"Siguro iniisip mo kung bakit ko alam noh?" tanong niya, nagnod nalang ako

"kung tungkol yun kay Daniel, mabilis iikot ang balita. Alam mo idol kita, wala pa kasing gumagawa nun sakanya. At least natauhan na hindi lahat ng babae gusto siya."

"Sus. Yun? Gusto ng mga babae? Oo sabihin na nating gwapo, sabihin na nating ma angas. Kamusta ugali?" tanong ko

"Hindi ko rin gets eh. Speaking of the devil"

Biglang may pumasok na grupo ng lalake, nasa harap si Daniel. Halos ako lang yung babae sa loob ng court na hindi sumigaw ng pumasok yung grupo. Anong meron?

"Jake, bakit sila sumisigaw?"

"Yan yung mga may gusto kay Daniel. Lahat yang mga babae na yan, ni isa hindi nagustuhan" sabi niya

"Ano ba yan. Ang choosy niya naman, maganda naman yung mga babae ah."

"Player rin kasi yan, wait lang ah diyan ka lang." tapos lumakad siya palapit kila Daniel. I smell trouble.

Medyo pakeelamera ako so lumapit ako

"Pwede bang umalis kayo, maglalaro kami ng mga tropa ko." sabi ni Daniel

"Kami ang nauna dito, hindi ka namang pwede magpaalis nalang. Hindi mo to pagmamayari." sabi ni Enrique

"Hinahamon mo na ako ngayon ah?" angas talaga nitong Daniel na to

"Kung babae kaya kang sagutin, pano pa kaya ako?" sabi ni Enrique.

And since I'm a little bit pissed, nakisingit ako.

"Ano bang meron? Basketball court lang magaaway agad? May mga sira ba kayo?" yan ang tanong ko, which caused them to laugh.

"Ikaw nanaman? Bakit ba sobrang angas mo?" tanong ko sa magaling na Daniel

"Eh no bang pake mo? Sabi ko sayo diba baguhan ka lang, kilalanin mo kung sino bubungguin mo." sabi ni Daniel

"Teka lang ah. Bakla ka ba? Kasi kahit babae papatol ka?" tanong ni Enrique

"Eh ano? Gusto mo sayo nalang?" sabi ni Daniel palapit kay Enrique. Now I feel guilty I might be the one who'll start the fight. So one thing came on my mind bago pa sila magkalapit sumiksik na ako, nakaharap kay Daniel. With my hand on his chest, signaling him to stop.

"Look I'm sorry if I pissed you earlier, ang taray taray mo kasi eh, sana nagsmile ka nalang. At

wag ka na magsimula ng away pwede naman kayong maglaban sa basketball diba?" sabi ko kay Daniel with pleading eyes. Sabay tumalikod nalang at nagsabi

"Basketball nalang. Ano game kayo?" pero may taray pa rin sa boses niya na ewan.

Pinanood ko sila maglaro ng basketball. Mas intense pa sa kanina. Nung natapos na yung game around 6 na. Lumapit sakin si Enrique

"Gabi na. Hatid na kita saan ba street mo?"

"Hindi na kaya ko naman eh. Sa Abelardo street ako number 23"

"Sure ka?"

Nagnod nalang ako. Nagstart na akong maglakad. Super ang dilim pala dito ang creepy. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Dapat pala nagpahatid na ako, pakipot ka pa kasi Kath eh. Bwisit! Bakit parang may naririnig akong footsteps? Tumingin ako sa likod, may lalake around twenties, sinusundan ako. Binilisan ko nalang lakad ko, binilisan niya rin. Tumakbo na ako, tumakbo rin siya. Mamatay na ba ako? Tapos bigla akong hinawakan sa kamay nung lalake.

"Ganda mo ah, nakajackpot yata ako ngayon." his breathe smells like alcohol

"Bitawan mo ko, marunong ako mag taekwando." This is a lie

"Pakitaan mo nga ako ng moves mo." and with that his hand starts to roam my body in unwanted areas, ako naman tinutulak ko siya napapaiyak na rin ako kasi his going to take my innocence. And that's something I can never take back.

"Bitawan mo siya." may nagsalita, si Enrique ba? Hindi eh pero parang familiar yung boses.

Hindi parin ako binibitawan. Tas naramdaman kong may humila dun sa lalakeng nakahawak sakin. Nung narelease na ako, nakita ko na ang Knight-in-shining armor ko Not really. Si Daniel . Ang galing niya makipag suntukan. Nung natapos siya, halos wala siyang galos sa muka niya, Parang walang nangyari. Tumingin siya sakin, tas dun sa lalake.

"Hayaan mo nalang siya diyan." yan lang sinabi niya tas naglakad, naalala ko na tong street na to and alam ko na kung saan ako dadaan. Naglakad nalang ako, nasa may harap ko si Daniel, pareho yung way namin. Nung nakita ko na yung sign na Abelardo, nagturn rin siya dun.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Daniel.

"Hindi noh, wag ka feeler. Abelardo street ko." nag dead air. And narealize ko yung mga ginawa niya para sakin. Whether I like it or not, he saved me from getting raped

"Thank You nga pala. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat." sabi ko.

"Wala yan. Alam mo ang tanga tanga mo. Alam mong gabi na hindi ka pa nagpahatid sa Enrique mo." yan ang sinabi niya walang welcome or smile.

"Eh hindi ko naman alam na ganito pala dito. And why do you have to be such an asshole? Why not just say Welcome or smile!" nagstop na ako maglakad kasi nasa tapat na ako ng bahay ko. Tapos bigla rin siyang nagstop sa may katabi ng bahay namin. Magkapitbahay kami.

"Bahala ka diyan. Basta wag mo nalang babanggitin yung mga nangyari ngayon kundi patay ka sakin." nangthreat pa siya

"Sa tingin mo ba may gana pa akong sabihin yun kung ikaw pala yung magliligtas sakin. Wag na!" Pumasok nalang ako ng bahay ko papunta sa kwarto ko. Wala na akong ganang kumain. Wala namang pagkain since wala yung mom ko dito. Kaming dalawa lang ng bestfriend ko ang nakatira dito si Julia.

Inaantok na ako. Makatulog na nga.

The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon