Chapter Two: Our New Babies

3.2K 74 4
                                    

"Sigurado akong tayo hanggang huli kasi totoo ang pag mamahalan natin. Mahal na mahal kita at alam kong mahal na mahal mo ako." -John Xander Quejada-

Chapter Two: Our New Babies

Raiven's P.O.V.

Jusme! Ansakit ng ulo ko! Hangover strikes! Nag inuman kasi kami kagabi pagkatapos kong manalo, parang celebration party pero sa bahay lang. Pag mulat ng mata ko may nakita agad akong anghel sa tabi ko. Tinitigan ko ito at ang gwapo niya talaga at napakabait pa. Kaya nagpapasalamat ako kay God kasi binigay niya sa akin si Xander kasi kung hindi baka hanggang ngayon nagloloko pa rin ako. Habang tinititigan ko siya bigla niyang minulat ang mga mata niya at ngumiti. Bigla namang tumalon ang puso ko sa nakita ko.

"Good morning labydabs." Sabi niya sa akin.

"Good morning din labydabs." Sagot ko. Bigla na naman niya akong yinakap.

"I love you." Bulong niya sa tenga ko habang magkayakap kami.

"I love you too." Sagot ko sa kanya. Hinding hindi siya nagsasawang sabihin na mahal niya ako kahit nasa gitna kami ng maraming tao. Nung humiwalay na kami sa yakap namin tatayo na sana ako para bumaba at kumain pero pinigilan niya ako.

"Dito ka muna." Sabi niya sa akin.

"Eh gutom na ako eh." Sabi ko sa kanya.

"Nandito naman lips ko eh." Sagot niya sa akin sabay pout. Ang cute niya mag pout.

"Baliw." Sabi ko sa kanya. Bigla niya akong hinalikan kaya gumanti na ako ng halik.

"Ansaveh! Agang aga nag hahalikan! Di na kayo nahiya!" Sabi ni Ate Wendy. Gising na din pala siya at katabi ko siya. Lahat kami dito natulog sa kwarto ko eh.

"Ay ate ingit ka lang!" Sagot ni Xander.

"Che! Bangon na at baka kung anu pa gawin niyo." Sagot ni Ate Wendy. Aayaw pa sana si Xander pero sinabihan ko to kaya dahan dahan kaming lumabas ng kwarto kasi baka magising namin sina Kuya Joshua at Yuki na tulog mantika pa. Pag labas ko ng kwarto napatingin kami ni Ate Wendy kay Xander.

"Oh bakit ka nakabusangot? Parang pinagtakluban ng langit at lupa mundo mo ah?" Sabi sa kanya ni Ate Wendy at siningkitan lang ito ng mata ni Xander kaya inirapan lang siya ni Ate Wendy at tuluyan nang bumaba at ako naman ay huminto kaya huminto din si Xander,

"Labydabs smile ka na. Promise mamaya itutuloy natin yung naudlot na kiss." Sabi ko sa kanya at napangiti naman siya. Sabi na nga ba eh.

"Promise mo yan ha!" Sabi niya at tumango tango nalang ako. Haayy eto talagang boyfriend ko sabik na sabik sa kiss. Ganun ba kasarap labi ko?

 "Gusto ko more than kiss!" Bigla niyang sabi sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Utot mo! Baka gusto mong bawiin ko yung sinabi ko! Tara na at kumain na tayo! kanina pa ako nagugutom." Sabi ko sa kanya. Napa pout naman siya

"HOOYYY LOVEBIRDS!!! BUMABA NA KAYO DIYAN!!!" Sigaw ni Ate Wendy. Di pala niya kami napansin na di na kami sumusunod sa kanya

"ETO NA! PABABA NA!" Sabi ni Xander.

"Ang ingay mo! Kapatid mo tyaka kapatid ko tulog mantika pa sa kwarto!" Sabi ko kay Xander habang pababa kami.

"Malamang nagpakalasing yung dalawa! lalo na si Yuki! uhuging bata palang lakas nang uminom!" Sabi ni Xander.

"Di na rin bata yun noh! 14 yrs old na rin yun noh!" Sabi ko sa kanya.

"Correction po, turning 15 na po siya sa July." Sabi niya sa akin. Natawa na lang ako. Dumeretcho kami sa kusina at nakita namin dun si Daddy at ang parents ni Xander na kumakain at nagtatawanan.

Through The Rain (How To Love Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon