Chapter 8: The Unexpected Devastation

4.5K 129 20
  • Dedicated kay Cynthia Hernandez Lopez
                                    

NASA SCHOOL CANTEEN si Jacel at kumakain. Usually mga average at kagaya niyang ‘scholar’ lang ang kumakain doon. Bihirang makita ang mga mayayamang studyante sa canteen. Makikita mo ang mga ito sa Java Zone o sa Martina, ang dalawang sikat na kainan sa loob ng Saint James University.

Hindi niya kasama si Izza at KM dahil mamayang hapon pa ang klase nila. Nagduty siya kaninang umaga kaya mag-isa siyang kumakain. Inilabas niya ang baong kainin at ang biniling ulam. Gulay lang ang binili niya kasi iyon ang mura. Iyon  lang ang kaya ng budget niya.

Masayang kumakain si Jacel nang biglang may napansin siyang mali. Nawala ang ingay sa kanyang paligid. Ni kalansing ng kubyertos nawala. Tumingin siya sa kanyang paligid.

‘Ano itong mga kasama ko, estatwa?’

 

They seemed to be frozen by someone with a magical power. Nakatingin ang mga ito sa isang lugar. Jacel followed their gaze. And there she saw the most handsome man her eyes had laid on. The always rocker, bad boy and literally someone who flouted convention, Lindon Johann Ong was approaching her table.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napatingin siya sa damit nitong itim. Parang biglang nagkaroon siya ng X-ray vision, nawala sa paningin niya ang damit ni Lindon.

Nanlaki ang mga mata ni Jacel dahil nakikita na naman niya ang magandang katawan ni Lindon.

Ang katawan nitong perpekto.

Ang dibdib...

Ang abs nito...

Ang buhok sa may tiyan nito...

Pababa

Nang pababa..

Napalunok siya.

‘Jacel, you’re hallucinating!’

 

Nagising si Jacel mula sa tila isang spell. Isang spell na gusto niyang magpasa-ilalim ulit. Nasa harapan na niya si Lindon bitbit ang tray ng pagkain nito. Umupo ito sa tapat niya.

“Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal na tanungin ang isang tao na nakaupo kapag gustong umupo?” galit na tanong ni Jacel.

“Hindi coherent ang tanong mo,” ganti ni Lindon.

“Hindi coherent ang ugali mo! Alam mo na ngang may nakaupo at kumakain, dito ka pa umupo.” pagsusungit niya rito.

“Well, hindi ka rin ba tinuruan na ang isang canteen, school canteen for that matter ay pagmamay-ari ng school. That means, any student of this University can use any of its material,” ganting pagsusungit nito.

“Pwede naman sa ibang table ah.” Tumingin siya sa ibang mga table. Puno na lahat.

The Kiss of the Sun and The LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon