Chapter #6 - Deyn , I envy you!

8 0 0
                                    


Deyna Calixta.

Day 5.

Sobrang bilis ng araw akalain mo yun ika-limang araw ko na dito sa eskwelahang ito. Friday ngayon , so it means mag iisang linggo nako. Nakasurvive ako sa limang araw na yon. Kahit na may mga nakasagupa ako na hindi maganda ang engkwentro na yon. Kebago-bago ko away agad na hanap ko (_ _)

Kakalabas ko lang ng apartment ko, nangugupahan lang ako. Hindi naman kasi ako kasing yaman ng iba na may sariling bahay. Nakandado ko na yung pintuan ng apartment ko kaya ready to go na ako.

Nong naguumpisa na akong maglakad ...

*beep.beep*

Tipaklong ! Sino ba tong nang gugulat na'to? Kung inatake ako ng sakit ko sa puso? Teka? Wala naman akong sakit sa puso ah. Ayst.

Tinungo ko yung bumusina , napansin kong nakahinto pala sya sa gilid ko.

. Lumapit ako kinatok ko yung bintana niya.

"Hoy, ano bang problema mo?" Inis na tanong ko

Nagulat nalang ako ng mapansin kong si Daniel iyon.

O_O ?!

"Hop in" sagot niya

"Huh?" Ano daw? Hop in? Diba ibig sabihin non eh sakay? Pinapasakay nya ba ako?

"Sumakay ka na Deyna , sabay na tayo pumasok" sabi niya

Kaya ayun , sumakay na ako sa may bandang likuran

"Tsk. Deyna hindi mo ako driver , dito ka sa harapan umupo" sabi niya

Okay , kaya ayon lumipat ako ng upuan at doon sa harapan umupo.

Ayan , ready to go na!

"Tsk. Dapat nag seatbelt ka muna" paalala niya

"Sorry , hindi ko kasi alam yon" sabi ko kaya lumapit sya sakin .

Nagkatitigan kami.

Pero ... Bakit parang pamilyar yong mga ganoong tingin niya?

"Calixta , wag kang mag alala poprotektahan ka ni kuya Calix"

"Kuya Calix ka dyan! Kambal tayo KAMBAL! Kaya Calix lang"

Hayst. Ano yon? Sino si Calixta at Calix? Calixta? Ako kaya iyon? Kasi nga Deyna Calixta ako may Calixta so baka ako pero baka hindi din? Ayst. Ewan.

Ako na yung unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay ayon ikinabit na ni Daniel ang seatbelt sa akin.

Mga sandaling oras pa eh nakarating na kami sa aming eskwelahan.

May mga nakita akong mga babaeng naka abang sa may gate nung pagdating namin. Hula ko eh hinihintay nila etong si Daniel. Nagpark na si Daniel kaya ayon pababa na sana ako kaso yung seatbelt nga pala 😒
Pano ba to alisin?

Hindi ko namalayan eh umikot pala si Daniel dito sa side ko. Binuksan niya yung pinto kaso hindi ko parin matanggal yung sa seatbelt.

"Ano bayan. Ang hirap naman neto" bulong ko pero parang dinig ata ni Daniel natawa sya eh

"Tsk. Haha. Chill ka lang seatbelt lang yan" pagkatapos sabihin ni Daniel yon e sakto namang natanggal yung pag kaka seatbelt ko. Hay. Buti nalang talaga.

"Sorry na , first time eh" sabi ko sa kaniya. Kaya ayon nagsimula na kaming maglakad kaso hindi maiiwasan ang mga hulung bulungan.

"GOSH! Bakit sila magkasama ng D.C ko?"

"Bakit siya nakasakay sa kotse ni D.C?"

"Ayan na naman ang malandi"

"Here's comes the bitch"

Hindi ko nalang pinansin at pinagwalang bahala nalang ang nang yari. Kasabay ko nga pala si Daniel sa paglalakad. Iisang lang naman kasi ang daan papunta sa aming classroom. Hindi kami magkaklase. 4th year na kami. Siya ay nasa pilot o A section. Dun kasi yung mga matatalino , mayayaman, at malalakas ang kapit . Kami naman ni Trina eh nasa B section. Okay na rin yon sakin. Aangal pa ba ako?

Hindi ko namanlayan naanditi na kami sa harap ng classroom namin.

"Deyna , ingat ka sige bye mamaya nalang ulit" paalam niya sa akin

"Sige , salamat sa paghahatid sa akin Daniel ingat ka rin" sabi ko pagkatapos ay pumasok na ako ng classroom.

Hindi ko na pinansin yung mga sinsabi nila at dumeretso nalang sa aking upuan kung saan ay naghihintay ang aking matalik na kaibigan . Si Trina , magtatanong na naman eto panigurado.

Nung umupo na ako sa aking upuan hindi ako makapaniwala na wala manlang na Trina na nangungulit sa kin at magtatanong na "Kyaaah. Deyn , kamusta naman ang pagsakay sa kotse ni D.C mahlabs so sweet ko?" Nakakapanibago. Nang tiningnan ko ang gawi ni Trina napansin kong bnaka tingin din pala siya sa akin pero siya ang unang umiwas ng tingin. Ano bang problema neto? Mabilis akong naghalungkat sa aking bag. Naghanap ako ng papel ,ngunit nabigo ako sa paghahanap nakalimutan ko nga palang bumili kaya kinuha ko na lamang ang isa sa mga note book ko at pumunit sa bandang likuran nito.

"Anong problema?"

Sabi ko sa sulat tsaka ko binilot at ibinato sa gawi ni Trina. Ganito kasi seating arragement namin.

Deyna |classmate|classmate|V A C A N T|Trina|classmate|

Binato ko nalang ayun sapul sa mukha niya. Tiningnan nalang niya ako ng masama tsk. Pagkatapos ay nag sulat siya. Hinintay ko nalang yung sagot niya. Tumingin muna ako sa may bintana habang hinihintay ang sagot ni Trina sa tanong ko. Nagulat nalang ako at kinalabit ako nung katabi ko na si Melvin. Ang gwapo din neto eh.

"Deyna , pinapaabot nga pala ni Trina" sabi niya sakin sabay abot at ngumiti

"Thank you Melvin" sabi ko then nginitian din sya

Itsura niya

O/////O

Ha? Problema neto?

"May sakit ka ba Melvin?" Sabi ki tsaka ko sinalat yung noo niya kung maiinit siya

"Hindi naman maiinit? Oh bakit mas lalo kang namula?" Sabi ko then mas lalo lang syang pumula eh

O/////////////////O

"A-ah , w-wala t-to s-sige" sabi niya.

Dating With Bryan Davidson ( Davidson SERIES #1)Where stories live. Discover now