Chapter 2: Now We're Even

7 0 0
                                    

Nababaliw na ba siya? Anong gusto niyang mangyari? Aish. Malamang hindi na naman ako titigilan ng mga pinsan ko lalo na si Apple. Mamaya gumana na naman ang wild imagination nun kakapanuod ng Kdrama at at kababasa ng novel.

"Hey boy
Show me your love
You & I

good morning
annyeong joheun achimiya
nae haruneun neoui misocheoreom"

Hay. Naunahan ko pa tuloy alarm ko.

Sabihin mo
Sabihin mo
Sabihin mo

Aish. Paulit-ulit na. Tama na please. Hahadya na ko nakatulog kagabi ah.

"Ayun, ayun oh!"

"Ate! Ako naman, kanina ka pa jan ah." Sigaw ni Orange kay Apple

Ano bang ginagawa nila? Nilaliman ko ang boses ko bago ako lumapit sa kanila.

"Malapit na ang katapusan, lalo na sa inyong nagtatago sa ilalim ng halaman! Hahaha."

"Santisima corazon ka naman Eli!" Gulat na sigaw ni Apple.

"Ano ba kasing ginagawa nyo jan?" Tinaasan ko sila ng isang kilay at akma ko nang tatawagin si Lolo nang hatakin din nila ako pababa.

"Jusko, Lord! Salamat sa maagang biyayang pinagkaloob mo sa amin. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob habambuhay!" Sambit ni Orange habang diretsong nakatingin sa grupo ng mga MAGGAGAPAK?!

"Maggagapak talaga? Patawarin kayong dalwa!"

"Ano ka ba, tingnan mo yun oh. Ang gwapooo!" Bulong ni Apple sakin ng nakahugis "O" pa ang bibig.

Napalunok ako ng isa. At isa pa. Medyo basa ang buhok niya. Nakabukas ang unang apat na butones ng polo niya, kitang-kita ng dalwang mata ko ang mga nakasilip na pandesal. Para syang model maglakad kahit nasa gitna siya ng tubuhan. Teka. Mali, mali. Isa pa rin siyang MAGGAGAPAK!

"Hoy! Bahala nga kayong dalwa jan, isasali nyo pa ko sa kalokohan niyo."

Pag-alis ko ay sya namang dating ni Tiyo Doy, tatay ni Apple at Orange. Siya na rin ang tumayong tatay ko simula ng mag-abroad si Tatay. Natawa ako ng nakitang hila-hila na niya na ang dalwa sa magkabilang tenga.

"Mang Kardo, yun hong pinapagawang saranggola ng kapatid ko, tapos na po ba?" Tanong ko sa matandang nakatira sa tabing dagat na siyang pinakasikat sa paggawa ng saranggola dito samin

"Hija, maupo ka muna riyan at titingnan ko lang kung ayos na ba."

Habang naghihintay, naisip ko bigla yung lalaking tinitingnan ng magkapatid kanina. Pano siya naging maggagapak? No offense, wala naman akong problema sa mga maggagapak, pero kasi. Halos mas gwapo pa nga siya sa mga artistang nakikita ko sa TV eh. Yung mata niya kulay brown, tapos ang ganda ng kutis niya. Hindi siya maputi pero hindi naman siya kaitiman. Hay, ano ba to. Mali, Eli. Mali. Nadadamay na ko sa katiklahan ng dalwa kong pinsan.

Biglang bumukas ang pinto sa labas. At pumasok bigla ang.. TUBIG?!

"AHHHH!" Napasigaw ako sa lamig ng tubig na bumuhos sakin. What the?! Bigla akong nakarinig ng tawanan ng mga lalaki. Huh? Nagawa pa nilang tumawa ha? Inaano ko ba sila? Bat sila namamasa?!

"Hoy! Asngaw mo! Maligo ka na. You stink! Haha" Unang boses ng lalaking narinig ko.

"Ang bulok mo talaga, 'pre. Andito lang ako tapos sumala pa? Haha You're such a lousy-" Hindi naituloy ng pangalawang lalaki ang sasabihin dahil nilingon ko sila at tiningnan ng masama. Teka, kilala ko 'to ah? Yung MAGGAGAPAK?!

"Uh-oh." Sabi ng lalaking maggagapak sabay turo sa kasama niyang lalaki na may hanggang balikat na buhok ang haba.

"Anong ako? Ikaw ang umilag, kasalanan mo yan." Sabi naman pabalik ng lalaki, sabay pinag-krus pa ang dalwang balikat.

"That is so gay, dude." Sagot ng maggagagapak, sabay tawa pa.

Nagturuan pa sila ng nagturuan kaya mas lalo akong napikon.

"Kung nag-sorry na lang sana kayo edi okay na! Para kayong mga bata! Tabi nga!! Tss." Dire-diretso kong sabi sabay daan sa gitna nilang dalwa, sinadya kong tabigin ang maggagapak na nasa gawing kanan ko.

"Woah. She just shouted at you, dude! Haha" Rinig kong sabi nung isa.

Akala nila yun na yon? Pwes, nagkakamali sila. Ako si Elicia Del Mundo at hindi ako pinanganak ng nanay ko para lang apihin ng ibang tao. Hindi ako magpapa-api kaninuman. Mabilis akong nagmartsa pabalik sa kanila at...

HAHAHAHAHA. Basang-basang ngayon si kuyang maggagapak. Akala nila ha. Sayang, nakaiwas yung isa. Di bali na, sulit na yung paghihiganti ko. Kung tubig na may yelo ang binuhos nila sakin, binawian ko naman sila ng tubig na pinagbanlawan ng isda.

"Woaaah.Just wow. What kind of water is that? You smell so damn bad right now, men!" Sabi ng isang lalaki sabay hagalpak ng tawa.

Lumingon sakin si kuyang maggagapak at tiningnan ako ng masama at para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

"Now we're even." Inismidan ko siya sabay lakad palabas.

Napa-english ako dun ah? Yung dalwang yun kasi panay ang ingles. Buti na lang marunong ako kahit papano.

PapagayoWhere stories live. Discover now