1

10.3K 71 1
                                    

Hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti habang tinitingnan sa cellphone ko ang date ngayun April 26,2020.

"Goodmorning Happy Aniversarry Hon Iloveyou" mas lalo akong napangiti nang mabasa ko ang mensahe galing kay Mike agad akong nagreply at binati siya.

"Goodmorning hon Happy Aniversarry Iloveyou so much" hindi rin nagtagal at nagreply ito

"See you later hon I miss you"

"seeyouu"

Tumayo nako sa kama at pumasok na sa C.R para maligo at mag ayos magkikita kami ni Mike at magcecelebrate ng Aniversarry namin.Naalala ko yung binili kong relo sa kaniya talagang pinag ipunan ko yun para sa araw na to sana naman magustuhan niya.

Pagkatapos kong mag ayos handa nako at naghihintay nalang hindi rin naman nagtagal at may nagdoorbell sure nakong si Mike to.

"Hon!" bungad niya sakin sabay yakap ng mahigpit napangiti naman ako. Sa mahigit isang taong relasyon namin hindi parin siya nagbabago malambing parin siya, yung epekto niya sakin pag malapit siya tinatambol ang puso ko.

"Hon! hindi ako makahinga" natatawa kong sabi, bumitaw naman siya at tinitigan ang mukha ko ngumiti siya at agad akong hinalikan,nilabanan ko ang halik at napakapit sa leeg niya

Nang maramdaman kong mauubusan nako ng hininga ako na ang pumutol sa halik at ngumiti

"Namiss moko? hmm? hahaha tara na umalis na tayo at baka san pa tayo mapunta" he smirked

"Dito nalang tayo aniversarry naman natin" nakakaloko niyang sinabi

Kinurot ko ang mukha niya at hinatak na siya palabas ng condo.

Dinala niya ko sa isang Italian Restaurant namangha ako sa ganda nito. Hindi ako bago sa mga ganitong klase ng lugar pero nakakapunta lang ako pag may mga birthdays at inaaya ako ng mga kaibigan ko hindi naman ako mayaman kaya minsan nagtataka din ako bakit ako ang minahal netong mokong nato samantalang magkaiba kami ng estado sa buhay.

Hinayaan ko lang siyang umorder ng mga pagkain at habang naghihintay nakatitig ako sa kaniya at seryoso din naman siyang nakatingin.

"Happy Aniversarry hon" bati niya inabot ang kamay ko at hinalikan napangiti ako ang swerte swerte ko kasi boyfriend ko siya, sweet siya kahit tingin sa kaniya ng iba masungit pano naman kasi palaging walang expression yung mukha pero masaya ako kasi pagdating sakin palagi siyang ngumingiti na para bang kahit di niya sabihin pinapakita niyang masaya siya sakin.

"Happy Aniversarry" bati ko, dumating ang order namin at nagulat ako sa dami ng inorder niya

"Hon? may fiesta ba? hahaha" asar ko sa dami ng inorder niya pakiramdam ko di namin mauubos at sayang lang.

"It's our Aniversarry hon and were going to celebrate" ngumiti siya at nagsimula na kaming kumain.

Naalala ko yung regalo ko sa kaniya at kinuha ko ito sa bag ko, it's Relogio Masculino black watch napangiti ako at inabot sa kaniya.

"Hon may gift ako sayo" sabi ko at kinuha niya naman ito kinakabahan ako kasi baka di niya magustuhan kahit naman alam kong piso lang yung halaga nun sa kaniya gusto ko pading ibili siya yung pinaghirapan ko yung galing mismo sakin.

Tinitigan ko siya habang tinitingnan niya yung watch namamawis na yung kamay ko kasi baka napangitan siya o baka iniisip niya cheap.

"Ahh hon alam ko mura lang yan para sayo ayan lang kasi nakayanan k--"
naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang nag angat ng tingin at ngumiti ang aliwalas ng mukha niya kaya medyo kumakalma nako

"It's beautiful Hon,thank you so much" Tumayo siya at pumunta kung san ako nakaupo niyakap niyako at hinalikan sa ulo pero nagulat din ako ng may malamig na bagay ako naramdaman sa leeg ko kinapa ko ito at tiningnan isa itong necklace na may diamond ring na pendant sa loob may naka engraved na pangalan MikeloveSab.

Naluluha ako sobrang saya ko tumayo ako at humarap sa kaniya agad ko siyang niyakap.

"Oh hindi mo ba nagustuhan? hmm? bat ka umiiyak?" malumanay ang boses niya

"masaya ako sobrang saya ko" hinarap niya ko sa kaniya at pinunasan ang luha ko pinakita niya sakin ang daliri niya meron ding singsing tinanggal niya yon at pinakita sakin ang nakaengraved SabloveMike niyakap ko siya ulit at bumulong

"Thankyou, thankyou so much Hon"

POSSESIVE SERIES1:Mike Anderson Diaz (UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now