CHAPTER 1

13 9 1
                                        

Nanonood ang aking anak noon ng isang nakatutuwang programa sa telibisyon.

Habang ako'y mahimbing na natutulog. "Pha gising may kumakatok"tawag sa akin ng aking anak na may pangungulit.

"Sige sige na nga baby. Ito na nga po pupunta na sa pinto si papa." Ng may kumatok sa pinto at nagabot sa akin ng telegrama.

"Sir sulat po para sa inyo"bungad na salitang sinabi ng matandang kartero. Sandali ko itong binuksan at inalam kung kanino ito nagmula ngunit walang kahit sinong pangalan ng taong nagpadala rito ang nakasulat.

"Manong alam niyo ba kung sinong nagpadala ng sulat na ito?Subalit sadyang nakapagtataka't hindi nakapaloob ang pangalan rito ng sumulat."tanong ko.

"Patawarin niyo po ako't hindi pinaalam sa akin kung sinong nagpadala ng sulat na iyan. Pakipirmahan na lamang po nito."tugon niya.

Isang misteryosong salita ang nakapaloob dito. Ito ay ang salitang "eidlliwnosruoy", ang lugar na pinagmulan ng sulat ay Joseph Street Barangay Macacigha sa lungsod ng Makati,ang petsa na ika-25 ng Abril taong 2015 na mayroon pang dalawa't kalhating buwan mula ngayon bago ang nakatakdang petsa na nakapaloob sa telegrama.

Ng biglang sumagi sa aking isipan na ito ay ang petsa ng kamatayan ng anak ng aking kaibigan. Subalit ito'y apat na taon na ang nakalilipas ng ito'y mangyari gayundin noong 2011 pa ang taong ito, na sadyang kahindik-hindik dahilan ng sa mismo pa niyang ika anim na kaarawan siya namatay.

Ngunit ang mas nagpatindig ng aking mga balahibo ay kung bakit kaya sa mismo pang lugar kung saan naganap ang isang car accident na kumitil sa buhay ng anak ng aking kaibigan ay siya pa mismong lugar na pinagmulan ng sulat.

"Pha ano po ba yan? Halika na po rito magluto ka na po ng Caldereta, gutom na po ako" sigaw ng aking anak. Maaaring ito'y nagkataon lang kaya't ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

"Ito na po baby saglit lang po ipagluluto ka na ni papa ng paborito mong Caldereta" tugon ko sa aking anak.

Makaraan ang dalawa't kalahating buwan, sa mismong araw ng kaarawan ng yumaong anak ng aking kaibigan na syang simula pa noong kami'y mga bata pa ay matalik ko ng kaibigan.

"Pha pupunta lang po ako riyan sa malapit na bookstore, bibilhin ko lang po yung ipinangako kong libro kay Cherry na ikukwento ko po sa kanya kapag nakabili na po ako.Kaso ngayon nakalulungkot at hanggang sa kaniyang puntod ko na lang po ito maikukwento." malungkot na tugon ng aking anak.

Dapithapon na, matatanaw sa malayo ang isang malaking antigong orasan na nakakabit sa isang mataas na kampanaryo.

"Alas kwatro bente kwatro na pala, at dalawampu't isang minuto na lamang bago idaos ang inihandang pagdiriwang para sa ika sampung kaarawan ng yumaong anak ng aking kaibigan. Haayyy
... Kung iisipin ay sadyang nakatutuwa kung hindi namatay sa isang car accident ang anak na babae ng aking kaibigan noong ito'y anim na taong gulang pa lamang."pabulong kong sabi habang nakatingin sa direksiyon ng antigong orasan.

"Kung sakaling ito'y nabuhay, ay matutuloy sana ang balak naming magkaibigan na pagiisang dib-dib ng aming mga anak sa kanilang paglaki."ang sinabi ko sa hangin habang nakatanaw sa malayo at saka tumingin muli sa antigong orasan.

Sa pagpatak ng mahabang kamay ng orasan sa ika alas kwatro bente singko na siyang dalawampung minuto bago ang pagsisimula ng pagdiriwang. Ng biglang may nagkagulo sa lugar kung saan naroroon ang aking anak.

"Ano't tila biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso na tila ba nakadama ako ng kalungkutan na siya namang nagpanukal sa aking mga mata ng mga mainit na luha."may halong pagtataka kong sinabi.

Pumunta ako sa lugar kung saan naroroon ang langkay-langkay na bilang ng taong nakabibingi sa kanilang pagbubulungan na animo'y mga bubuyog.

"Oo isang bata nga,nasagasaan daw ng rumaragasang sasakyan pagkalabas diyan sa Pleasant Bookstore"mahinang sabi ng kung sino. Lalo pa akong nagulantang sa nalaman at nagtanong-tanong pa "Pre ano daw nangyari?" sabi ko sa lalaking nakapulang t-shirt.

"Nahit and run pre, Kawawa nga. Sa tingin ko nasa walo o siyam pa lang ang edad ng batang yan."ang kanyang tinugon na tuluyan ng nagpaluha sa aking mga mata.

"Tsk tsk. Sa panahon nga naman ngayon" sabi pa ng isa. At sa aking mga napagtanto ay lakas-loob kong sinubukang lumapit sa bata ngunit pinigilan ako ng mga nakabantay na pulis.

"Sir papasukin niyo na ako. Gusto ko lang pong malaman kung yan ay aking anak."pagsusumamo ko sa isang pulis.

"Pasensya na po sumusunod lamang kami sa batas."ang tugon niya.Gusto kong malaman kung sino ang batang natatakpan ng puting kumot kaya't sa lubos na pagaalala na baka ito ang aking anak ay walang ano-ano'y nakawala ako sa pagkakahawak sa aking mga kamay ng dalawang pulis.Agad kong binuklat ang puting kumot at nagulantang sa nakita.

The Traces Of TruthOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz