CHAPTER TWENTY NINE (THE WEDDING)

13.4K 179 19
                                    

Matamang naghihintay si Naomi sa pila para magbayad sa cash register. Naisipan kasi niyang mga-grocery lalo't depleting na ang stocks nila. Halos doon na siya sa bahay ng fiancé niya nakatira pero umuuwi rin naman siya sa villa niya para kumuha ng damit, magpalinis ng bahay at magpalit ng mga kubre-kama kahit minsan lang siyang natutulog doon.

Nakabalintataw siya nang bigla siyang kalabitin ni Rayanne.

"Oy, andito ka rin." nakangiting usal niya.

"Oo, nag-re-replenish ng stocks," saka napasilip sa cart niya. "Ang dami niyan ah. Mukhang nagpa-practice ka nang maging misis ah," puna nito.

Natawa na lang siya. "Namili lang ako nang kaunti. Balak ko kasing ipagluto si Ryuhei. Ikaw?"

"Hmm, para sa 'kin lang 'to. Namili lang ako ng mga personal toiletries ko, free ka ba mamaya?"

Umusad siya ng ilang hakbang dahil nabawasan ng isa yung nasa unahan ng cashier register.

"I don't know, wala pa naman akong plano. Bakit?"

"Magpa-party kasi kami ng mga girls mamaya sa Infinity pool, gusto mong sumama? Nandun lahat maski nga si Xandie at Imhan. Alam mo na ba?"

"Yup, si Imhan preggy na rin. Ilang ulit ko na kayang narinig yun kay Jayden, nakakatorete na nga eh."

"Hay, nakakainggit sila." ungot nito.

"Wag kang mag-alala dyan, mapagdadaanan mo rin yun sa tamang panahon. For now, enjoy mo muna yung kayong dalawa pa lang."

Napatingin si Rayanne at sabay sumilay ang nakakalokong ngiti nito. "Ikaw girl kung sakali lang, mag-aanak ka ba agad kapag ikinasal na kayo ni Lord Ryuhei?"

Napaisip siya at naalala ang mga kulitan at harutan nila ng nobyo niya kaya di mapigilang mapangiti. "Hindi ko masasabi, pero siguro hindi ko rin mahihindian si Ryuhei kung gusto na niyang mag-anak na kami. Ang totoo niyan, una sa listahan namin yun. Pero siyempre, hindi naman pwedeng hindi namin paghandaan yun. But the thought of building a family with him is pretty exciting,"

Sabay pa silang natawa. "Ang bilis ng panahon 'no? Kailan lang, hindi pa ako sanay sa klima dito pero ngayon, tingnan mo naman, para na akong taga-rito."

"Oo nga. Ako nga, parang kailan lang noong dumating ako dito. Ngayon dito na ako magpapasko, Time really flies so fast, I never thought that I could spend Christmas here."

"Yeah, Christmas is around the corner. Oy, speaking of, bukas na pala yung shoot ng commercial n'yo. Good luck ah, naalala ko tuloy noong ako pa yung endorser ng Stallion shampoo, nakakatawa nga eh kasi noong last scene, si Yzaak yung sumulpot na lalaking kasama ko. Isang taon na rin pala ang nakakalipas, Hay, nakaka-missed tuloy."

"Oo nga, naikwento na rin ni Rahya. I heard na ganun din yung nangyari kay Sahara, si Chrome din yung pumalit na guy model. Grabe 'no? Ang tindi ng epekto ng Stallion Shampoo, napapagawa nang kakaiba ang mga lalaki dito sa isla." inabante na naman niya yung cart niya.

"True, pero alam mo, umeepekto lang ang charm nun sa mga unique na kababaihan."

"Buti pa kayo nakaranas ng bonggang surprise sa mga dyowa n'yo," ungot niya.

Napatingin ito sa kanya. "Eh di ba nga, lagi kang ginugulat ni Lord Ryuhei? Lagi ka naman niyang sinusurpresa? Minsan nga araw-araw pa eh." pagtutol ni Rayanne saka umiling-iling.

"Hindi mo lang alam," at bumulong.

"Ha, may sinasabi ka Rayanne?" nabingi lang ba siya o may sinabi ito? Bigla namang tumunog yung phone niya. "Si Sissy, wait lang sagutin ko lang."

"Okay,"

"Hello, Sissy. Napatawag ka?"

"Oy, sama ka naman sa 'min, magpa-party-party kami sa Infinity pool. Maagang Christmas party, it's just a simple get-together. Join ka sa 'min ah,"

Stallion Island (Adaptation) The Flippant Lord and The Defiant PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon