here

2.8K 94 11
                                    


Kath now 22, DJ 23.

Iniba ko mwehehehe. Wag sana malito. Thanks.

**

"DANIEL," May galit at halong pagmamakaawa na tawag sakin ng Nanay ko pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko. Bumuntong hininga ako at tinaob ang cellphone ko na kanina lang ay tinititigan ko. Tinititigan ko 'yong lockscreen wallpaper ko na si Kathryn.

"Ano na naman 'yon, Ma?" Pumikit ako.

"Hindi mo pa rin ba siya kakausapin?" Ramdam kong palapit na siya sakin. "Ma--"

"Ilang araw na siyang pabalik-balik dito. Ngayong alam mo nang may sakit siya hindi mo ba naiisip yung pagod na maaaring madulot mo."

"Pupuntahan ko naman na siya ngayon, Ma."

"Talaga?"

"Oo," Sabi ko at tumayo. "Ngayon yung radiation theraphy niya, hindi ba?" Nilingon ko muna siya bago kumuha ng t-shirt at pantalon. "Maliligo muna ako."

"Hay salamat naman. Akala ko galit ka pa rin."

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa CR. "Nasaktan lang ako, Ma. Pero 'di ibig sabihin nun na pababayaan ko na siya."

--

PAGKAPARK ko ng sasakyan ko sa labas ng bahay nila, lumabas na agad ako at nagdoor bell. Pagkabukas naman, pumasok na ako.

Nakita kong nasa living room si Kuya Kevin at Ate Shannan—kumakain ng cake. "Kuya," Sabi ko at tumango sakanya. Tumayo siya at nakipagfist bump sakin. "Si Kathryn?"

"Nasa kwarto niya." Aktong aalis na ko pero tinawag niya muna ako. "DJ?"

"Bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryoso niyang tanong bago ilapag ang plate sa may mesa. Nakatingin lang sakin si Ate Shannen. "Sige." Alam ko'ng tungkol kay Kathryn 'to at mabuti ngang mag-usap kami ng kuya niya.

Dumiretso kami sa may garden ng bahay nila. Umupo siya at umupo rin ako sa harap niya. "Tungkol san?"

"Tungkol sa kapatid ko."

"Hayaan mo Kuya di ko naman siya pababayaan eh."

"Yun din sana ang isa sa mga sasabihin ko. Pero salamat nakuha moa gad. Si Papa kasi hindi siya makakapunta ngayon—simula nang malaman niyang may sakit si Kathryn madalang nalang siya pumunta rito. Alam mo kung bakit?"

"Kasi nasasaktan siya pag nakikita niya si Kathryn."

Tumango siya. "Kaya ayun, sinubsob ang sarili kakatrabaho. Hindi niya kasi matanggap na yung bunso niya—may sakit. Hindi lang basta lagnat eh. Okay lang daw kung lagnat kasi alam naman nating madali lang..pero iba, e. Malala. He kind of blaming his self. Kaya sabi ko kakausapin kita. Sabi naman niya, pakisabi na rin na wag mo raw iiwan ang anak niya kundi malalagot ka."

"Hindi ko naman talaga iiwan si Kathryn, e." I said. Hinding-hindi ko siya iiwan.

"Eh kailan ulit ang punta ni Tito dito?"

"Next week. E very week siyang pumupunta. Isang araw lang chine-check si Kath. Nakikipagbonding kay Kathryn. Umiyak nga yun nung patulogin niya si Kathryn, e. Haha."

"Patulogin?"

"Oo, isa kasi sa nangyayari kay Kath nowadays ay yung pagkahilo, pagsakit ng ulo. Tsaka... dalawang beses na siyang sumuka."

Parang sumikip naman ang dibdib ko sa narinig. Ako yung nahihirapan eh. Hindi ko nga kayang makita si Kathryn na nahihirapan kapag may lagnat—ito pa kaya?

TURNING PAGESWhere stories live. Discover now