"Nasabi mo na ba kela Mama na uuwi tayo ng Bantangas?" Pag o-open niya ng topic.

"Hindi. Ang plano ko surpresahin sila."

"Mmm. Magandang idea 'yan."

"Tama ka." Na i-imagine ko na 'yung mukha nila na nabigla sa pag bisita namin, hindi ko maiwasang mapangiti.

"Mas okay talaga kapag naka ngiti ka." He comments. Tumingin lang ako sa kanya, tumingin siya direkta sa labi ko. Hinawakan niya 'ko sa chin at dahan-dahan niyang inilapit ang labi sa labi ko para halikan ako.

Hindi na 'ko nag pakipot at binalik ang halik na binigay niya sa'kin. It's just a long and gentle kiss.

"Mamaya na kaya tayo kumain?" He said making me giggle.

"Ngayon na, nagugutom na 'ko."

He grins. "Okay." Pagsangayon niya. Oh good! Akala ko ipipilit pa niya eh. Gutom pa naman na 'ko, tinitiis ko lang dahil sa badtrip kong mood kanina.

Sa pagsisimula naming kumain, focus lang ako sa kinakain ko. 'Yung asawa ko tahimik lang din naman sa kinakain niya.

Sa pagtapos kong kumain, syempre ang una kong haharapin ay ang hugasan habang 'yung asawa ko mag aasikaso sa pagshower.

Sa pagtapos ko namang mag hugas. Bitbit ko lang 'yung pa-paper flower ng asawa ko sa'kin papuntang sala. Pag dating ko dun, patay na 'yung Dvd, siguro pinatay ni Damon bago pumasok ng kwarto.

Binitbit ko nalang din 'yung librong binabasa ko kanina papunta sa loob ng kwarto namin. Dumiretso ako sa side table at nilapag dun ang libro tsaka ko pinatong ang bulaklak.

Kinuha ko lang sandali 'yung pinag hubaran ng asawa ko na damit tsaka ko 'to nilagyan sa labahan namin. Nang magawa ko 'yun humiga naman agad ako sa kama.

Ilang sandali lang din naman lumabas na sa bathroom ang asawa ko habang nag pupunas ng buhok niya. Umupo lang siya sa gilid ng kama habang nag pupunas ng buhok. After niyang magawa 'yun sinabit niya lang 'yung tuwalya tsaka siya lumapit sa kama at tumabi sa'kin sa pag higa.

"Inaantok ka na?" Tanong niya sa'kin.

"No."

"Mmm. May sasabihin pala ako sa'yo. Tingin ko dapat 'to ngayong sabihin dahil malamig na ang ulo mo."

"Ano 'yun?" Kunot noo kong tanong.

"Kanina kasi habang nasa lunch break ako, nagkita din kami dun ni Lexi at nakita niya 'kong gamit ang cellphone ko dahil katext kita. Ini-open niya ulit ang tungkol-"

"Diretsahin mo na nga lang!" Inis kong sabi. Narinig ko palang na binanggit niya si Lexi nainis na talaga ako.

"May number ko na si Lexi sa cellphone niya."

"What?!!!" Gulat kong tanong tsaka ako umupo at sinamaan siya ng tingin.

"Wala na kasi akong maisip na pwedeng idahilan sa kanya kaya wala na 'kong choice kundi ibigay ang number ko sa kanya."

"Wala kang choice o talagang gusto mong ibigay?"

"No!"

Humiga nalang ulit ako dahil sa sobrang inis pero 'yung posisyon ko patalikod sa kanya. "Number lang naman 'yun baby." Dinig kong sabi niya.

"Oh, really? Paano kung ibigay ko din number ko kay Ian? At sabihin kong number lang naman 'yun? Matutuwa ka ba?"

I heard him, sighed. "Okay, I get it. I'm sorry, wala lang talaga akong choice." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin mula sa likod at paghalik niya sa balikat ko. "Please baby, 'wag ka ng magalit. Alam mo namang ayokong nagagalit ka sa'kin diba?"

"I hate that you making me jealous."

"Hindi ko intensyong gawin 'yun baby. Alam ko kung anong pakiramdam ng mag selos dahil naka dikit na 'yun sa pangalan ko remember? Kaya hinding-hindi kita pagseselosin dahil ayokong maramdaman mo 'yun." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.

"Sorry na baby." He apologized again.

"Fine, you're forgiven."

"Para makapante ka, let's exchange cellphones for a while."

"No, i trust you." Humarap na 'ko sa kanya at yumakap na lang din sa kanya. "Kapag tinext mo siya kahit isang beses lang, i swear i will kick your balls." I warned making him laughed.

"I'm serious!!" Loko 'to! Pagtawanan daw ba 'yung sinabi ko? Kung sabagay nakakatawa nga naman 'yun.

"Okay, okay." He said laughing. He kissed my forehead. "I love you Mrs. Lawrence."

"Mmm." I just hummed.

"I love you." He said again.

"Mmm." I hummed again. Paniguradong hindi na naman 'to titigil hangga't hindi ako nag i-i love you too at gusto ko 'yun.

"I love you."

"Mmm!"

"I love you."

"Mmm."

He chuckled. "I love you."

I smiled. "Mmm."

"Are you toying me?" He asked.

"Angal ka?"

"No. I love you."

"Mmm."

"I love you."

I kissed his chest. "I love you too."

--

Keep voting. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now