if you are happy

Beginne am Anfang
                                    

Matapos ang ilang oras, nabigo sila. Ang ending, nagstay sila sa bahay ni Daniel kakalaro at nagbabantay lang sa kaibigan. Nakatulog na rin si DJ at umorder naman sila para may makain. Pasado alas onse nang magising si Daniel.

"Pre, kain tayo. May beef tapa diyan. Inorder ko." Proud pang sabi ni Marco sa kaibigan.
Tinignan nila si DJ na bukas na ang mata at nakatingin lang sa kisame.

"Paborito yan ni Kathryn eh."

Napangiwi si Marco dahil nakalimutan niyang paborito nga pala 'yon ni Kathryn. Napailing nalang si Pat ng mapansin ang pagpiyok nito at pagbabadyang pagiyak. Naloko na naman. Senti mode na naman yan. Isip nito.

"Ay may pizza dito! Nagorder kami ni Khalil! Oh ha!" Si Diego naman ang nagsalita, trying to light up the mood. Pinagplanuhan nilang libangin si Daniel dahil baka mamaya malaman niyang tapos na ikasal sila Carl at Kath at mabaliw pa ito kung may makita siyang pictures sa internet.

Sinubukan niyang umupo at medyo nabuhayan naman ang mga kaibigan niya. "Anong flavor yan?"

"Cheese tol tas meron ding—"

"Yan yung laging pinapaorder sakin ni Kath pag gusto niya ng pizza."

Halos lahat naman sila napa face palm pero si pa rin sila sumusuko.

"Alam ko! Beer! Bumili kami ng isang case ng beer, tol! Medyo okay ka naman na diba? Oh maglasing tayo ulit!" Pinalo pa bi Patrick yung lamesa na parang isang sobrang gandang ideya ang naisip niya.

Naghihintay ng reaksyon sila Marco mula kay DJ. Siguro naman di niya na maaalala si Kathryn sa beer no? Isip bi Khalil.

"Hindi ako masyadong pinapayagan ni Kathryn uminom."

"PUTA NAMAN! DATI 'YON! TIGIL MO NA YAN BRAD!" Napuno na si Khalil at hinila si DJ patayo. "Tumayo ka na o gusto mong may magpatayo pa sayo! Sabihin mo lang!"

"Gago," Napabuntong hininga sila Khalil nang makitang medyo natawa si DJ.
Naglakad ito papunta sa counter at kumuha ng tubig.

Nagsenyasan naman silang ipagpatuloy lang ang paglilibang sa kaibigan.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay binuksan niya ang cellphone niya. Una niyang binuksan ang instagram—habang nagloload ay bigla itong kinuha ni Dominic. "Ooopppp! Bawal cellphone ngayon!"

"At kelan pa?" Matamlay na tanong neto.

"Ngayon lang, kasi may importante tayong gagawin. Dapat focus lang." He tried to sound confident and convincing pero matamlay lang na nakatingin si DJ sakanya.

"Alam kong ayaw niyong ipakita yung pictures nila Kath na siguro by now kumakalat na sa internet." Sumandal siya sa counter at yumuko. "Pero gusto ko lang makita. Huli na 'to. Akin na." He asked for his phone and Dom looked at his friends, asking for permission. Nagkibit balikat si Diego habang tumango nalang si Pat.

Lahat sila nakatingin kay DJ except kay Khalil na kumakain habang nakatingin.

Binuksan ni DJ ang instagram niya at pumunta agad sa profile ni Kath na pag pinindot lang ang search bar ay una itong lalabas. Ito naman kasi ang lagi niyang sinesearch at vinivisit sa instagram eh.

Nagpost ito ng picture niya at ni Carl na nasa simbahan. Magkatinginan at nakangiti sa isa't-isa.

"Ang swerte niya." Sambit niya nalang habang tinitignan ang picture na 'yon. "Ang swerte niya siya yung pinili ni Kath." Sabi niya pa. Nakatingin pa rin ang mga kaibigan niya at napapailing nalang si Marco.

Napahawak ito sa ulo niya habang nakatingin. "Ako dapat to eh." Nahirapan siyang sabihin ang nga salitang iyon dahil naiiyak na naman siya. F, ilang araw na ba akong umiiyak? Kung ilang araw yatang todo ngiti si Kathryn dahil papalapit at papalit na ang kasal niya, ilang araw namang iyak nang iyak si Daniel dahil malapit nang ikasal ang mahal niya.

"Bro.."

He managed himself and tapped the comment button.

supremo_dp: Congratulations, Kath! If you are happy, I am happy.


It took all the courage for him to type those words. It is his way of finally letting go of Kathryn. She smiled upon seeing his comment. She didn't know that on the other part of the city, Daniel Ford is crying his heart out. His Tangi is already married to someone else. And he couldn't think of anything much heartbreaking than that.

**

Chill lang frandz.

TURNING PAGESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt