CHAPTER ELEVEN

8.9K 109 3
                                    

Mabilis na kumalat ang nangyari sa Chief officer ng security na si Oliver at dahil yun sa kagagawan ng babaeng amasona.

Ngayon, alam na nila ang tunay na ugali ng mapagpanggap na babaeng iyon. Hindi tuloy niya maiwasang maawa sa biktima nito. Masakit lalo sa isang lalaki na napatumba ng isang babae nang ganun lang kadali. Sigurado siyang katakut-takot na tawa ang inabot nito mula sa mga taong nakaka-alam sa nangyari. Poor Oliver.

Naalala niya tuloy yung araw na dumating yung incident report sa villa niya. Di siya makapaniwala na sa lahat ng tao na maibabalibag ni Naomi ay si Oliver pa talaga. Si Oliver kasi ang Head of Security ni Prince Rostam dito sa isla. Kung nakaya itong patumbahin ng isang babae, paano na lang ang magiging reputasyon nito? Pahamak talaga ang babaeng iyon.

Pero kahit na nalaman ng kapwa niya village lords ang ibang side ng pagkatao nito, hindi pa rin sila tumigil na bumuntot dito. Mas humanga pa nga sila sa mga katangian nito. A femme fatale in angel's guise sabi pa ni Rouen.

What's wrong with these people?

Napag-usapan din nila yun at dahil nasa ward ng mga village lords ang babaeng iyon, nagpadala sila ng isang written memo at immediate appearance para sa first offense nito. Sumagot naman ito at nakipag-usap sa kanila para mag-apologize kay Oliver sa harap nila mismo. Pero si Oliver ang hindi sumipot at ipinadala na lang ang sulat na nagsasabing anuman ang mapagkasunduan ayon sa usapan ay magiging okay lang dito. Sa huli, nauwi na lang sa kapatawaran kahit pa gusto niyang tumutol. Anong magagawa niya gayong majority ang nasusunod.

Tahimik siyang pumasok sa restaurant ng Wind Village. Sinalubong siya kaagad ng matamis na ngiti ng waitress ng Windy Cafe.

"Hi Lord Ryuhei! Hindi ka na masyadong nagagawi dito ah. Kulang na tuloy ang mga parokyanong audience ko." inabot ni Olay ang menu sa kanya. "Busy ka ba nitong nagdaan na araw?"

"Medyo-medyo. May mga inasikaso lang." matipid na tugon niya at ngumiti.

"Sayang, may ipapakilala pa naman ako sa'yo. Maganda, sexy, matangkad at matalino. Actually hindi siya nalalayo sa beauty ko pero single." at ngumiti ulit sa kanya. "Ano, gusto mong ma-meet?"

"Pass muna ako dyan." tipid na ngiti ang ibinigay niya dito.

Wala pa sa isip niya ang makipagligawan. Sa ngayon, kailangan niyang planuhin kung paano makakaganti sa babaeng iyon.

Kasalukuyang kinukuha ni Olay ang order niya nang malingatan niya ang pumapasok na dalawang tao. Tumalim agad ang tingin niya. Si Xandros yun at ang babaeng amasona.

Nakasunod ang tingin niya sa mga ito habang inaalalayan sila ng usher papunta sa bandang secluded part ng restaurant. Ang love seat lounge.

"Wala na kayong idadagdag?" pukaw ni Olay. Di pa nakuntento at kumaway pa sa mukha niya. "Lord Ryuhei, okay lang ba kayo?" saka tumingin sa direksyon ng mga mata niya.

Sandali siyang natauhan. "Wala na."

"Sino po bang tinitingnan n'yo?" hirit nito.

"Wala, someone that I used to know."

"Wow! Di ko alam na mahilig din kayo sa sikat na kanta ngayon." at nagsimula itong kumanta ng isang sikat na pop song na uso sa kasalukuyan.

"But you didn't have to cut me off, make it like it never happened and that we were nothing. I don't even need your love, but you treat me like a stranger and that feels so rough.. Di ko na alam ang kasunod na lyrics..la la la la la la la la..Guess I never need that though, now that you're somebody that I used to know." patuloy nito na short cut pa.

Natawa naman siya kahit papaano. Pagka-alis ni Olay ay binalak niyang puntahan ang lounge.

What for? Why would I do that? I might interrupt something between them. It's not like me meddling on someone's business.

Stallion Island (Adaptation) The Flippant Lord and The Defiant PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon