Found 12

2.3K 51 0
                                        

One week na ako as assistant stylist ni Vince and di ko inexpect na maeenjoy ko siya. Kasi diba the reason why I accept the job is because gusto kong maexperience na makapag work sa isang tv Network and maexperience yung mga shooting? Pero grabe naenjoy ko yung pagreresearch, mix and match for Vince. Para lang siya doll na guy na binibihisan ko.

And now its time naman to pamper myself after that tiring week. I invited Iya and Anne to come with me. After nung lunch ko with iya naging magfriends na kami though puro text and tawag lang dahil pareho kaming naging busy. While si Anne naman well di na din ako nagulat kasi unang meeting pa lang nagkasundo na agad kami.

One thing we have in common is that we all love to work in media. But Anne is more on the creative side, and medyo nalihis siya kasi imbes na mga artista e mga product ang hawak niya. She's a Product Marketing Director kina Lieo.

"Grabe buti pa kayo nasa media samantalang ako nalihis ng landas." Sabi ni Anne.

"Nalihis ng landas? E diba gusto mo naman ang work mo kina Lieo?" Sabi ko.

"O baka naman yung boss mo ang gusto mo kaya di mo na nipursue ang media?" Pang aasar ni Iya.

Nakwento ko kasi kay Iya yung about sa kanila ni Lieo, yung sabi ng mga boys ang kwento ni Anne.

"Hay naku tigilan niyo ako. Hindi no. Naenjoy ko na din kasi ang Marketing. Pero syempre pangarap kong magwork sa media kaya di ko talaga maiwasang mainggit." Depensa ni Anne.

"E diba nagsusulat ka ng mga story? Bakit di mo yun i-pursue?" Tanong ko kay Anne.

"Busy?" Sagot naman niya.

"Pero diba may mga natapos ka ng mga story?" Tanong naman ni Iya.

Its been a week lang since nagkakilala kami ni Anne and ngayon lang kami nagkasaka pero halos alam na namin ang lahat sa isa't isa. Well ganoon talaga mga babae madaling magcatch up.

"Oo kaso di pa ko ganoon kaconfident sa mga gawa ko e." Sabi naman ni Anne.

"Hmmm bakit di mo try isend sa akin ang story mo then papadala ko sa company namin pag nagustuhan nila e di pwede namin siyang ipublish." Sabi ko naman.

"Ang since marketing ka, kayang kaya mo na yang imarket. Tutulungan din kita tutal pareho lang tayong nasa marketing." Sabi naman ni Iya.

"Eee. Nakakahiya." Sabi naman ni Anne.

"Okay lang yan ano ka ba?! Tapos malay mo maipalabas pa yun sa TV." Sabi ko naman.

Napailing na lang siya.

Tuloy lang kami sa pagpapamper ng biglang nagring ang phone ni Anne.

"Hello? ... O Andrew? Ha? Oo kasama ko sila... Oo hindi ako matutuloy tomorrow need mag OT e. Okay lang ba yun? Talaga? Oo sige thanks. Bye!" Nakangiting binaba ni Anne yung phone niya.

Pansin ko lang na sobrang close sila ni Andrew. Tila ba napakacomfortable ni Andrew sa kanya. Hindi ko tuloy magawang maialis sa isip ko na baka may gusto sa kanya si Andrew.

Hindi naman din kasi ibig sabihin na may gusto na ang Lieo na yun kay Anne ay malabo na siyang magkagusto kay Anne.

Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako. Alam ko hindi ito selos.

Hay naku mukhang kailangan ko na atah munang umiwas kay Andrew. Mahirap na, I need to guard my heart.

"Uy natahimik ka?" Puna ni Iya.

Umiling ako. "Wala."

Nakita ko na biglang naningkit ang mata ni Iya. "Hmmm mukhang alam ko na yan. Selos ka no?"

"Hindi ah!" Tanggi ko.

"Mukha nga. Pero wag kang mag alala, walang something samin ni Andrew. Friends lang kami. Tsaka alam ko namang kayo ang may something e." Sabi naman ni Anne.

Tama bang pagtulungan ako?

"Wala kaming something no." Depensa ko.

"Weh?" Sabay nilang sabi.

I rolled my eyes. "Hay naku bahala kayo."

They both chuckled. "Alam mo sis wala talagang something samin ni Andrew kaya wag ka ng magselos."

"Hindi nga ako nagseselos. At tsaka baka ikaw wala kang something sa kanya dahil kay Lieo ka may something. Pero si Andrew? Feeling ko meron." Pag amin ko sa kanila.

Kumunot ang noo nila pareho.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ni Iya.

"He's different when he's with you. Nawawala yung pagiging suplado niya. Sobrang comfortable siya with you. And iba siya pag kinukwento ka niya." Paliwanag ko.

Iya sighed. "Alam mo Alli sure ako ikaw ang gusto ng pinsan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi mo makita yun. He never consider to be in media, but because of you nagpaplano na siya. You know why? Because he wants to be fit sayo. He will everything para maging bagay kayo. Trust I know my cousin very well." Seryosong sabi ni Iya.

Gustokong maniwala kaso wala namang sinasabi si Andrew. Ayokong mag assume. Graduate na ako dun. Ganoon din si Jester before. And ayoko na ulit maranasan ang sakit.

"Iya's right Alli. Me and Andrew are just friends. We are really comfortable with each other because of our personality. I can handle snob people very well. And to tell you honestly Andrew is a hot guy but alam ko hanggang friends lang kami at hindi na pwedeng humigit pa dun. Whether andyan ka or wala. Hanggang dun lang kami pwede. Trust me." Seryosong sabi ni Anne.

Ngumiti lang ako sa kanila. Ayoko na kasing sumagot. Ayoko na din umasa.

"May naisip ako. Let's make a bet. Ikaw ang gusto ni Andrew at hindi ako. Pag ikaw ang niligawan niya magpapapamper ulit tayo at sagot mo yun lahat. And kung ako niligawan niya then sagot ko naman ang pagpapapamper natin." Sabi ni Anne.

"Mukhang sa bet na yan gusto na ni Alli na magpatalo." Asar ni Iya.

"Hay naku. Pero wait lang babawi ako. Pag ikaw ang niligawan ni Lieo sagot mo ang pamper part 3 natin. At kung nagbalikan sila ng ex niya, sagot ko ulit yung part 3 natin. Ano deal?" Sabi ko naman sabay lahad ng kanang kamay kay Anne.

Ngumiti siya. "Deal." Sabay abot ng kanang kamay ko.

"This time mukhang si Anne naman ang gustong magpatalo." Asar ni Iya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Anne na para bang nababasa namin ang nasa isip ng isa't isa.

Tumango ako kay Anne.

"Kala mo kami lang? Pag niligawan ka ni Mavin treat mo ang pamper part 4 natin. At kung hindi ikaw, since we're your friend and you will be kawawa treat na namin ang pamper part4 with make over pang kasama." Hamon naman ni Anne kay Iya.

I saw her blush.

"Mukhang sa mga bet natin lahat ayaw manalo." Then we all chuckled.

Found (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora