot at malayo ang tingin sa tinted window ng taxi.

Lumipas ang ilang minuto pero di talaga ito umimik. Huminga siya nang malalim. "If you want to ask anything, I'll try to answer it in the best way I can." at pumikit. Inihahanda ang sarili sa maaari nitong itanong.

Nilingon siya nito. "Wala naman akong gustong itanong." matabang na tugon nito.

Nasurpresa siya sa isinagot nito. Hindi niya inaasahan na hindi nito itatanong kung bakit siya pinagkaguluhan ng mga reporters. Kaysa naman sa siya ang magkwento, hinayaan na lang niya hanggang sa marating na nila ang condo niya.

Wala pa rin itong kibo hanggang pag-akyat nila sa elevator.

"Oh, Ma'am! Ano pong nangyari?" bungad ni Norman at agad na umikot sa desk nito.

"Wala, natapilok kasi ako." tugon niya habang lumalakad ang nagbubuhat sa kanya papunta sa pinto ng penthouse niya.

Napahinto ito sa tapat ng pinto at di malaman kung paano bubuksan gayong karga-karga siya.

"Ako na, ibaba mo na lang muna ako." hinalungkat niya ang bag pero bigla itong pumihit na halos ikahulog ng bag niya.

"Can you do me a favor? Can you open the door for us?" at bumaling sa nakabuntot na si Norman.

"Opo yun na nga po ang gagawin ko." hawak nito ang authorized key card nito at ini-swiped habang pinidot naman niya ang access code sa security lock.

Nang makapasok ay inalok pa ni Norman kung kailangan pa nito ng tulong.

"No need, I can take it from here. Thank you." he dismissed him with notion of authority.

"Thanks ulit Norman." ngumiti naman siya dito habang inilalapag na siya nito sa sofa.

"Okay, Ma'am." at lumabas na nga ang doorman niya.

"Was he always been familiar to you? He can open your front door anytime he wants to. What if he sneaks in while your sleeping?" biglang naitanong nito na may himig na pag-aalala.

Nagtaka at nagulat siya sa tono na ginamit nito. "He's my doorman. Matagal ko na siyang kakilala. Actually, yung tatay niya matagal nang empleyado sa kompanya ko at kagaya niya, guard din yung tatay niya. Hindi niya gagawin yun. Tsaka parang kapatid ko na yun si Norman." paliwanag niya. Ni hindi nga niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag dito.

"Kahit na. At least try to be cautious, you don't know in times like this, people can be deceiving by the looks. Mag-isa ka pa naman dito."

"Where is this coming from? Tsaka bakit ka ba naging masyadong apprehensive dyan." halos matawa siya sa pinagsasabi nito. Para na itong si Kuya Torque niya kung magsalita.

Tumingin lang ito at hindi niya maintindihan ang klase ng emosyon na nababakas sa mukha nito. Tila ba may gusto itong sabihin pero pinipigilan lang nang kung ano. Hindi na talaga niya ito mabasa.

Lumuhod na ito at inin-espeksyon ang paa niya. "Mabuti pa, 'yang sprain mo na lang ang atupagin natin. Does it still hurt?" ginalaw ulit nito ang paa niya.

Halos sabunutan niya ito pinigilan niya lang. Kinagat na lang niya ang labi at tumango.

"I'll go and get some ice. Just don't make any movement, okay?" tumayo at tinungo nito ang kusina. Kumuha ng basin at inilagay ang mga ice cubes. Kumuha din ito ng isang bote ng olive oil. Pero nang makita ang rolling pin ay ibinalik na lang nito ang bote.

Stallion Island (Adaptation) The Flippant Lord and The Defiant PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon