KUYA

52 0 0
                                    

Kamakailan lang nakita ko sa Facebook post niya na papunta siya ng Tuguegarao. Ito na ang pangalawang beses niyang pupunta sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-alala sa iba pang impormasyon na pinost niya sa FB. Nagpost si kuya ng "Starting Over Again here in Tuguegarao".

Limang taon na kaming hindi nagkikibuan sa tuwing magagawi siya sa amin. Sa kabila ng pinagdadaanan naming magkakapatid pride pa rin ang higit na nangingibabaw. Gustong gusto ko na batiin siya, maski man lang kamustahin siya sa kanyang trabaho pero hindi ko magawa dahil marahil takot din akong balewalain lang niya. Nagdaan ang ilang pasko at bagong taon ng hindi namin siya nakakasama. Wala kaming narining na balita kung saan talaga niya ipinagdiwang ang mg araw ng pasko at bagong taon na nagdaan. Madalas naiinis ako kay papa kasi sinasabi niyang hindi kumpleto ang saya ng mga okasyon dahil wala ang panganay niyang anak...wala raw ang paborito niyang anak. Naiinis ako kasi bakit kailangan pa niyang sabihin yun. Paborito niya ang kuya, eh samantalang hindi nga sila naguusap. Matagal ko nang binigyan ng celphone si papa pero ni hindi man lang nagawa ng kanyang paboritong anak na kunin ang number niya o number ng mga kapatid ko para naman makamusta niya kung may kinakain pa ba sila papa.

Isang araw dumating si papa sa bahay may mga bitbit na kung anu-ano para sa aking mga anak, at para sa lahat ng aming kapatid. Padala daw iyon ni kuya dahil nagkita raw sila sa Market Market kung saan malapit ang pinagtatrabahuhan ni papa. Agad akong pumasok sa kwarto naming magasawa at ayoko ng alamin pa kung kasama ako sa may pasalubong kasi mula ng magaway kami hindi na talaga ako nakakasama sa mga taong nireregaluhan niya. Maya maya ay pumasok ang 2 kong anak at tuwang tuwa sa nakuha nilang pasalubong isang malaking inflatable na swimming pool para sa aking panganay at barbie doll naman sa aking bunso. Agad kong sinabihan ang aking mga anak na magpasalamat at itext yung dating number ni kuya na nakasave sa cp ko. Bago pa man masend ng bunso kong kapatid ang text at tumawag si kuya sa celphone ni papa at gusto raw makausap ang mga anak ko. Sobrang sabik na nagtakbuhan ang mga bata papunta kay papa para kausapin si kuya. Biglang nagbiro ang asawa ko sa akin. "Kausapin mo ang kuya mo mukhang miss na miss mo na eh, nangingilid na sa gilid ng mga mata mo yang mga luha oh!" sabi ng mister kong nagmamasid pala sa mga reaksyon ko habang nagiimpake ng maleta niya kasi bukas babalik na naman siya sa Saudi. Para hindi mahalata dinahilan kong ang pag-alis talaga niya ang ikinaluluha ko pero hindi totoo yun kasi sa mga oras na iyon hindi ko alam pero namiss ko ang kuya...maalala ko nung mga bata kami at maski nung kami pa lang ang teenager sa 8 magkakapatid.

Matalino si kuya. Hindi man kami parehas ng public high school na pinagaralan pero magkalapit lang. Sa tuwing uwian ko na  agad akong dumidiretso pababa ng eskinita sa baba lang kasi ang school nila para puntahan siya sa science high school ng lungsod namin. Madalas naiinis ako kasi kahit uwian na nila magaantay pa ako ng matagal dahil sa dami ng extra-curricular activities niya gaya ng pasasanay sa pagtatalumpati, minsan naman ay may meeting pa sila ng student council nila at siya ang presidente nito o kaya naman maraming lower batch students ang nakikipagkwentuhan pa sa kanya. Ubod ng bait ng kuya sa eskwelahan bago umalis hinding hindi niya pwedeng pagpaalaman maski ang mga gwardya, janitress at maging ang paborito niyang tindera ng palamig sa gilid ng eskwelahan nila. Charming naman si kuya pero naiinis ako bakit kailangan ako ang magsakripisyong antayin siya pero buti na lang at nung nag 3rd year high school na ako nabago na ang schedule ko. Panghapon na ako kaya halos kung minsan o sa madalas si kuya ang umaakyat papunta sa school namin dahil mas nauuna ang uwian niya. 

