“Kayo po ba si RB Santiago?” tanong niya at tinignan pa nga niya yung pangalan ko sa papel na nasa ibabaw ng box na hawak niya.

“Ako nga kuya. Anong meron? Bukod sa kagandahan ko?” tanong ko.

“Hoy RB! Wag mo ngang takutin si kuya. Aga-aga nito!” pabirong singit ni Ate Tina.

Tumatawa-tawa naman si kuya. Ang saya niya lang oh. Hahaha. Lakas ko talaga makahawa.

Masaya ako eh. Si Charles kasheee eehh!! At isa pa, wala ang mabait kong tatay. Kaya GV lang.

“Ahmmm. May delivery po para sa inyo. Dito na lang po kayo pumirma.” Sabay turo sa ibabang part nung papel.

Pumirma naman ako kaagad. Diba ganun sa mga palabas. ‘Di na binabasa kapag may delivery sa kanila. Ginaya ko lang. ^_______^

Pagkaabot ni kuya delivery man ng box sa’kin, umalis din siya kaagad. Ako naman ipinasok ko yung padala sa bahay. Inilapag ko dun sa centertable namin. Parang box ng damit yung nakita ko, at pagbukas ko, box nga siya ng damit. Tss. Nadisappoint naman ako. Tama yung hula ko eh. Tss.

Kinuha ko yung note na nasa ibabaw ng damit,

 

Wear this on our date tonight…

I’ll pick you up at 6pm sharp.

 

                                -love Charles

Date? Tonight?? Grabee naman, di ako prepared?

Kinuha ko yung damit sa box.

Seryoso ba siya???!! Bakit naman… aatend ba kami sa isang costume party????

Shut Up or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon