Chapter 50

35.1K 999 112
                                    

Devonne POV'S

Pagkadating ko, pinark kona yung kotse ko ng hindi nila makikita. Mahirap na, lalo na at andiyan Yung linta. Tsk, Hindi pa niya ako pwedeng makita. Baka masurprise siya.

Pumunta muna ako sa may kwarto ko at nagpalit, nagsuot Lang ako ng black shorts at white na t-shirt. Nasa bahay naman na kaya, pwede na ako mag ganito.

Pagkababa ko, wala parin sila. Ang bagal talaga kahit kailan. Racer ba yung mga yun? Hindi halata ahh.

Hindi pa ako nakaka-upo sa sofa dito sa sala. Narinig ko na silang bumisina. Speaking andito na sila. Tsk, sila na bahala mag-bukas diyan.

Umupo na ako, at hinintay nalang sila dito. "Wahh! Dev, excited ka umuwi ehh." Bungad ni Xander agad sa akin. Aba't hindi ata toh nag-iisip, Hindi niya alam sitwasyon ko ehh.

Nakita ko naman na sila na sunod-sunod pumasok. "Wahh! Ang ganda dito, dito nalang tayo tumira!" Saad ni Tyler kila Jake.

"Baliw! Hindi tayo pumunta dito para dito na tumira." Zaiden said to Tyler.

"Eto naman, sinasabi lang." Tyler

Nakita ko namang pumasok na yung dalawa, sino? Sino paba edi Yung linta saka si Ace. Ang ganda nilang itapon ehh. "Hey Ace, anong gagawin natin dito? Ang cheap nang house, mas magandang dun nalang tayo sa bahay namin." Linta said, ay este Samantha pala.

At teka, cheap daw? Baka gusto netong pumunta sa totoong bahay ko. At ipakain ko sakanya. Binili ko to para sa barkada, para kapag gusto nilang tumira dito. Welcome sila dito, saka nakasanayan na din ng iba, dahil sa wala dito yung parents ng iba. Kaya dito sila tumitira.

"Hoy linta! Ay este, Samantha grabe ka maka-cheap! Baka nga wala pa sa laki ng bahay ng kakilala ko yung sainyo!" Xander said, hay naku bunganga talaga neto kahit kailan.

"What did you say?!" Samantha said.

"Wala sabi ko, bingi ka pala." Xander

"Ano?!" Samantha

"Sabi ko sainyo bingi to ehh, Zach bakit ba kasi sumama yan?" Xander said, at umiiling-iling pa. Nagkibit balikat lang.

"Oh, mag-meryenda muna kayo." Ava said, may dala siyang cookies at juice.

"Wahh! Ang sarap ahh, sino gumawa?" Tyler said, habang ngumunguya nguya pa.

"Ahh, ako. Tinuruan kasi ako ni dev." Ava said, aba't sinabi pa ng bruha.

"Talaga?! Marunong ka dev? Bake ka minsan, patikim!" Excite na sabi no Tyler. Aish, isip bata talaga.

"Baboy ka talaga kahit kailan!" Saad ni Amanda, na kababa lang galing siguro sa kwarto niya. Kasi nakapalit na siya.

"Tse! Wag ka maingay diyan, payat! Dev, diba? Magbe-bake ka?" Tyler

"Tsk, yeah yeah." Wala na akong magagawa ang ingay kasi ng mokong na to ehh.

"Wahh! I love you Devonne!" Tyler said, at aakap sana kaso may biglang humablot sa akin.

"Tsk, may paguusapan lang kami." Ace, sabay hatak sa akin sa may garden namin. Narinig ko naman silang nagsigawan.

"A-ahh, Ace! Wait up! Sama ako." Samantha

"Pumasok ka muna, Sam. May sasabihin lang ako." He said

Umupo ako sa may bench, ganun din siya. Hindi kalayuan agwat namin, ano naman kaya ang sasabihin neto? Siguraduhin niya lang na importante toh. Pero walang umimik sa amin, ni Isa.

"Tsk, anong sasabihin mo sa akin?" Ako na ang naunang nagbukas ng topic, wala ata tong balak mag salita.

"A-ahh, Devonne." Oh, himala tinawag niya ako sa pangalan ko.

"What?" I ask

"I already found her." Ace, found her? Sino tinutukoy neto?

"Who?" I ask again

"Sam. I already found her, kasama ko siya ngayon. Andito siya sa bahay niyo." Ace said. Biglang naman akong kinabahan sa sinabi niya, parang nabuhayan ako. Parang tumatalon puso ko sa saya, dahil sa sinabi niya.

