Ayaw nilang pumayag kaya nag-inarte ako at kunyaring nagtatampo hanggang sa pumayag sila. Ayoko lang kasi na bantay nila bawat galaw ko. Pinaalalahanan naman ako ni dad hanggang sa napunta sa swimming competition yung topic namin.

"I want you to back out pero dahil pangarap mo na ang pinag-uusapan dito ay papayag ako." Buntong hininga ni daddy sa pagpipilit kong wag mag back-out sa laro. Tuwang-tuwa naman akong yumakap sa kanila.

"Susunod kami sa school mo. You need to be early sabi ng coach mo." Paalala ni mom sa akin na ikinatango ko.

"I'll wait for you there." Turo ko sa kanilang lahat habang nakangiti at tsaka ako lumabas ng bahay.

Malapad ang ngiti kong sumakay sa kotse at napansin naman yun ng driver namin tsaka ako iiling-iling na pinagmasdan.

Hanggang sa nakarating ako sa school ay hindi parin natatanggal ang mga ngiti sa labi ko. Napansin naman nung iba yung pero hindi nakalagpas yung sugat ko sa mukha ko. Sinabi kong okay lang ako at kahit may sugat ako ay kaya ko paring maglaro.

Goodluck doon, goodluck dito. Ngiti doon, ngiti dito, yan lang ang ginagawa ko habang naglalakad ako papunta sa swimming area. Excited akong malaman kung sino ang mga makakalaban ko.

"Saaaam!" Napatigil ako sa tili ng mga kaibigan ko kaya natatawang nilingon ko sila pero agad na napakunot ang noo ko ng mabaling ang tingin ko sa magka-holding hands na si Cath at Den pero agad ko ding binalik ng mapagtanto kong sila na. Obvious naman eh. Nakikita ko ang saya sa mukha nilang dalawa.

"Congrats!" Ngiting tinapik ko ang balikat ni Den at tsaka ako ngumuso kay Cath.

"May kahati na ako sa oras mo." Kunyaring selos ako. Napamaang naman siya kaya agad akong napahalakhak. "Joke!"

"Bwisit ka!" Hinampas niya naman ako pero agad din siya napatigil dahil nanlaki ang mga mata niyang hinawakan ang mukha ko.

"Anong nangyari dito?!" Nagwawalang tanong niya habang tinuturo yung mga sugat ko sa mukha. Tinapik ko naman yung kamay niya.

"Binalikan daw siya nung lalaking sumuntok sa kuya niya." Paliwanag naman ni Pat. Lalo naman siyang nagalit.

"Okay na yun. Pasalamat ako at dumating si Wadensel." Agad na sabi ko sa kanya. Bigla naman silang nanukso.

"Kayo ha! May something sa inyo noh?" Imbes na mamula ako sa tukso ni Max ay inilibot ko ang tingin ko para hanapin siya pero wala. Ngumiti nalang ako ng tipid.

"Wala. Ano ba kayo? Tsaka mauna na ako sa inyo. Kailangan kong makausap si coach." Pag-iiba ko sa usapan. Tumango naman silang lahat.

"Oh sige. Goodluck, gorg!" Loko-loko talaga 'tong si Zander. Nag-goodluck naman silang lahat kaya nagpasalamat ako sa kanila. Itinuloy ko yung paglalakad ko.

I unconsciously smiled. Konting-konti nalang makukuha ko na yung goldentroph.

"Sam." Bigla akong napalingon sa likod ko at feeling ko biglang tumigil ang mundo. Unti-unting nawala ang ngiti ko at napansin niya yun. A smile curve on my lips a while ago, turned into thin line. He sighed.

"Goodluck." Napangiti ako doon pero isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ko kayang pekehin ang ngiti ko dahil naalala ko ang mga nangyari kahapon.

"Salamat." Though I appreciate his cheer.

"I care for you because you're my brother's friend and my daddy's business partner's daughter. And it's normal! I can't believe that you're giving a meaning of what I am doing in return. I can't believe you. Don't give meaning in everything, you're being pathetic."

Bigla akong natilgilan ng nag-echo yung boses niya sa isip ko. Nanikip bigla ang puso ko. Tama. Hindi ko dapat bigyan ng malisya. Dapat matuto na ako.

"Una na ako." Pormal na sabi ko at tsaka ako tumalikod para umalis na.

Ramdam ko parin ang tingin niya sa likod ko kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad ko. Nakita kong magkakasalubong kami ni Lance. Yung sikat na basketball player sa kabilang team. Hindi ko alam kung ako ba yung nginitian niya kaya hindi ko pinansin.

Nagulat nalang ako ng magtama ang mga mata namin at tumigil siya sa harap ko habang nakangiti.

"Goodluck!" Masiglang bati niya kaya napangiti ako. Naalala ko na naman yung pagtanggi ko noon sa alok niya pero okay naman kaming dalawa. Though hindi kami close ay nagngingitian at nagbabatian kami kapag nakakasalubong namin ang isat-isa.

"Thank you!" Masayang sabi ko sa kanya. Kinurot niya naman yung magkabilang pisngi ko habang tumatawa. Malakas na tinapik ko yung kamay niya.

"Sorry. Ang cute mo lang. I know naman na kayang-kaya mong talunin silang lahat." Natatawang sabi niya. Bigla naman akong napasaya dahil may tiwala siya sa akin.

"Ikaw talaga! Pero salamat ha?" Ngumiti naman siya.

"You're coach is looking for you." Napatingin ako sa likod ko dahil hindi ko napansing nandito pa pala si Wadensel. Pero hindi nakaligtas sa akin yung malamig niyang boses. Bahagyang napawi ang ngiti ko. Hinila niya naman ako palayo kay Lance.

"Stop flirting and go to your coach!" Biglang singhal niya sa akin na nagpakunot ng noo ko. Do I looked like I'm flirting with Lance?

"Hey dude. We're not flirting. Binati ko lang siya. May problema ba don?" Medyo inis na sabi naman ni Lance. Tinignan niya ito ng masama.

"I'm not talking to you." Napabuntong hininga naman ako at tsaka ko tinanggal yung kamay niya sa braso ko. Napatingin siya sa akin ng masama.

"I need to go. At wala kang pakialam kung anong gagawin ko. You're out of it." Hindi ko alam kung bakit siya ganito. Iniiwasan ko na nga siya. Siya naman ngayon ang lumalapit. Hindi makapaniwalang tinignan niya ako.

"Are you acting like this, dahil sa nangyari? Pinagseselos mo ba ako? Well, stop it because it's not even effective. What a desperate b*tch." Iiling-iling na sabi niya. Napamaang nalang ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa mata niya. Imbes na magsisi siya ay malamig na tingin ang isinukli niya sa akin.

How could he say that? How could he call me a bitch? How could he make me feel hurt too much? How could you do this, Wadensel. Why could you hurt me big time?

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now