Dahil sa madalas nga sa iskul si kuya, naging interesado sa kanya ang mga barkada ko mapababae man o mapabeki man. Itong si charming for all naman magaling talaga at bilib ako kasi napakisamahan din niya lahat as in lahat ng mga barakada ko. Tanging ayaw ko lang sa pagtambay ni kuya sa eskwelahan ko ay yung siya mismo ang kumikilatis sa mga nanliligaw sa akin. Isa akong cheer leader sa aming batch at di talaga maiwasan na lapitan ako ng mga varsity players. Hindi ako yung tipo ng babae naman na basta basta nagpapaligaw kaya naman inis na inis ako pag may mga lalakeng umaaligid at nagpapaalam kung pwede bang manligaw. Alam ko alam to ng kuya ko kaya naman siya mismo minsan nagpapaalala sa akin na huwag naman maging mataray at baka sa kanya bumalik ang karma. Hanggang sa magkaroon nga kami ng kanyan-kanyang partner nung hayskul. Si kuya agad ang nilapitan ko ng makapagdesisyun akong sagutin na ang top 1 ng batch namin. Kilalang-kilala ni kuya ang naging boyfriend ko noon dahil naging kalaban niya ito sa mga talumpatian at bumilib siya dito kasi kahit 3rd year lang si bf at 4th year si kuya ay tinalo niya ang kuya sa isang kompetisyon at ang manliligaw ko ang nagkampyon at nagrepresenta sa lungsod namin sa national level ng competition.

Nang magbreak up kami ng bf ko nung gragraduate na kami ng hayskul ay kay kuya din lang ako tumakbo noon. Kanino pa ba ako hihingi ng lakas sa panahong parang sasabog sa sakit ang puso ko at halos mabaliw ako sa sakit ng biglang pagiwan ng boyfriend ko sa akin. Kung kailan pa kami gagraduate saka pa siya mangiiwan. First time ko din nakarating ng UP Diliman noon. Sobrang hiyang hiya ako noon na nasa all boys dormitory pala si kuya at dahil gabi na nga at parehas kami walang pamasahe ng gabing iyun pauwi sa amin, sa may room na lang niya ako pinatulog kahit may 3 pang lalake siyang kasama sa room. Nang pumasok nga ako sa kwarto nila para akong pumasok sa lungga ng mga ahas nagkalat ang mga damit pati mga briefs na basa na nakasampay sa hospital bed na may lalagyan ng dextrose. Tinanong ko kay kuya kong hospital bed nga ba ang tinutulugan nila at sabi naman niya oo daw kasi ang balita nila during world war II ay ginamit ang mga kamang yun at nung matapos nga ang giyera at dinonate sa unibersidad. Malaki ang kwarto pero may kalumaan na apat na kama ang nasa loob at katabi ng mga kama ang kani-kaniyang study table na halos bulok na ang mga paa ng lamesa at binalutan na lang ng dyaryo and ibabaw ng lamesa. Iskolar si kuya sa UP at kasama ang housing sa mga benepisyo niya bilang scholar sa mga panahong yun 175 lang daw ang bayad nila kada buwan. May mga computers ang tatlong kasama ni kuya sa room at ayon na rin kay kuya unlimited ang kuryente nila. Naawa ako noon kay kuya kasi sa apat siya lang  ang engineering student pero siya pa ang walang computer. Finals week pala nila kuya yun kaya hayun gising na gising sila lahat. Gusto kong bilhan ng pagkain si kuya noon kaso bente na lang ang  pera ko. Sa kapal ng calculus book na binabasa niya alam kong nakakagutom yun. Maya-maya ay nag-aya ang pinakamatanda sa room ata nila na sa may wing o corridor na lang sila magaral ng makatulog ako. "Mga tol nakakahiya naman sa chicks oh bukas tong mga ilaw natin, baka di siya makatulog namumugto pa naman yung mga mgagandang mata, pre sa labas na lang kami magaral sama ka na rin ng makapagpahinga utol mo" sabi ni kuya na kahit maitim ay gwapo at may kakisigan talaga ang pangangatwan paano ba namang di ko mapapansin eh naka white sando lang siya. Actually, nung pumasok ako ay nakaboxer shorts nga lang ang lalake at walang suot na pangitaas. Bago lumabas ay iniabot pa nito ang nagiisang electric fan nila sa kwarto sa kapatid ko na agad namang sinaksak ni kuya sa tabi ng kama niya kung saan ako nakaupo at nakayakap sa unan habang nakatalikod sa mga kasama niya sa kwarto . "Matulog ka na at bukas magusap tayo review lang ako" ang tanging salitang sinabi ulit ng kuya ng mga panahong iyun bukod sa paulit ulit na payo sa akin na lilipas din ang sakit at  kalimutan ko na ang bf kong iyun. Sa lobby palang kasi ng dorm nila kuya ay humagulgol na ako matapos niya akong sitsitan at palapitin sa kanya. Hindi ko na nga namalayan na marami pa lang etudyante na nakapwesto at nagaaral sa lahat ng sulok at lamesa ng lobby nila. Napansin ko lang noon ng lumingon si kuya sa kanilang lady guard at sa isang tanguan lang nila ay tila nagkaintindihan na sila na may problema at agad nga niya akong pinasunod sa kanya papunta sa room niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KuyaWhere stories live. Discover now