Chapter 56 : Taksil

78 4 0
                                    

#WLAHC

JOSH POV

DALAWANG linggo din akong nakahiga dahil sa pagkakahulog ko sa bridge.
Ngunit ni minsan ay hindi manlang nya ako dinalaw.

Pero bakit nga ba ako aasa na dadalawin nya ako?? Tsk.

"Okay ka lang josh?"
Maswerte pa rin ako dahil may nag aalala sa akin, andito sa tabi ko si arjhay..

"Sir?" Mahina kong tawag.

"Wag mo na akong tawaging sir, jhay nalang, magkaibigan naman tayu ngayun"

"Hmmm jhay, may sasabihin ako sayu."

"Anu yun? Handa akong makinig"

Huminga muna ako ng malalim, matagal ko ng iniisip to, mas magandang may mapag sasabihan ako ng mga problema ko baka mabaliw ako sa pag iisip.

"Jhay, im bisexual." Nakayuko kong sabi.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya bagkos ay iniwan nya akong mag isa..

Ito na nga ba ang sinasabi ko na baka hindi ako tanggapin at magbago ang pagtingin  nya sa akin.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay may pumasok,

Si arjhay at may dala syang cellphone.

Tinignan nya lang ako ng napakaseryuso ng ilang segundo.. Then maya maya ay ngumiti ito.

"Alam kong ganyan ka..at wala kang dapat ikabahala sa akin, tanggap kita kasi wala ka namang inaapakang tao bagkus ay ang bait bait mo pa"

"Akala ko kasi mawawalan ako ng kaibigan dito eh..." Napaluha ako ng niyakap nya ako dahil nakaramdam ako ng tunay na kaibigan na pwde kong sandalan.

Kinwento ko sa kanya lahat-lahat.. Pati relasyon namin ni spencer.. Pero isa lang ang hindi nya alam, ang parte sa amin ni micko,mabuti nang wala itong ideya na magkakilala kami.

"Gago talaga yang si chiefmate... Tignan mo, naoverfatigue kapa noon dahil sa kanya!! Tsk.." Galit na sabi nya sa akin.

"Hayaan mo nalang yun, basta hangat kaya ko, kakayanin ko;)".

"Oh panu josh, pahinga ka muna jan hah, balik lang ako sa work... Babalik ako mamaya baby bro" niyakap nya muna ko bago umalis.

Ang bait ni arjhay, yung dala nyang cellphone kanina ay may mga laman palang picture ng kapatid nyang kagaya ko rin..
Kasu nga lang wala na, namatay dahil sa sakit sa tumor nung 2nd yr college.

Kaya ganun nalang ang saya nya nang pumayag akong maging baby bro nya.

Oo nga pala wala na akong balita kay spencer, gabe gabe ko syang tinatawagan ngunit walang sumasagot.. Haissst.

Nakakabagot humiga, feeling ko okay na ako kaya bukas ay magduduty na ulit ako.

MICKO'S POV

Bakit pa ako pupunta sa kanya kung andun naman si arjhay na nagbabantay??? For what??

Mas mabuti pang ifocus ko nalang sarili ko sa pag tatrabaho.

Minsan kasing dumalaw ako dun ay nakita kong magkayakapan ang dalawa.

FLASHBACK.......

"Tsk... May mabibiktima n naman ang isang to!! Sige magpaloko pa kayu jan!!" Galit kong bulyaw sa sarili ko habang nakatingin sa knila,

Nakangiti pa silang dalawa at tila masayang masaya.

Sarap pag uumpugin ang mga ulo!

End of FLASHBACK

"Good afternoon sir" dinig kong may tumawag sa akin.

Paglingon ko ay nakita kong nakatayu si josh sa likuran ko.

Magaling na pala siya. Mabuti naman.

"Good to know that youre okay, coz youre here to be trained and not to rest, and pls put in your mind the word safety!" Pangaral ko sabay balik ng attention sa aking ginagawa.

"Roger that sir"

Umalis na ito at kinuha ang binocular... Nag observe sa labas dahil malapit na kaming dumaong sa port of MEXICO.

JOSH POV

Mabuti naman at naka pag dock na kami dito sa pwerto, nakakabagot din kasing puro dagat ang makikita.

"Bro, sama ka samin ha, bababa tayu mamaya para bumili"

"Sige bro, pero sana wag sa duty ko hah?"

"Sure, pupuntahan nalang kita mamaya mag 5pm"

Saan naman kaya kami pupunta ni arjhay?? Hehehe pero sige nalang, mas okay na rin ang magliwaliw kahit saglit.

SAKTONG alas 5 ng hapun ng magpasya kaming umalis, bali apat kami, kasama namin ang dalawa pang taga makina.

Ang saya ko dahil first time kong makita ang ganitong scenery, ibang iba sa pinas ang mga desenyo ng mall at pamamahay..

Dumaan kami sa isang mall para makabili ng mga snacks at curls sa barko, bumili din si arjhay ng mga brandy..

"Bro,antayin mo ko dito hah? Mag ccr lang ako." Paalam ko sa kanya.

"Geh bro, take your time"

Agad kong hinanap ang cr at agad pumasok sa isang cubicle nito.
Sumakit kasi ang tiyan ko sa kinain namin kanina..

Papalabas na sana ako ng may marinig akong ungul ng lalaki sa kabilang cubicle,

Pinakinggan ko muna ito.

"Shittss ang galing mo.."

"Sige pa"

Pilipino ang nag sasalita...

Maya maya pa ay isang impit at malakas na ungol ang aking narinig, maaring nakapag paraos na silang pareho.

"Ang galing mo.. Talaga babe"
Sabi ng isa,

"Para sayu babe gagalingan ko" sagot naman ng isa.

"I love you...."

"I love you too spencer..."

Para akong nabato sa aking narinig, kaya pala parang pamilyar ang boses na yun...

Bumukas ang kabilang cubicle at lumabas ang dalawa..

Kinakailangan kong malaman kung si spencer nga na kasintahan ko ang nasa labas.

At hindi nga ako nagkamali!!!

"SPENCER/JOSH?" Sabay naming bigkas

"Ang baboy mo!!! Tangna ka spencer!!!

"Hon sorry, let me explain!!"
Nang hawakan nya ang kamay ko, isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanya.

"Dont touch me!!! Magsama kayung dalawang to!!" Sabay duro ko sa kasama nya.

Agad kong nilisan ang cr at hinanap kaagad sina arjhay..

"When Love And Hate Collides"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon