Beginning
Yssa
Nagmamadali akong pumasok ng school, nakalimutan ko na alas otso ng umaga pala yung pasok ko, nakalimutan ko na ding magsuklay, bahala na yung hangin yung mag ayos sa buhok ko.
Agad agad akong sumakay ng bus at kung mamalasin nga naman! puno-an pa, kaya standing ako! hays! Pero okay lang, maganda naman ako at matangkad so mukha akong model dito!
Napalingon ako sa babaeng nasa gilid ko, aba! Kung makatingi'y parang diring diri sakin, kung alam ko lang e insecure lang siya beauty ko, kaasar.
Pagbaba ko ay muntik na akong makahalik sa kalsada, mga hinayupak kasi yung ibang mga estudyanteng taga kabilang school na sakay din nung bus, makatulak kala naman nila di sila makakalabas!
Naglakad ako patungong school, kahit pangalawang beses palang akong nakapunta dito ay tanda ko parin naman yung daan.
Pagkaraan ng limang minuto ay nakarating din ako sa napakalaki at kilalang school, ang Gu International School. Sino kaya yung may ari ng school na to? Baka si lolo Fernando?
Matataray at parang diring diri yung mga tingin ng mga estudyante pagka pasok ko. Problema ng mga 'to?
"Yuck, biatch may basura atang nakapasok dito!"
"Tumatanggap na pala ngayon ang GIS ng poor, panget at mga taga probinsya? Look, her bag is not even Gucci, Hermès or di kaya popular and mamahaling bag."
"Yung buhok nya friend, parang pinamamahayan ng mga Lice!"
Ilan lamang yun sa mga naririnig kong bulungan sa paligid habang nakatingin sila sakin. Pero hindi siya bulong e, naririnig ko kasi.
Napabuntong hininga ako.
Problema nila sakin? Pero okay lang, 'di ko naman naiintindihan yung sinasabi nila. Ganda ko kaya! Nag pose ako bigla sa daanang tinatawag nilang "halwey" ba yun? Basta ganun! Nakaangat yung isang kong kamay, yung isa naman nakahawak sa bewang ko at Pers luk. Nagtawanan naman yung mga nasa paligid ko. Hala? First time ata nilang makakita ng ganito.
"Omg! The Dark Bullets!"
Biglang nag sigawan at nagkagulo ang mga maaarteng estudyante, at ako naman ay nadapa at yung malala pa ay naapak-apakan ako. Napaiyak ako sa sakit, di naman ako manhid para 'di masaktan.
"Miss, are you okay?" tanong ng isang poging lalaki habang nilalahad niya ang kanyang kamay. Napalingon pa tuloy ako sa likod akala ko kasi hindi ako yung kinakausap niya kasi hindi naman talaga ako si "okay" kasi nga ako si "Yssa". Baka napagkamalan lang na ako.
Syempre hindi naman ako pabebe kaya hinawak ko kamay niya nang mapagtanto kong ako talaga ang kaniyang kausap. Inalalayan niya akong tumayo habang pinapahid ko ang aking mga luha gamit ang sarili kong blouse.
"Thank you pogi." maarte kong sabi habang nilaro-laro ko ang aking buhok. Nawala yung sakit ng katawan ko.
Hihi! Landi na kasi nararamdaman ko.
"I'm Xavier or Dark by the way, and you are?"
Hala! Napaka pogi! Pero ano daw? Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya, pero baka tinatanong niya kung ano ang pangalan ko, baka kasi interesado siya sakin dahil maganda ako.
"Yssa!" sagot ko sakanya habang nakangiti.
Bigla naman akong nagulat kasi lahat pala ng mga estudyante ay nakatingin samin.
"Omg girl, look at her, nakikipag flirt sya kay Dark!" Tumawa siya bago nagpatuloy sa pagsasalita "As if naman kaaya-aya yung itsura niya. I know pag tritripan lang 'yan ni Dark kawawa siya in three months." sabi nung isang babaeng estudyante habang tinatarayanan ako.
YOU ARE READING
7 Ways to Beat the Bad Boys
General Fiction"No need for revenge. Just sit back and wait, those who hurt you will eventually screw up themselves." Pero iba si Yssa Andres, ang paghihiganti ay nasa mga kamay niya, gamit ang pitong hakbang. Pitong hakbang para makamit ang sariling hustisya. Pe...
