Chapter 14: The Unexpected Jealousy

4.2K 93 4
                                    

LUNES. PUMASOK NA tulala si Jacel. Hindi matanggal sa isip niya ang natuklasan niya kagabi. Pagkatapos niyang patulugin si Lindon, paalis na siya nang mapansin niya ang nagkalat na mga gamit ng binata. Inayos niya iyon hanggang sa mapulot niya ang kapirasong papel na bumagabag sa kanya sa buong magdamag.

I love you, GV. <3

Hindi niya lubos maisip na sa apat na salita na iyon, nawawala siya sa katinuan. Ngayon ang malaking misteryo sa kanya: sino si GV? Hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nalalaman kung sino si GV.

“Jace!”

Napalingon si Jacel sa sumigaw. Si Izza iyon kasama sina KM at Hazel. Agad siyang lumapit sa mga ito.

“May isusuot ka na ba sa isang araw?” tanong sa kanya ni Izza.

“Isusuot saan?” tanong niya.

“Remember may school fair tayo sa Wednesday ng gabi at pina-require tayo ng instructor natin na pumunta. May star daw ang mga pupunta,” paliwanag ni KM.

Natawa si Jace pagkarinig ng star na iyon, namimigay ng star ang professor nila sa Accounting. Nagsisilbi iyong rewards nila kapag may maganda silang nagawa. Knowing Izza and KM, malamang pupunta sila dahil mukhang star ang mga ito.

“Anong bang meron sa school fair?” tanong ulit niya.

“Gawad Parangal at Post-Valentine Party iyon. At dahil Dean’s Lister ka, kasali ka sa paparangalan. Ang theme ay Ice Prince and Princess. Parang Frozen lang ang peg,” masayang paliwanag ni Izza.

“Wala akong damit na isusuot. Siya pang gastos iyon kaya malamang hindi na lang ako pupunta,” sagot ni Jacel. Hindi talaga siya umaattend ng mga school activity dahil mga sosyal at mayayaman lang naman ang pumunta roon. Walang siyang pera pambiling damit.

“Ano ka ba, hindi ka pwedeng hindi pumunta. Isa ako sa organizer ng event, you must be there. Don’t worry about your gown, I can provide it,” ani Hazel na nakangiti sa kanya. “And I don’t accept ‘No’ as an answer,” panghihikayat ni Hazel. Hindi niya alam kung may kapangyarihan ba ang babae o wala at napapayag siya nito. Siguro angking talento lang talaga nito iyon.

“Well ano pa nga ba ang magagawa ko. For the sake of friendships and for the stars,” natatawang tugon ni Jacel.

Naghiyawan ang mga kasama niya dahil sa sagot niya. Nagpasama sa kanila si Hazel na kausapin nila ang event decorator para sa activity na iyon. Ipinakilala sila ni Hazel sa lalake na may pangalang Jaybee Baccay. Biglang siyang napamulat nang marinig niya ang pangalan ng lalaking may pusong babae.

‘Jaybee? Tunog GV! At pati ang initials niya Jace, JB sounds like GV!’ babala ng kanyang isipan.

‘Pumapatol ba sa binabae si Lindon? No, I can’t take it!’ kontra niya na nangasim ang mukha.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon