Chapter 9: The Unexpected Connivance of the Universe

4.2K 96 11
  • Dedicated kay Karla Ramirez Rodriguez
                                    

WHEN IT RAINS, it pours. Iyon ang kasabihan na napatunayan ni Jacel. Sunod-sunod ang kamalasan na napagdaan niya sa mga sumunod na araw. Mas lumala ang sermon ng kanyang Tiya Auring. Na kesyo ang mahal-mahal na raw ang bilihin ngayon. Madalas ang parinig ng tiyang niya tungkol sa palamunin. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat: ang maging pabigat kahit kanino man. At ang pinakamahirap sa lahat: ang pakitunguhan ang mga taong iba ang paraan kung paano pinalaki, ibang kultura at ugali ang kinamulatan. Umiiyak na lang siya ng palihim sa kanyang kwarto. Masyadong maramot sa maraming aspetong ang kanyang ‘pamilya.’ Doon napagtanto ni Jacel na kahit gaano kaganda ang pakikitungo ng isang tao, meron at meron pa ring masasabi ang mga ito.

She felt so tired, wearied, and played-out.

She was alone. Seemed like the universe was conniving against her.

Alone.

And no one loved her.

“Mahal kita. Tandaan mo iyan,” biglang singit sa kanyang isip. Iyon ang palaging sinasabi sa kanya ng kanyang Nanay. Tipong kinokontra nito ang pagdadamdam niya. Pagkaisip sa kanyang Nanay Marivic, umiyak ng magdamag si Jacel. Miss na miss na niya ang kanyang ina.

Nakasandal si Jacel sa railing sa may corridor ng Saint James University. Hinihintay nila ang kanilang instructor na palaging late kung pumasok. Nakatingin siya sa katabing classroom nila pero tumatagos lang sa kanyang paningin. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa kanyang bisekleta.

She was with KM who was talking to her at the moment but she’s not really listening.

“Jace, alam mo bang kaninang wala ka, pinagalitan kami ng instructor diyan sa kabilang classroom,” sumbong sa kanya ni KM.

“Bakit naman?” walang interes na sagot ni Jacel.

“Maingay kasi kami. Medyo maingay pero sobra pa rin ‘yong sinabi niya sa amin.”

“Maingay naman pala kayo eh,” tugon niya at tumingin ulit sa kabilang classroom.

Not that she was really looking in the classroom. Her conscious mind was rumbling in some issues her life had encountered. That’s why Jacel was shocked at the sight of the teacher gawking at her disgustly.

Lumapit ang babaeng guro sa kinakaroonan nila. Bigla niyang nakilala ang guro. Ito si Miss Purisima Agamata. Ang gurong hinugot sa tadyang ni Chokoleyt at Andres Bonifacio. Chokoleyt dahil kamukha nito ang naturang komedyante. Carbon copy pero female version nga lang. At Andres Bonifacio dahil matapang itong guro, war freak at parang naghahanap lage ng away. Maraming ilag ditong studyante.

‘Oh-oh, this smells trouble, Jace.’

 

“Hindi ba’t sabi kong ‘wag kayong maingay?” bulyaw nito kila KM. Halos mabasag ang eardrums niya sa lakas ng boses ng guro. “At ikaw? Bakit ganyan ka kung makatingin? Kanina ko pa napapansin na iba ang titig mo. Who are you?” baling sa kanya ni Ms. Agamata kasama ang nanlllisik nitong mga mata.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon