Kiss away those tears

3.4K 113 26
                                    



**

"CUT! PERFECT!" Nagpalakpakan naman ang mga nasa set. Kasalukuyan kami ngayong nagsho-shooting para sa MMFF entry namin nina Vice at Mama. Ilang scenes nalang at matatapos na rin 'tong pelikula. Mga 6 ata sakin, ewan ko kina Vice.

"Pack up na ba 'ko?" Tanong ko kay Direk.

"Asuuus, nagmamadali, oh."

"May nami-miss na naman 'yan!" Rinig ko'ng kantiyaw ng isang staff dito sa set. Napailing nalang ako. Totoo naman. Lately kasi, di na kami masyadong nagkakausap o nagkakasama ni Kathryn. Busy rin naman siya. Nagtaka lang ako bakit di niya tinanggap 'yong offer sakanya ng management na isang movie kasama si John Lloyd Cruz. Hindi naman 'yon romance. Heavy drama pero about family. Sabi niya magpapahinga raw muna siya. Masyado raw kasing maraming magazine covers ang tinanggap niya at nagsusulat siya ngayon ng libro. This time, story na. Ayaw niyang ipaalam sakin yung story. Kaya nga minsan, napapaisip ako baka story naming dalawa 'yon. Haha!

"Oh, DJ, alis ka na?" Nakangiting tanong sakin ni Vice. Tumango ako at kinuha ang cellphone ko kay Kuya Dho. "Oo, e."

"Ang aga naman, di mo ba aantayin si Karla?"

"Hindi na, tatlo pa ata sakanya, e. Sige, alis na ko, bukas ulit." Sabi ko at nagpaalam. Minsan kasi kung ano-ano trip niyang si Vice. Dadalhin daw ako sa party sa bahay nila, isama ko raw sina Kath kaso ayoko naman. I rather have an alone time with her kesa pumunta-punta sa mga ganyan.

Paalis na kami ng nakasalubong namin si Jasmine. Hindi ko alam anong ginagawa niya dito. Hindi naman siya parte ng pelikula.

Napahinto siya pero kami naman hindi. Dire-diretso kaming naglakad papunta sa kotse ko'ng nasa likuran niya. Kaso, hinarang niya kami.

"Hi, Dj." O ako. "Ano yun?" Walang gana ko'ng tanong. Mamaya malaman pa 'to ni Kath at kung anong isipin nun. Pero sasabihin ko rin naman sakanya mamaya. Ayoko ng may itinatago.

"Uwi ka na?"

"Oo, e. Sige." Sabi ko at umalis na. Sumunod naman sina Tito sakin at sina Rye. "Ang kapal talaga ng feslak ng babaeng 'yon." Rinig ko'ng sabi ni Rye.

Bumuntong hininga nalang ako at tinext na si Kath. Umalis 'yon ngayon, e. May pinuntahan ata. Pero kaninang bandang 6 nagtext naman siyang pauwi na siya.

DJ: Mahal, papunta na ko sainyo. Love you :)

Maya-maya pa, nagreply naman na siya.

Kath: Okay, nakauwi na rin kami. Ingat kayo 😘

Ibinaba ko nalang ang cellphone ko.

Ginising ako ni Tito Dho ng marating na namin ang bahay nina Kath, sinabihan ko sila na daanan nalang ako dito bukas at mauna na sila.

Pinapasok ako ng guard at ng makapasok na 'ko sa bahay nila, naabotan ko siyang nasa living room kasama ang Kuya niya, Ate Chrysler niya at si Lhexine.

"NINONG!!" Tumakbo agad sakin si Lhexine kaya naman napalingon si Kathryn na nakatalikod sakin. Binuhat ko si Lhexine at nginitian siya.

"Good evening, Ate, Kuya Kevs." Umupo ako sa tabi ni Kath at bumaba naman si Lhexine.

"Hi, Love." Sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo. Ngumiti naman siya sakin pero bakit parang ang tamlay niya? "Ayos ka lang?" Tanong ko at ipinasandal siya sa balikat ko.

"Pagod lang.." Mahina niyang sabi tsaka ako niyakap.

Mukha nga. These past few days talagang napapansin ko'ng parang masyado siyang pagod lagi pero may mga araw naman na nasa bahay siya o kaya bumibisita lang sa mga kamag-anak niya. Parang stressed na stressed din siya ngayon.

TURNING PAGESWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu