Chapter 45 : THE VACATION

82 1 0
                                    



#WLAHC


ISANG lingo na rin ang nakalipas ng makalabas ako ng ospital, over fatigue daw ang resulta kong bakit ako nahimatay,.. marami na rin pala ang nangyari sa loob ng isang linggong yun, marahil dahil sa pagkapanalo ko as MR. M.U ay mas nakilala ako n gaming department as well as ibang department. Minsan pa nga ee may mga nagpapapicture sa akin kahit sa gilid ng daan.

Sa amin ni micko naman ay mas tumibay an gaming relasyon kahit na ito'y patago lamang. Kuntento na kami pareho sa aming kinalalagyan at naghihintay lang kami ng tamang tyempo para sabihin sa aming mga magulang ang parte sa amin.

Si Justin naman ay tila napagod na rin sa pangungulit dahil siguro sawa na sya sa kanyang ginagawa na hanggang ngayun ay hindi ko parin maintindihan kung bakit nya ipinagawa sa akin ang deal na iyon. Pero kahit ganun pa man ay hindi pa rin maiwawaglit sa aking isipan na isang araw ay baka malaman ni micko ang lahat.

Mahal na mahal ko si micko at kaya ko syang ipaglaban sa kahit kanino man.

Next week ay schedule na ng finals namin kaya't pareho muna kaming focus ni micko sa aming pag aaral. Paminsan minsan na lang sya pumupunta ng boarding house ko, ako rin ay minsan nalang kung matulog sa mansion nila.

Oo nga pala, ive met his father when I went into his house, I can say na authoritative ang aura ng kanyang daddy, but he never showed me some filthy traits instead he act so professional in the sense na kahit nasa bahay nya ako ee he used to call me in my last name after knowing na ako pala yung nanalo as MR. M.U... over all.. I felt relieved when he held me in my shoulder and say...''don't be shy, youre a pride of my own university, im lucky for you to be my son's bestfriend..''

Hindi ako nakasagot kaagad bagkus ay ngumiti nalamang ako as a sign of affirmation.

Matutuloy na rin ang pagpunta nila sa aming lugar this coming semestral break, and I think everything is set sa kanilang tatlo..

.

.

.

.

.

Hawak hawak ko ngayun ang envelope na may laman ng deal namin ni justin. Gusto ko nang matapos ang sekreto naming ito, I cant carry this pain in my heart.. at first inaamin ko na hindi ko sya mahal or shall I say impossibling mahalin ko sya dahil na rin sa sexual orientation namin, pero wala ee,, nilamon ko lahat ng sinabi ko..

I loved the man I love right now...

Matapos lang talaga ang finals na to... itatapat ko na sa kanya ang lahat..


THIRD PERSON'S POV

SINCE finals week na ngayon, madalang na kung lumabas sina micko at josh na magkasama, pagkatapos ng school ay diritsong uwi na sa bahay nila upang asikasuhin ang kani kanilang school stuffs. Ngunit sa kabila ng pagka abala nilang yun ay hindi pa rin maiaalis sa isipan ni josh ang maaaring kahihinatnan ng kanilang relasyon kung ipagtatapat na nito sa kasintahan ang lahat.

Makalipas ang buong linggong examination ay nakaready na silang tatlo upang sumabay sa pagbakasyon ni josh sa kanilang probinsya.

Isang lingo lang ang kanilang inilaan na oras for vacation dahil na rin sa may kanya kanyang business stuffs ang mga anak mayaman..

JOSH'S POV

HALATANG pinaghandaan na nila ang kanilang pagbabakasyun sa aming lugar dahil sa mga dala dala nilang bag.

''saglit lang... dapat maaga tayung aalis ngayun hah, para makahanap kayu ng hotel na pwede nyong pag istayan..'' sabi ko sa kanila habang nililigpit ko na ang mga gamit ko sa bag.

''sino bang may sabing mag hohotel kami?'' sagot naman agad ni Justin

''eh saan naman kayu mag iistay?''

''natural sa inyo..'' sabay sabi nilang tatlo, pero teka.. tama ba yung narinig ko na sa amin sila mag iistay?

