Chapter 4

21.7K 478 35
                                    

"Ahhh!" Nagulat ako ng may tumalon mula sa mga halamanan at humarang sa dinaraanan ko. Nahampas ko naman ito dahil na rin siguro sa adrenaline rush.

"Aww! Piglet! Awww!" Pagdadaung nito. Nakilala agad niya ang lalaki. Walang iba kundi si Aziel. Makalipas kasi ng ilang araw at nakabalik na siya sa Pilipinas at simula ng mangyari ang hindi dapat mangyari sa hotel room ni Blaine ay hindi na ako tinigilan nito kakaasar.

"Buti nga sayo! Chupi ka nga. Agang aga nambibwiset." Umiwas na nga siya dito at ayaw niyang masira ang mood niya sa pangaasar nito. Magsama na lang sila nung Fifa niya.

"Sungit naman nito. Ililibre sana kita dun sa bagong coffee shop." Napalingon naman siya dito. Biyaya na ang lumalapit di niya ito tatanggihan pero on the other note nakakahiya baka maturn off sa kanya ito. Sige pakipot muna ako ng very slight.

"I'm not in the mood. Isama mo na lang yung Fifa mo." Mataray niyang sabi dito.Tinalikuran na nga niya ito. Naririnig niya pa ang pagtawa nito sa kanyang likuran.

"Hahaha. Are you jealous?" Namula naman siya sa katanungan nito. Ano ba na naman ulit Shea. Bakit ka ba laging nagkakamali kapag kausap si Aziel?

"Me? Jealous? No! No! No. Ililibre mo ako di ba? Tara na." Pagaaya niya na lang dito. Mamaya kasi baka kung ano pa ang masabi nito at hindi niya mapigilan umamin kay Aziel. Tinuruan ata siya ng magulang niya ng pagiging delicadeza.

"Then if that so let's meet Fifa later. Kain muna tayo." Nanikip naman ang dibdib niya dahil sa sinabi. Mamemeet na niya si Fifa ang pinagseselosan niya ilang araw na. Maging eat and run na lang kaya siya mamaya?

Nauna na nga si Aziel sa paglalakad. Malapit lang naman pala ang sinasabi nitong coffee shop mga 5 minutes walk lang kapag galing sa Highlands village. Kakabisita lang kasi niya sa pinsan ngunit wala naman pala ito at kasama daw si Grace.

Nakarating na nga kami sa coffee shop. Ang masasabi niya lang it is not typical coffee shop na makikita dito sa Pinas. Japanese theme ito more on Anime theme. Ang cute lang dahil ang mga waiter ay nakacosplay attire.

"Irrashaimase!" Bati samin ng isang cute na waitress na nakasailor moon na costume. Tinitignan niya si Aziel at nginitian niya ang babae. Halata naman kinilig pa ang bubwit. Pasalamat lang talaga ito cute ang sailormoon outfit niya kung hindi mabibigwasan niya ito.

Aish. Shea. Stop that. Hindi naman kayo ni Aziel so bakit maiinis ka sa waitress? Napabuntong hininga na nga lang siya.

Pumasok na nga sila sa loob ni Aziel. Nakikipagusap ito ng Nihongo kay sailor moon. Hindi niya naman magets ang sinasabi nito. Kaya naman inabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa loob.

Nakita pa nga niya ang isang pamilyar na babae. Naikwento na sa kanya ito ni Blaine at sa pagkakatanda niya asawa ito ni Caden ang may-ari ng Highlands Estates.

"Ohmy! Hello." Nakalapit na pala ito sa kanila. Napatunganga siyang saglit dahil sa dala nitong positive aura. She's glowing with full of happiness.

"Hey Giselle! Long time no see. Where's Cad?" Bati ni Aziel dito.

"Nagpaparking. By the way who's this beautiful lady Aziel? Pakilala mo naman ako." Sabi pa nga nito. Nginitian siya nito at siya naman mistulang nahihiya.

"This is Shea. Blaine's cousin and Shea this is Giselle. Cad's favorite wife." Natawa pa nga si Aziel sa huling sinabi nakita niya din ang pagirap ni Giselle dito.

"Duh! Az. Ako lang naman talaga ang nagiisang wife ni Cad. Ibitin kaya kita diyan ng patiwarik." Sabi ni Giselle dito. Natatawa na siya dahil sa pagbabangayan ng dalawang ito. Patuloy pa nga din ang bangayan ng dalawa ng dumating na nga si Caden. Agad nitong hinapit ang beywang ng asawa.

Libidinous Series 6: Aziel Clive ConteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon