2 Pride and Fried

50.9K 1.1K 34
                                    

LAUREN POV

Nagluluto ako ng breakfast ng may biglang humawak sa bewang ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagluluto ako ng breakfast ng may biglang humawak sa bewang ko. Napaigtad ako sa gulat at napatingin sa lalaking tumabi sa akin. Bigla bigla ang kabog ng dibdib ko sa paghapit nya sa bewang ko na iyon. Ramdam ko ang init ng palad nya na dumampi sa balat ko na nagpapakuryente sa tagiliran ko. Naka-crop top at shorts pa naman ako.

"What's for breakfast?" Ani Heath sa tabi ko. I shoved his hands away and side stepped. Hindi ko alam bakit inis na inis ako sa lalaking ito. Siguro dahil lagi syang touchy sa akin na ayaw na ayaw ko. I find his gestures alarming and uncomfortable.

I didnt even answered him as he looked at me, naroon nanaman ang pilyong ngisi nya. Inirapan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagpiprito ko ng bacon.

"Did you enjoy your sleepover?" Matigas na tanong nito sa akin contrast sa naglalarong ngisi sa labi nya.

"Pwede ba Heath, umalis ka sa harapan ko. Ang aga aga binubwisit mo ko." Iritableng sabi ko

"Tsk... always so grumpy Lauren. Even after having sex last night with my cousin, you're still cranky? Do it with me and you'll be smiling like silly all through the day." Anito at tumawa pa sya ng malakas habang gulat na gulat ako sa sinabi nito.

"Ang dumi talaga ng utak mo! Umalis ka na nga dito bago pa kita masaksak ng syanse!" Inis na inis na sagot ko sa kanya habang hawak hawak ang siyanse sa harap nya.

"Lauren, I can satisfy you like no one else can, and you will come back begging for more. Think about it." Anito sabay kindat pa, tumalikod din sya agad at naglakad na sya palabas, lalo akong nagngitngit sa galit sa bastos na lalaking yon.

"Fuck off dickhead!" Sigaw ko pa pero di na sya lumingon, tumawa lang sya na lalong nagpaasar sa akin.

Grr.... ang bastos talaga ng lalaking yon! Anong tingin nya sa sarili nya God's gift to women?! Ang taas ng tingin sa sarili! As if namang papatol ako sa kanya!

Heath thinks that Levi and I are more than friends. Who wouldnt? Even my friends think that Levi and I are fvck buddies. Hinahayaan ko na lang sila sa gusto nilang isipin. Basta masaya ako na malapit ako kay Levi, okay na ako doon.

Pagkatapos maluto ay inakyat kong muli si Levi, lumipat na din pala ito ng kama, siguro ng hindi maging komportable ang tulog nya sa couch nya.

"Lev, come on, get up! Let's eat breakfast, nagluto ako." Sabi ko sabay himas sa likod nya, nakadapa kasi sya, narinig ko syang umungol.

Damn! Napakasexy pati pag ungol nya!

"Come on levi, get up!" Malambing kong sabi sa kanya na ikinamulat na ng mata nya.

"Ren? What time is it?" Anito habang tumitihaya

"Past six. Come on get up na, baka malate ka pa sa trabaho." Feel na feel ko ang panggigising sa kanya. Feeling ko ako ang may bahay nya. Kinikilig talaga ako habang ginagawa ko yun.

"Okay. Mauna ka na Lauren sa baba, maliligo lang ako." Nakangiti ding sabi nito. Tumayo na sya at dumeretso sa banyo habang pinapanood ko sya.

Shit! Ang gwapo naman nya sa umaga! Nakakakilig!

Dumeretso na ako sa dining area, nadaanan ko pa sa couch si Heath na nakataas ang paa at nanonood ng tv.

Balasubas!

Nakakairita talaga ang presensya ng mokong na yun.

Inayos ko ang table at naglagay ng mga plato. Nilagay ko na din ang niluto ko doon, fried rice, egg, hotdog and bacon.

Nakita ko ang pagbaba ni Levi, naka ligo at naka suit na sya. He looks so handsome. I smiled at him and he smiled back ng biglang humarang si Heath at napawi ang ngiti ko. Dumeretso si Heath sa pag upo sa harap ng lamesa at walang pasabing sumandok sya ng kanin. Hinintay ko muna makaupo si Levi at pinagsandok ko sya ng kanin at nilagyan ko ng ulam ang plato nya.

"Mukhang masarap ah." Ani Levi sa masigla nitong tono

"Syempre. Kaya kumain ka ng madami." Aniko kay Levi sabay kindat pa

"Its just fried. Nothing special about it." Panira na sabi ni Heath na ikinatawa naman ni Levi at ikinasimangot ko.

"Hoy heath! ikaw pa nga unang kumain dyan! Ako wag mong bwisitin ha, baka hindi kita pakainin ng 'its just fried' na sinasabi mo!" Inis na sabi ko na ikinakibit balikat lang ni Heath.

Narinig ko ang mahinang tawa muli ni Levi habang sumusubo

"Kayong dalawa, tigilan nyo na ang singhalan nyo, para kayong asot pusa." Nagtatawang sabi ni Levi.

Nagkatitigan lang kami ni Heath. He smirk at me at inirapan ko naman sya.

Hating Heath (COMPLETED)Where stories live. Discover now