''huyy... hindi ba kayu nasisiraan ng bait jan? walang signal sa aming lugar tsaka kubo lang bahay naming.. im very much sure na hindi kayu sanay sa buhay bukid..'' pagmamaktol ko

''well that's the reason WHY may mga dala kami diba, I have here a piece of tent which is good for me only..'' pilyong sagot ni mark sabay taas ng isang bag, siguro yun na ang tent na sinasabi nya.

''oh siya, alis na tayu, akin na dala mo josh.. mauna na kayu Justin at mark..'' utos ni micko sa dalawa na agad namang nagsialisan..

''huy... baka mahalata nila tayung dalawa micky... alam mo naman yang mga tropa mo diba? Iisang bituka lang kayu nyan..''

''oh anu ngayun kung malaman nila?? Edi mas maganda na rin yun.. halika kana beyb ko.. miss ko na si nanay..''

''hahahah.. beyb?? Gusto ko yan micky...BEYB..''

''tara na..''

ALAS nwebe ng umaga kami umalis, kotse ni micko ang aming sinakyan.. nasa front seat ako nakaupo habang si Justin at mark naman ang nasa likuran namin na ngayun ay natutulog.

Paminsang hinahawakan ni micko ang kamay ko ngunit kinukuha ko naman ito kaagad baka kasi madisgrasya kami..

ALAS singko na ng hapon ng kami ay makarating sa aming lugar.. agad namang nagsilabasan ang mga kabaranggay ko dahil na rin sa kotseng nakita nila na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Since malayo pa ang bahay namin sa kalsada ay ipinasya kong ipaiwan muna ang kotse ni mick okay mang kanor. Si mang kanor ay isa sa matalik na kaibigan ng tatay ko, doon din kami minsan nangungutang ng pera dahil sa may kaya ang kanilang pamilya.

''ohh baka may nakalimutan kayu sa kotse.. siguraduhin nyong wala hah kasi mejo malayu pa ang bahay namin mula ditto.'' Pagsisiguro ko

''everything's set na josh.. lets go..'' aya ni micko sa akin

Aming tinahak ang palayan at sapa papunta sa aming bahay.. mejo kakatuwa tignan silang tatlo dahil sa halatang nahihirapan sila sa kanilang paglalakad..

Si mark ay minsa'y nadadapa, ganun din si Justin.. si micko naman ay nakahawak lang sa balikat ko upang hindi madapa or maslide.

Salamat nalang at hindi umulan dahil kung nagkataon ay tiyak na mas mahihirapan kaming apat.

''malayo pa ba josh?'' tanung ni Justin na hinahabol ang hininga sa pagod.

''malapit nalang... nakita mo yung bundok na yun??'' turo ko sa kanila

''no josh!!! Don't tell me na aakyat pa tayu dun!!'' reklamo ni mark

''hahahhahaha.. loko.. nope,.. tinanung ko lang naman kayu kung nakita nyo yung bundok e.. hindi ko naman sinabi na doon tayu dadaan.. sa katunayan nga ayan na ang bahay naming oh..''turo ko sa kanilang bandang kanan ang isang katamtamang bahay.

''hayy salamat naman josh kung ganun..'' pagod na sabi ni micko.

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa bahay...

''nay!!! Tay!!! Bunso!!! Andito na si kuya!!'' sigaw ko nang papasok na kami sa bakuran ng bahay..

Unang lumabas ng bahay si bunso.

''nay.. umuwi si kuya at may mga kasamang kano!!''

Natawa ako sa sinabi ng kapatid ko.. kano daw tong mga to??? Hahahha

''uyyy josh anak!!! '' si nanay at agad akong nilapitan at niyakap..

''sobrang miss kana namin ng tatang mo..''

''miss ko na rin po kayu nay.. oo nga pala.. mga kaibigan ko po sa university na pinapasukan ko..''

Ito po si micko, siya naman po si mark ang may dalang dalawang bag, at yung nasa likod naman po ay si Justin..''

Pagpapakilalal ko sa kay nanay at bunso.

Saglit na napatigil ang tingin ni nanay sa mga kasama ko.. tinignan ko kung kanino siya nakatingin.. sa kay Justin...

''TIN TIN???''

"When Love And Hate Collides"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon