"Uhm..kumain na kami ni Eric di ba? Busog pa ako-" tanggi ko na tila nakapatid ng pasensya niya.

"Kung makabanggit ka talaga doon sa ex mo parang wala talagang nangyaring break-up ah?"

Kung hindi ko lang alam ang reyalidad sa pagkatao ng mga lalaki, lalo na ng mayayamang tulad ni Kid, baka isipin ko nang may nararamdaman nga siya para sa akin at nagseselos siya.

Pero bukas ang isip at mata ko sa katotohanang taglay ng mga katulad niya.

They just come and play.

Maswerte lang ang mga katulad ni Sunny na nakakabihag talaga ng pagmamahal sa ganito.

"Kasi nga ok na kami. Ano bang problema mo at kanina ka pa may sapi?"

Huminga siya nang malalim at nag-iwas sa akin ng tingin.
"Come'on. I saw your food a while ago, you just ate a bit. I know you're starving."

I didn't know that I was starving til I tasted you..don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo, by the way, by the way you do things on my body..I didn't know that i was starving til I tasted you.....

Naipilig ko ang ulo ko nang mag-auto play sa isip ko ang kantang iyon.

Napatitig ako sa mga kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Gusto kong hawakan iyon. Pero nasa mundo niya kami, at sa mundo niya walang puwang ang mga katulad ko.

"Okay. Lead the way." seryoso kong sabi bago itinuon na sa harapan ng condominium ang tingin.

"Mi..hold my hand." huminto siya sa harapan ko at inilahad ulit ang kamay niya.

"Kid..hindi natin kailangan magholding hands. Hindi pwede yan sa mundo mo."

"Tss. So stubborn." bulong niya at nagulat na lang ako nang abutin niya ang kamay ko at igiya sa elevator.

Huling-huli ko ang tingin at panlalaki ng mata ng mga empleyado ng condominium na bumungad sa amin.

"Good evening Sir Kid.." kiming bati ng ilan.

SHIT! FUENTEBELLA TOWER ang pangalan ng building na pinasukan namin. Ibig sabihin sila ang may-ari?

Tinangka kong alisin ang pagkakahawak kamay namin pero nakakuha lang ako ng irap sa kanya.

Pagtapat niya ng card key sa pintuan niya ay halos lumabas na ang puso ko sa ribcage ko.

Nang mabuksan niya ang ilaw ay tumambad sa akin ang mala-hotel niyang suite.

May itinakip siya sa mata ko ng hindi ko namamalayan. "Kid? Bakit? Isasalvage mo ba ako?"

Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya ako piniringan.

Narinig ko ang paghalakhak niya.
"Silly. I won't do that. Kay Eric at Bernard pwede pa."

"Baliw ka. Eh ano to?" kinakabahan talaga ako. Wag niyang sabihin na para siyang si Christian Grey? Nagiging sadist bigla?
The thought creeped me out.

Hindi ako fan ng 50 shades of Grey. Kahit gaano pa siya kahunk at ka hot..ayoko!

"Relax." malapit sa tainga ko ang hininga niya. Shemay!

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa akin sa isang silya. May narinig akong ilang kaluskos. Tila may inaayos.

Tinanggal niya ang piring ko.

Tumambad sa akin ang candle lit dinner set.

Pakiramdam ko talaga napanganga ako. Kasi naman ang ganda tingnan at ang sarap sa pakiramdam titigan ng lamesa.

"Liked it?" aniya.

Napatango ako.
"Inabala mo pa ang mga empleyado niyo. Nakakahiya."

Kumunot ang noo niya sa akin.
"Don't worry. I'm the one who made all of these."

"Pucha! Seryoso?" tanong ko.

"Yup. For my Mi." aniya at kinindatan pa ako.

Napatingin ako sa kanya habang inaayos sa isang plato ang mga nakakatakam na pagkain.

"Here. You should eat a lot. Kasi..madaling mauubos ang calories mo kapag kasama mo ako." maingat niyang inilapag sa harapan ko ang pinggan, kikiligin na sana ako kahit na alam kong hindi dapat kaso iyong huli niyang sinabi ay parang may ibang laman. Lalo pa nang ngisihan niya ako at kindatan.

Sinimangutan ko siya. "Saya mo."

"I really am, Mi." natatawa niyang saad bago kumuha na rin ng kanya.

"Birthday mo ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Ang sarap niya magluto. Naalala ko, marunong pala talaga ang kumag na ito dahil noong nanliligaw pa siya kay Sunny at nagpapaligsahan sila ni Rage sa pagluluto ay natikman ko iyon pareho.  Pareho silang magaling ni Rage magluto.

Hays. Naalala ko na naman. Second choice lang ako. Before me, there's Sunny that he liked..or even loved.

He smiled. "No. Gusto ko lang talaga na mai-date ka. Iyong hindi ka maiilang kasama ako. Naghanda na ako ng lahat ng 'to bago ako pumunta sa Del Fierro para sana sunduin ka. I was planning to surprise you.  I texted you to wait for me because your phone just kept ringing but no one answered. Pero ako pala ang masosorpresa......"

Nag-iba ang tono niya. "I found out somebody picked you up. Buti na lang nakaringgan kong nag-uusap yung ibang janitress doon habang hinahanap kita. Yung matanda. They were talking about you and Eric."

"Baka si Aling Nenita iyon. Iyong mama ni Eric. Hate na hate ako nun eh. Alam pala niya ang pakikipagkita ng anak niya sa akin ah."

"Don't mind them, Mi." malamlam niya akong tiningnan.

"Just mind me." he chuckled.

Ay bwisit! Bakit pakiramdam ko tuwang-tuwa siyang pagtripan ako?!

Ang hilig niyang ganyan, magpapasweet tapos biglang babasagin.

Mukha lang talaga akong joke sa kanya huh??
.........

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now