Chapter 2:Remafia Academy

6.9K 187 20
                                    

_____

CHAPTER 2: Remafia Academy
_____

A L E X
POV

Nakatanaw kami sa isang malaking gate,ang Remafia Academy.

"Let's go!" aya ni Krystal. Automatic na bumukas ang gate kaya namangha ako.

"Umpisa na yata ng klase kaya walang estudyante, sayang naman." ani Ace, for sure gusto nya lang makakita ng gwapong lalake.

Pumasok kami sa loob at natanaw ko ang medyo kakaonting tao. Mapanghusga ang mga naging tingin nila, akala mo naman ay may ginawa kaming kahusga husga.

"Miss! Ilag!!" Huli na dahil natamaan na ng bola si Yra.

Parang may kung anong bagay ang nakapagpatahimik sa corridor. Ang kaninang mga mata ng iba ay naging gulat na ang expression.

"Tangina naman oh!" umalingawngaw ang sigaw ni Yra. Napangiwi nalang ako, sobrang lakas ng pagmumura nya.

"Sorry, Miss..." lumapit samin ang apat na lalake.
Agad na lumapit si Ace kay Yra ,binulungan nya ito na hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Shit! Ang gwapo. Mag sorry ka Yra,minura mo."

Wow ha, porket gwapo yung nakabato ng plastik bottle ay ganto na kaagad si Ace. Sarap kurutin sa singit.

"Sorry, hindi ko sinasadya..." paumanhin nung lalakeng nakabato.

"Fine!" may inis pa rin sa boses ni Yra at kinurot si Ace sa tagiliran. Halatang halata kasi sa ngiti nito ang pagkakakilig. Maharot talaga kahit kailan.

"Ahm...kung gusto nyo bilang paumanhin sa ginawa nitong si Lester. Ililibre namin kayo kung ayus lang?" Nagkatinginan kaming apat.

Inunahan kona kaagad si Ace ng akmang ibubuka na nya ang bibig.

"Pwede nyo nalang sabihin samin if saan ang headmidtres room?" ang kaninang masayahing mukha ni Ace ay napalitan ng masamang tingin sakin. Lalandi kapa kasi eh hindi nga natin kilala tong mga to...

"Second floor, tas kakaliwa ka. Makikita mo dun yung headmistres room. Well, mukang busy kayo. Sa susunod nalang ililibre namin kayo" yeah, whatever.

Tipid na ngiti nalang ang isinukli namin. Wala kaming balak makipag kaibigan pa sa kanila.
Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan yung pintunan.

"I'm Jendy Francisco" ngumiti ang isang babaeng medyo may edad na.
"Individual or group?" tanong nito.

"Group at magkakasama kaming apat sa room." ani Krystal. Inilapag ko ang mga kailangan ayon sa pag-si-search namin. Agad naman nya itong tinignan.

"Villafuente, are you related to Vince Villafuente?" Tumango naman kaagad kami. Pinasadahan nya kami ng isa pang tingin bago muling ibinalik ang tingin sa mga nakalatag sa lamesa.
Hindi na kami nagtaka pa kung bakit kilala si Papa, matunog kasi ang pangalan nya dahil sa nga business na naipatayo nya dito sa Pilipinas.

"Eto ang susi ng magiging kwarto nyo. Kahati nyo sa kwarto ang Xy, malaki ang room kaya hindi kayo magkakasikipan. Kung may mga tanong pa kayo maaari kayong magtanong sa Xy upang malaman" Agad kong kinuha ang susi at umalis na kami dun.

"Umuwi na muna tayo,ayokong magtagal pa dito." ani Yra.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang bawat classroom. Siguro naman ay may magiging kaibigan kami dito diba? Tsk, sana....

Agad din naman kaming umuwi dahil wala na kaming magsyadong gagawin sa school na'yun. Bukas ay mag-i-istart na kaagad kami kaya dapat na paghandaan.

"Kumain na muna kayo..." pamilyar na boses ang narinig namin mula sa likuran.

"Oh my, Rien!" Agad na tumakbo si Ace papunta kay Rien. Nginitian naman namin sya at agad na lumapit sa kanya. Si Rien yung tumayong pamilya namin simula dati pa, kaibigan sya ni Mama at kagrupo sa Mafia'ng binuo nila dati.

"It's been a long time,huh. Buti at kilala nyo pa rin ako." Nakangiting sabi nito ng nasa hapag na kami.

