Naiiyak na kami sa kakatawa habang pinapanuod sila. Nang nakita kong tumatawa si Johansson at natigilan ako sa pagtawa para pagmasdan ang tawa nya. Malalim iyon at mahina lamang.

Napatingin sya sa gilid ko at mabilis na nawala ang ngiti sakanyang labi. Tinignan ko ang katabi ko na si Kaien na wala dito kanina.

Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Johansson sa bewang ko at ang paghila sa akin palapit sakanya dahil kung bakit napahawak ako sa kanyang dibdib.

"Tss. Piss off." bulong nya at hindi ko alam kung narinig ba iyon ni Kaien dahil sa lakas ng tawanan

"Stop it." suway ko at hinampas sya. Tumayo ako ng maayos na pinagpatuloy ang panunuod sa mga bata.

Tumaas ang kamay nya sa bewang ko papunta sa aking balikat. Palipat-lipat ang kanyang kamay sa aking balikat at bewang hanggang sa nagpasalamat ang mga managers at siniguradong magiging taon-taon ang charity na ito.

Habang pababa ng bundok ay pinag-uusapan na nila ang gaganaping island hopping at church hopping. Binigyan ng three days, two nights stay ang team sa hotel bilang reward sa success ng charity habang kami naman ay diretso na ang tulak sa beach resort para sa gaganaping bakasyon naming magkakaibigan. Si Ate Xena naman ay uuwi na dahil birthday daw ng kaibigan nya at uuwi si Kuya Carreon, ang pinakamamahal niyang bestfriend noon, mamayang gabi kaya kailangan daw ay nandoon sya.

"Reservation of two Presidential Suite for Tiara Tyson." sabi ng receptionist ng sinabi ko ang pangalan ko.

"Guess we'll divide the group by two? Me and Kaien then the rest of you ay sa kabilang kwarto na." natawa ang receptionist sa sinabi ni Nick. Binatukan sya ni Karlie at tinuro kaming girls.

"Girls and boys ang hatian at tutal binabae ka naman Nick, sa amin ka."

"What?! No freaking way. I'll stay where I truly belong." sabi nya sabay lapit sa mga boys.

Nagbulungan ang dalawa at nagtawanan, umiling si Owen sa sinabi ni Nick at sa tingin ko ay alam ko na iyon.

"I'll separate from them, can't resist having that boy around." bulong ni Johansson at masamang tinignan si Kaien na may kausap na boy.

Hinampas ko ang dibdib nya at ngumisi lang sya. Napaka arte ng lalaking 'to, porke may pera kukuha ng ibang room kahit na kasyang kasya naman sa isang room.

"And it will be too noisy, for sure."

Alam kong tinutukoy nya sina Nick and Owen, nasa lobby pa nga lang kami ay excited na ang dalawa.

Ngumuso na lang ako sa mga rants sa buhay ni Johansson.

"Want be with me? Sunduin kita sa suite niyo mamayang gabi."

"What!?" hindi ko napigilang sumigaw. Hinampas ko sya ng todong-todo sa ulo at agad naman niya iyon nasalo.

Seriously? Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Johansson! He's all good and saint to me... Just... What the hell?

"Bakit? Ano bang iniisip mong gagawin natin?" may nakakalokong ngiti sa labi niya habang tinatanong niya yun.

Umiling na lang ako at iniwan siya

"Ano, Tiara?" sigaw niya nang palapit ako kina Maxxine, iniiwan siya

"Ewan ko sayo, Johansson!" sigaw ko, dahilan ng paglingon sa akin ng ilang turista sa lobby

"Uy! Ang ingay niyo!" suway ni Bianca

"Oh bakit namumula ka dyan, Tiara?" puna ni Maxxine na agad kong inilingan. Enough for being with Johansson, I need to rewind and forget those words.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now