Doubt

1.7K 60 0
                                    

After their dinner, kinuha na ng hotel staff ang kanilang pinagkainan.

Habang tumatagal ang oras, nakaramdam sila ng antok.

"RJ, inaantok na ako tulog na ako ha.!!"

"Oo, ako din matutulog na rin ako."

Humiga sya sa couch.

"RJ?!"

"Hmmmm."

"Siguradong maayos ang lagay mo dyan.?"

"Oo. Okay lang ako."

Nakatulog silang dalawa.

Makalipas ng ilang sandali, nakarinig si Maine ng isang ungol. Nabahala sya sa tunog na yon kaya nya binuksan ang ilaw at tiningnan ang kasama sa kwarto.

Napansin nyang nanginginig sa lamig ang kasama, kaya niya ito kinumutan. Pagkatapos nito bumalik sya sa kanyang higaan.

Hindi sya makatulog dahil nakokonsensya sa kalagayan ng kanyang kasama.

"Rj??!"

Tinapik nya ang kanyang kasama pero hindi ito umiimik.

"Rj??!"

"Hmmmm."

"Doon kana sa tabi ko matulog maluwag naman doon."

"Huwag na dito na lang ako."

"Halika kana mas magiging maayos ang lagay mo don."

Dahil sa pangkukumbinsi.. Tumayo ang kasama at lumipat sa kama.

"Sure ka .. Promise hindi ako lalapit syo.."

"Oo nga. Huwag ka nang makulit. Concern lang ako syo."

'Concern sya??!'

"Concern ka sa kin??!!"

"Ahhh.. Oo"

'Shet ba't ganito... Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko'

"Maine okay ka lang.."

"Ahh... Oo... Sabi ko concern ako kasi siyempre partner kita sa project na gagawin natin. Baka hindi natin magawa ng maayos ang project kung hindi maayos ang kalagayan mo."

'Project lang pala'

"Ahh ganon ba??!! Sige matulog na tayo."

Humiga sila sa magkabilang dulo ng kama.

******************************

"Maine??!"

"Ano?!"

"May sasabihin sana ako sayo ..... Ay hindi pala .... No wala.. !!"

"Ano ba RJ huwag ka nang mahiyang magsabi sa kin kung ano man yang nasa isip mo."

"Baka kasi magalit ka o kaya hindi mo to tanggapin."

"Maine?!".

"Hmmmm.??!"

"Will you be my girlfriend.??"

Nagising sya sa kanyang panaginip. Tinignan nya ang oras at alas dos palang ng madaling araw. Lumingon sya sa kanyang kasama at nakita nya itong mahimbing na natutulog.

"RJ... Bakit ganito ang nangyayari sa akin... Ano bang ginawa mo sa akin at marami akong naiisip na kababalaghan tungkol sayo.?! Hindi pwedeng magka gusto ako sayo.. Agghhh!! Ano ba Maine, hindi mo sya mahal.. Hindi."

"Hmmm....Maine ano ba?!! Ang ingay ingay mo?!!"

"Ahhh..  Sige tulog na tayo."

'Wait narinig nya ba lahat ng sinabi ko?? Haluh... Kung ano pang sabihin nya.'

"Ahh.. RJ??!"

"Maine, bukas na tayo magkuwentuhan okay. Hindi pa nagpapakita ang araw at tsaka maaga tayo bukas para gawin yung project natin"

"Okay sige tulog na tayo."

Hindi nasasapian ng antok si Maine habang si RJ naman ay nagpapakasarap sa tulog.

"Ano ba to?! Hindi ako makatulog habang tong kasama ko himbing na himbing. Kanina hindi matigil-tigil sa nginig ngayon sobrang komportable. Bwisit..."

Sa pag-aakalang hindi sya aantokin, nakaramdam din sya ng antok.

Nakalipas ng ilang segundo,minuto,at oras; unang nagising si Maine.

Nagulat sya at kinabahan dahil nakaramdam sya ng braso na nakabalot sa kanyang katawan.  Di nagtagal, mas kinabahan sya dahil maramdaman nya ang hininga ng binata sa kanyang batok. Kinalma nya ang kanyang sarili.

'Maine, chill and don't panic. Kala siguro nito eh unan ako.'

Hindi nya mapigilang mapasigaw dahil naramdaman nyang hinalikan sya ng binata sa kanyang balikat.

"Hoy!!!! Ano ba???!!!"

"Bakit??! Anong nangyari Maine?!! Anong problema?!!"

"Ikaw!!"

"Bakit ako?!"

"Sabi ko ikaw ang problema ko."

"Pano ka nagkaroon ng problema sa kin?!".

"Ikaw kasi dinedeny mo pa na hindi mo ako pinagnanasahan pero ngayon yinayakap mo ako at hinalikan mo pa ako sa balikat, hindi ba yon nagpapakita ng pagnanasa..?!! Ha??!"

"Ginawa ko ba yon??"

"Oo. Bastos ka!!"

"Maine, mali yang ini-isip mo. Sinabi ko na noon sayo na hindi kita pinagnanasahan."

"Ehh, bakit ganon ginagawa mo sa kin?!"

"Kasi akala ko ikaw yung teddy bear ko na katabi ko matulog..

"Teddy Bear?? Ano ka bata?"

"O....oo..??"

"Kahit pa!! Bakit hinahalikan mo ang teddy bear mo.? At bakit life size ba ang teddy bear mo?!"

"Oo, hinahalikan ko ang teddy bear at yinayakap.?"

"Ahhh. Alam ko na hindi yun teddy bear.?"

"Eh ano kung hindi yun teddy bear?"

"Babae.. Ano pa nga ba? Ikaw talagang lalake ka ang landi landi mo... Baka ilang babae na ang nakakita ng kwarto mo at yang pagkalalake mo at tsaka lahat na ng babae mo nag-aaway na."

Napangiti si RJ sa kanyang naririnig sa dalaga kaya ito nagpunta sa likod ng dalaga.

Habang nagsasalita sya bigla syang humarap sa binata at mapatigil sya sa pagsasalita dahil sa pagkagulat nya nang makita nya ang mukha ng binata na sobrang lapit sa kanyang mukha.

"Bakit nagseselos ka??"

'Oo, RJ your such a jerk. Lumalalim na ang pagtingin ko sayo'

*****************************

A/N: 😄😄😄😄 sorry super sabaw

If you had suggestions for the plot of the story kindly pm me on facebook Cessa Paraoan or dm me in twitter @cessa_23 and follow nyo narin ako...😜😜😘😘

Tenerife SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon