Tinignan ko lang sya na kunyari hindi ko naiintindihan yung tinging ibinibigay nya sa'kin. Kahit sino naman kasi hindi mapapaalis yung lalaking katabi ko eh >,<

Tinignan lang sya saglit ni Zoid tapos sa stage na. Naman! 

Wala ng ibang nagawa yung lalaki kundi ang umupo kung nasaan yung bag nya. Siniko ko sya kaya naman tumingin sya sa'kin and gave me a "what" look.

"Sya kaya yung nakaupo dyan." sabi ko na medyo bulong.

" Gagawin ko?" sabi nya tapos tumingin na ulit sa stage.

Bakit na naman ba ang init ng ulo ng lalaking to?

"I love you, mahal kong bespren!" Ayan yung huling sinabi nya bago nagstart yung music.

Ini-enterpret nya yung statue and it was like . . . woooh! Amazing, dre! Halos lahat ng tao dito sa auditorium, todo focus sakanya. Ang hot nya sumayaw, men!

Nung malapit ng matapos sa pagsayaw si Aldrich, tumayo si Zoid at lumabas na ng auditorium.

"Problema nun?" tanong ko sa sarili ko.

Bumalik naman sa tabi ko yung lalaki kanina. Maya-maya, naramadaman kong kinakalabi nya ko.

"Ano ba! Wag ka ngang magulo. Nanonood ako eh."

"Miss, yung bag mo."

"Nandito. Wag kang magulo."

"Hindi. Yung bag mo."

"Nandito---" Napatigil ako dahil ng kapain ko yung gilid ng kinauupuan ko, wala yung bag ko. Naman eh~ "Nasaan yung bag ko?"

"Kinuha ng lalaking nakaupo kanina dito."

"Argh! Zoid talaga! Bakit di mo sinabi?"

"Kanina ko pa nga sinasabi pero ayaw mo magpa-istorbo eh."

 Napa-tss nalang ako.

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now