"Juice nalang," Baling ko sa isa sa mga naglalagay ng inumin sa lamesa. Bumaling ang tingin ko kay Rien.

"Ikaw paba! Syempre dika namin makakalimutan. Kamusta na nga pala, kasal ka naba? May anak?" tanong ni Yra.

"Wala akong balak na magpakasal no. Busy ako sa pag-ma-manage ng business nyo dito sa pilipinas."

"Sorry about that, si Dad kasi." Umiling iling ito.

"No, ginusto ko rin naman para matulungan kayo. Kaibigan ko ang parents nyo at bilang kaibigan ng Mom nyo kailangan ko rin na alagaan kayo" tipid na ngiti nalang ang isinukli namin.

"San nyo balak mag-aral ngayun?" tanong nito.

"Remafia..." anang Krystal.

Napatango tango naman ito. "Dyan kami nag-aral ng Mommy nyo kasama si Jendy, ang bagong headmistres ng Remafia" Kaya pala grabe makatitig samin.

"Siguro ay kilala nya na kayo ngayun, ninang nyo yun eh.." sambit ni Rien.

"Really?" Natatawang tanong ni Ace. Never nasabi samin ni Dad na may ninang pala kami dito sa pilipinas.

"Eh bakit parang di naman kami kilala" i asked.

"Kilala kayo, dont worry. Sobrang close kaya sila ng Mommy nyo."

Natapos ang usapan sa kalagayan ni Dad, hindi pa sya tumatawag samin. Pero sabi naman ni One na ayus lang si dad, si One yung isa sa pinakabatang tauhan ni Dad. Matagal ng hindi nagpakita ang grupo nila Dad pero ang dami parang naghahanap sa kanilang ibang mafia para ano? Para mapataas ang ranking nila sa Mafia world.

"Need ba natin na makipag kaibigan?" tanong ni Yra.

"Pwede wag lang magtitiwala kaagad. Tyaka hindi natin pwedeng sabihin o ilagay ang second name natin. Delikado."

Ang second name kasi namin ang alam ng ibang mafia. Nung pinagbubuntis pa kami ni Mommy isang beses lang kami ipinakita at ang second name lang namin ang sinabi. Delikado kasi at baka mapahamak pa kami.

"Read this" inilabas ko mula sa bag ang isang pirasong papel.

"Ano to?," tanong ni Ace.
"Basahin mo na lang kaya. Pinasagutan yan sakin kanina."

"Blackjack group. Consist of 4 members,
1.Krystal Villafuente " Shadow"
2.Alex Villafuente "Bullet".
3.Ace Villafuente " Trouble"
4.Yra Villafuente "sword"
Class A,dorm #21. Rank 15 in class A.

"Rank 15?" binalingan ako ng tingin ni Ace.

"Ang bawat estudyante mapagrupo man o hindi ay nasasali sa rank. Hindi ko alam kung bakit nasa class A kaagad tayo. Sa Yg school may apat na klase para sa mga grupo, apat o lima lang sa bawat grupo. Una ay ang Class A, dyan nakaroom ang pinakamataas o kinakatakutan. Class B, magagaling ngunit hindi kasing galing ng class A. Sa class C naman ay ang mga grupo na madalas nasa guidance at hindi sumusunod sa rules. At last ang Class D na kung saan matatalino ang estudyante ngunit ayaw mapasabak o masali sa class A hanggang C. In short ang mga nandyang estudyante ay napilit lang na mag-aral dyan dahil sa utos ng magulang."

Agad akong kumuha ng tubig at uminom. Napagod ako kakasalita.

"Let's sleep, maaga pa tayo bukas" ani Krystal ngunit hindi namin sya pinansin, agad na kinuha ko ang unan na malapit sakin at agad sa kanyang hinampas, kumuha din naman sya at ginantihan ako. Tatawa tawa pa kaming dalawa habang naghahampasan kaming dalawa, nagkatinginan kaming dalawa bigla tyaka nagngisian sa isa't isa.

Lumapit kami kala Ace at Yra na agad sanang tatakbo ng mahampas na kaagad namin sila. Naghampasan lang kami hanggang sa mapagod kaming apat sa kakahampas, ilang hampas din ang natanggap ko mula dito sa tatlong ito.

The Four Mafia Girl's [Published Under Dreame]Where stories live. Discover now