"Sino?" Tanong ko sakanya.

"It's Samantha, dev. Si Samantha, ang saya ko dev! Nahanap ko na yung kwinento ko sayo noon." Ace said.
Tila nawalan naman ako ng dugo sa sinabi niya, sinong Samantha Ace?

"S-samantha?" Bakit ba ako nauutal?

"Yes, dev! Si Samantha na kasama natin. Si Dawn Samantha Audrey Moore." Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko ng malaman ko kung sino ang tinutukoy niya.

Why? Bakit siya pa? Sa dinami dami ng tao dito, baki siya pa? Onti nalang tutulog na luha ko dahil sa nalaman ko, pero pinigilan ko.

"M-meron ba yung panyo? Yung sinasabi mo na palantandaan mo sakanya?" I ask, bakit tanong ka ng tanong Devonne? Masasaktan ka lang.

"Yes, she have! Eto ohh." Pinakita niya sa akin yung panyo, oo may SAM. Pero may kulang.

"Bakit parang kulang ata to sa denescribe mo noon sa akin?"

"Yung Rose ba kamo? Hindi na daw niya kasi Alam Kung nasaan yung katulad nun, pero eto yung panyo. Nakaka-sigurado ako na siya yun." Ace

"O-okay, kaya pala Ace tawag niya sayo." I said

"Yes, dev! I'm happy that I found her already." Ace, sabay yakap sa akin. Mas lalong gustong bumuhos ng luha ko pero pinipigilan ko lang.

"Yeah, nakikita ko nga masaya ka na. Your not the old Zachary Ace, mahaba na sinasabi mo, ngumingiti ka na. Lalo na sakanya." I said, pero bulong lang sa huli.

"Anong sinabi mo sa huli?" He ask

"Wala, sabi ko maging masaya sana kayo." I said, so ganito pala feeling nun. Kailangan mo magsinungaling para lang makita kang okay.

"I'm happy for you, Ace." I said to him, at kumalas na sa yakap niya. Naglakad na ako palayo sakanya. Pero may sinabi pa ako, bago tuluyan ko na siyang iwan sa garden.

"Ace, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Sana hindi ka magsisi sakanya pag dating ng panahon na malaman mo na ang totoo."

Yan ang mga katagang nasabi ko sakanya bago ako umalis, siguradong malalalim na ang iniisip niya.

Tinanong nila ako Kung anong pinag-usapan namin. Pero Hindi ako sumagot. Dere-deretso lang akong umakyat, papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko Hindi ko na mapigilan luha ko, na na kanina pa gustong tumulo. Napa-upo nalang ako dahil sa ang sakit talaga ehh. Akala ko, akala ko nahanap na niya ako. Yun pala may nag-papanggap na ako.

"Dev?" Someone said.

Hindi ako sumagot pero patuloy lang ako sa paghihikbi ko. Naramdaman kong may pumasok, hinayaan ko lang kung sino man toh.

"Devonne, bakit? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ng pumasok sa kwarto ko.

"N-nothing. Napuling lang siguro ako." I said.

"Dev. Please, bakit ka ganyan? Hindi Ikaw yan, Ikaw ang dating Devonne na nakikita ko ngayon." Chase, sabay yakap sa akin. Oo, si Chase ang pumasok sa kwarto ko. Ang kuya ko, kuya ko kapag wala ang totoong kuya ko, siya ang tumatayong kuya kapag wala siya.

"Ang sakit kuya, ang sakit-sakit. Bakit ganun? Lahat nalang nakukuha niya? Pinabayaan kong pumunta siya Kay Lolo, pero bakit ganun? Pati ba naman siya?." Saad ko habang umiiyak.

"Shhh, tahan na. Please, wag ka ng umiyak. Magagalit si kuya." He said.

I'm thankful dahil may Isa pa akong kuya na katulad niya. Umiiyak parin ako, pero dahil napagod ako nakaramdam ako ng pagod, hanggang sa nakatulog na ako kay kuya.

----
To be continued.

Yow,guys! Kumusta? Enjoy ba bakasyon niyo? Eh, si author team bahay Lang lagi. Lalo na sa concert ng BTS, team bahay parin. Huhu, libre niyo nga si author ng ticket sa Wings Tour! 😂 Haha, joke lang. Okay Lang po ba update ko? Sana magustuhan niyo. Lovelots 💕💞
~MissIce_

The Nerd's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now